Chapter 38

36.3K 948 80
                                    

Jillian Fuentes

"Jill, anong nangyari sa kanya?" tanong ni Wendy pagdating ko ng bahay. Buhat ko si Anne habang nakasunod siya sa akin.

"Lasing siya." matipid kong sagot, medyo mabigat ang babe ko pero kinakaya ko dahil nakatulog na siya sa sobrang kalasingan. Hindi ko sukat akalaing gagawin niya 'to, ang maglasing.  

Narating namin ang kwarto at hiniga ko siya sa kama.

"Maghahanda ako ng towel at maligamgam na tubig." sabi naman ni Wendy.

Umupo ako dito sa tabi ng babe ko saka ko hinaplos ang noo niya. Ang sabi niya masama ang pakiramdam niya pero bakit kailangan niyang maglasing?

Halos mabaliw ako kahahanap sa kanya kanina pero andon lang pala sila sa isang bar ni Atasha. 

Napapailing ako pag naiisip ko ang ginawa nila.

"Eto Jill. Punasan mo muna siya." 

Pagpasok ni Wendy inabot agad niya sakin itong maliit na basin na may lamang maligamgam na tubig at isang puting towel. 

"May problema ba kayo?" 

Napatingin ako sa kanya pero agad ko ding binawi ang tingin ko saka ko sinimulang punasan si Anne.

"Kanina ang sabi niya sa akin masakit ang puson niya at hindi siya pumasok ng klase namin ng hapon. Pinuntahan ko siya sa apartment niya pagkatapos ng klase pero wala siya don, gabi na nong malaman kong nasa bar siya kasama ni Atasha."

"Baka naman nagtatampo siya dahil sa pag-alis mo."

Napaisip ako at kusa na lang na tumaas ang isang kilay ko.

"Hindi niya alam ang tungkol don." sagot ko kay Wendy.

"Malaking problema yan."

Hindi ako nakaimik sa sinabi ng kapatid ko. 

Pinagpatuloy ko ang pagdampi ng bimpo sa pisngi ni Anne. Pulang-pula ito, sunod ang leeg niya. Nakatingin lang si Wendy sa amin habang naka sandal siya sa gilid ng pintuan.

Tahimik lang ako habang inaasikaso ang babe ko ang hindi ko inaasahan ay bigla siyang gumalaw at hinila ang kwelyo ng damit ko sabay halik sa labi ko. 

Hindi ako nakaimik, napatingin ako kay Wendy at para siyang matatawa. 

"Iwanan ko muna kayo. Ah, siya nga pala umuwi si Pam ng probinsiya." sabi niya.

Tumango lang ako.

Kaya pala si Wendy lang ang sumalubong sa akin kanina pagdating namin dito sa bahay.

Nabaling ulit ang tingin ko kay Anne. Hindi ko akalaing may pagka-pilya tong babe ko kapag lasing.

"Mhmm....."

Para akong nataranta nong bigla siyang umungol.

"Babe?"

"Mhmmm..."

Puro ungol lang ang naririnig ko sa kanya habang nakahawak siya sa sikmura niya.

"Babe, may masakit ba sa'yo? Masakit ba ang tiyan mo? Sabihin mo sa akin anong nararamdaman mo?"

Alalang-alala ako pero tinalikuran niya lang ako.

Tsk! Ang lakas ng topak niya ngayon, ah.

Kinuha ko ulit yong bimpo saka ko pinagpatuloy na punasan yong leeg niya sunod yong braso niya.

Hindi ko malaman kung bakit siya naglasing, hindi naman siya ganito dati. Isa pa, hindi naman kami nag-away kaya nagtataka ako kung bakit niya nagawang maglasing ng ganito.

Flares of Dawn (Jillian Fuentes Book 2) GXG ✔Where stories live. Discover now