Chapter 48

37.4K 826 90
                                    

ANNE DEL RIO

MULA rito sa pampang nakatanaw ako sa malayo habang nakahawak ako sa braso ko dahil sa lamig na hatid ng hampas ng mga alon mula sa dagat. Ilang linggo na rin ang lumipas mula nong huli kaming nagkita ni Jillian. Lagi kong naalala ang eksenang iyon at kahit anong isipin ko bumabalik lang lahat sa umpisa kung saan lumayo siya at iniwan akong mag-isa. Pero paano ba kita makakalimutan Jillian? Paano ko ba palalayain ang sarili ko mula sa iyo? Hindi pala ganon kadaling gawin iyon. Na kapag sinabi mo ay magagawa mo agad-agad.

Lagi kong naaalala ang mga haplos mo at hatid non ay ngiti sa puso ko. Dahil don, patuloy ang pag-aasam ko sa pag-ibig na walang hanggan kasama ka. Ang mga halik mo na nagbigay ng kakaibang pakiramdam sa akin hanggang ngayon iyon pa rin ang nagbibigay buhay sa akin pag naiisip ka.

Naghuhumiyaw ngayon ang damdamin ko na sana maalala mong bumalik sa akin. Sana matutunan mong bumalik Jillian….dahil hindi ko alam kung hanggang kailan ko makakayanan ang lungkot na nararamdaman ko ngayon.

Umaasa ako kahit patuloy akong nasasaktan.

Hinihiling ko na lang na sana ngayong gabi lahat ng sakit at kalungkutan ko ay tuluyan ng tangayin ng hangin, ayoko ng magpakalunod pa sa inaakalang pagmamahal dahil sobrang sakit na. Sobrang sakit na talaga Jillian. Pero kahit anong kumbinsi ko sa sarili ko na kalimutan ka, lagi pa rin nitong ipinapaalala ang pagmamahal ko sayo.

“Anne, are you all right?”

Wala sa loob ko na napatango kay Frances na nasa tabi ko na ngayon.

“Good. Magready ka na, mamaya lang sisindihan na natin ang giant bonfire natin.”

Tumango ako at pilit na ngumiti sa kanya saka ko ibinalik ang tanaw ko sa karagatan.

Hindi ko na nagawang lumingon pa sa kanya nong magpaalam siya para tumulong sa pag iihaw ng pagkain para mamaya.

Huminga ako ng malalim saka ako nagsimulang maglakad hanggang sa mapatigil ako at namulot ng mga puting bato sa buhangin. Hawak ko lang ang mga bato saka ako tumingin sa direksyon ng araw.

Papalubog na ito at unti-unti na itong nilalamon ng dagat, sana katulad ng araw na iyon ang buhay ko. May kakayahan siyang magtago para makapahinga, dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon kahit nakapikit ang mga mata ko parang may matalim na bagay na tumutusok pa rin sa puso ko….sa buong pagkatao ko.

Ang araw na iyon ay magpapahinga na, samantalang ako eto kahit dumidilim na patuloy pa rin yong lungkot…yong sakit na nararamdaman ko.

Sana katulad ko siya para magawa ko ring itago ang nararamdaman ko kahit saglit lang. Kahit saglit lang makalimutan ko yong sakit na naiipon sa dibdib ko.

Napahigpit lalo ang hawak ko sa mga bato sa kamay ko. Sinubukan kong itapon sa dagat ang isang bato. Hindi ko na nakita kung saan eksaktong lumapag yong bato dahil madilim na ang tubig ng dagat dahil tuluyan ng nawala ang araw pero alam kong malayo ang inabot noon.

“Tsk tsk tsk!”

Ihahagis ko pa sana ulit itong isang hawak ko nong marinig kong may papalapit sa akin.

Tumigil ako at itinago ang hawak ko sa tagiliran ko pero huli na ang lahat dahil alam kong nakita na ni Jean ang ginagawa ko.

“Hindi ganyan ang maghagis ng bato. Napakahinhin mo!”  

Inagaw niya sa akin ang hawak ko at buong pwersa niya itong hinagis sa dagat.

Pareho kaming nakatanaw kung saan lalapag ang bato pero hindi namin iyon nakita, basta isang malakas na tunog na indikasyon na malakas ang pagkakahagis nito.

Flares of Dawn (Jillian Fuentes Book 2) GXG ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon