Chapter 22

81.9K 1K 158
                                    

Anne Del Rio

Hindi na kami nakatulog na dalawa para makapahinga mula sa biyahe. Pareho lang kaming nakahiga dito sa kama at magkayap.

Napangiti siya.

Hindi ko mahulaan kung ano ang iniisip niya, basta napansin kong may pagkapilya ang mga ngiting iyon.

"Nahuhumaling ako sayo babe, ang ganda mo at ang bango pa." hinaplos niya ang braso ko sabay pisil. Sinundot ko naman yong tagiliran niya dahil alam kong nambobola na naman siya.

"Jillian, namumuro ka na talaga sa akin."

"Bakit babe? Ayaw mo ba? Di ka ba nagenjoy sa ginawa natin?"

Natatawa ako, sira ulo talaga siya. Tama bang itanong pa sakin 'yon?

Nagenjoy daw ba ako sa ginawa namin?

"Ano ba ang gusto mong marinig?"

"Na nagenjoy ka."

"Bakit? Di mo ba ramdam?"

"Babe Oo o hindi lang ang sagot."

"Eiiii!" tumalikod ako sa kanya habang akap niya ako.

Kapag sinabi kong Oo, matutuwa na naman siya ng sobra. At hindi lang yon, may halo na namang pangaasar ang mga sasabihin niya pag sinabi kong nagenjoy ako.

"Ate?!"

Bigla kaming napaupo ni Jillian nong kumatok at tawagin ako ni Sheena. Parehas kaming nakatapis ng kumot.

"Bakit?" pasigaw na tanong ko.

"Ate, labas tayo. Ilibre mo kami ng barbeque ni Mara! Dali na Ate!"

Naku, naglalambing na naman tong dalawang kapatid ko.

Tumingin ako kay Jillian.

"Tara babe. Paminsan-minsan mo lang makasama ang mga kapatid mo kaya pagbigyan mo na sila."

"Okay, saglit lang lalabas na kami." sabi ko. "Thanks bakulaw."

Sabay na kaming nagbihis saka lumabas ng kwarto.

"Yehey! Mara, tara na mag-barbeque na tayo!" natutuwang sabi ni Sheena.

Parang magkambal lang itong dalawang kapatid kong 'to kahit mas bata si Sheena kay Mara, hindi niya tinatawag na Ate ito. Halos magkasingtangkad lang din sila.

"Naku kayong dalawa! Alam niyong pagod yang mga Ate niyo inistorbo niyo!"

"Nay ayos lang po. Minsan lang naman po ito." sagot ni Jillian.

Nanay na rin talaga ang tawag niya sa Nanay ko. Napapangiti tuloy ako.

"Naku Jillian yang dalawang yan ay makukulit kaya pag pasensyahan mo na. Makhung barbeque yang dalawang yan! Laging tumatambay ang mga yan sa pinsan nilang si Lilet! Siya yong nagtitinda ng barbeque don sa may waiting shed."

Natatawa ako dito kay Nanay, mukhang barbeque daw yong dalawa kong kapatid.

"Ayos lang po yon Nanay." nakangiting sagot ni bakulaw.

"Nay labas po muna kami." paalam ko.

"Siya sige. Baka mamaya pa dadating Tatay niyo pero dapat andito na kayo bago mag alas otso ng gabi ha? Para sabay-sabay tayong kumain lahat."

"Opo" Sabay pa kaming sumagot ni Jillian.

Lumabas na kami ng bahay at naghihintay na yong dalawang kapatid ko.

"Ate namiss kita sobra." sabi sakin ni Sheena.

"Miss ko din kayo."

Habang naglalakad kami nakayakap sa bewang ko si Sheena. Si Mara naman ang sumasabay kay Jillian sa paglalakad.

Flares of Dawn (Jillian Fuentes Book 2) GXG ✔Where stories live. Discover now