Chapter 21

84K 1.1K 244
                                    


Jillian Fuentes

Ramdam ko ang bawat paghinga ng babe ko habang nakahilig siya sa balikat ko. Nagagawa ko siyang pagmasdan habang tulog siya.

Dahan-dahan kong hinawi ang buhok na tumatakip sa pisngi niya at marahang hinaplos ang pisngi niya.

Babe ko, mahal na mahal kita. Sorry sa lahat ng pagtatampo ko—.

"Jillian...."

"Hushh itulog mo lang babe para makapahinga ka, andito lang ako sa tabi mo. Yakap kita."

Dinampian ko ng halik ang noo niya saka ko pinisil ang kamay niya na nakayakap sa bewang ko. Mahaba-haba ang byahe namin, kaya hinahayaan ko munang makatulog ang babe ko. Makabawi man lang siya sa puyat at pagod na nadarama niya.

Sumandal ako dito sa kinauupuan ko saka tumingin sa monitor na nasa unahan. Isang Bollywood movie ang palabas pero di ko alam ano ang title, mukhang comedy dahil kanina pa tawa ng tawa tong mga kasama naming pasahero. Ako naman kasi nakatutok lang sa mukha ng babe ko. Kahit halatang pagod at puyat, isang maamong mukha pa rin ang napagmamasdan at nahahaplos ko ng paulit-ulit. Napakasarap titigan lalo na ang mapupula niyang labi na animoy nangaakit lagi at nagaanyayang magpahalik.

Napalunok ako. Ang totoo gustong-gusto ko na siyang halikan—.

"Miss?"

Hmm?

Napalingon ako sa katapat naming upuan.

"Mga bakasyunista ba kayo? Saan  ang punta niyo?"

Pinipigilan kong huwag tumaas tong kilay ko sa lalaking nagtatanong kung saan kami papunta ng babe ko. Ano bang paki-alam niya? Kailangan ba talaga niyang alamin kung saan kami pupunta?

"Bakit?"matabang na tanong ko sa lalake na may itsura. Kung tititigan mong mabuti may hawig siya kay Chris Evans sa Fantastic Four, at masasabi kong guapo siya. Matangos ang ilong at mistiso. Halata din sa katawan niya na nagwo-work out siya dahil bumabakat yong mga muscles niya sa suot niyang plain white na T-shirt.

"Wala naman, kayo kasi yong sinusundan ko kanina sa pilahan ng ticket eh." sabi niya sabay ngiti sakin.

Tumango lang ako. Gets ko na—malamang isa sa amin ng babe ko ang type niya. O baka ang babe ko mismo type niya. Pero bago pa man din siya makapagsalita ulit humarap ako sa babe ko saka ko siya dinampian ng halik sa labi. Lumingon ulit ako sa lalake at halatang nanlaki yong mata niya. Isang ngiti lang din ang binigay ko sa kanya saka agad na umiwas ng tingin.

Napangiti ako sa sarili ko dahil hindi pa man din siya nakakaporma eh wala na agad siyang pagasa. Aagawan pa niya ako sa babe ko eh kahit guapo siya di ako magpapatalo ano!

Hindi na ulit umimik yong lalake.

Ako naman eto nakayakap lang sa babe ko habang tulog siya. Kahit di ako nakatulog kagabi hindi naman ako makaramdam ng antok. Sinusulit ko yong pagkakataon na mayakap at matitigan ang babe ko.

Matapos ang apat na oras na byahe tumigil tong bus dito sa isang terminal.

"Fifteen minutes lang po tayo dito sa terminal para magsi-CR at kumain." yong kundoktor.

Tulog pa ang babe ko.

"Babe?"

"Babe?"

"Mmmm" umungol siya habang pikit pa din.

"Baka gusto mong magCR. Malayo pa byahe natin. Tsaka bibili ako ng food natin babe, gutom na ako." mga limang oras na byahe pa kami bago makarating sa kanila kaya kailangan namin mag pee at kumain.

Flares of Dawn (Jillian Fuentes Book 2) GXG ✔Where stories live. Discover now