Chapter 47

47.5K 1K 249
                                    

Anne Del Rio

NAGSIMULA na ang enrolment, kasabay ko si Jean at Jo na nag-enrol. Nakakatuwang makita ulit ang mga kaklase namin pero
kumusta na kaya si Jillian.

Sa akin sila madalas na lumalapit para magtanong. Alam kasi nila kung gaano kami ka-close at mula nong gabing nagpaalam si Jillian sa lahat, don nila nalaman ang tungkol sa amin....sa relasyon naming dalawa.

Pero wala naman ni isang naglakas ng loob na mag-usisa pa tungkol sa amin ni Jillian. Halatang open-minded naman lahat pero may mga na-shock pa rin nong makita nilang maghalikan kami sa harapan nilang lahat pero sa bandang huli pinalakpakan lang kami. Takot akong malaman ng mga kaklase namin noon dahil akala ko tutuksuhin kami, huhusgahan kami pero hindi naman pala. Normal pa rin ang pakikitungo nila sa akin pero noon pa man hindi ako gaanong nakikipag-usap sa kanilang lahat kaya ang alam talaga nila masungit ako.

Ilang araw na lang pasukan na ulit pero wala ng Jillian na susundo lagi sa akin. Mag-isa ko na lang mula ngayon. Mag-isang papasok at mag-isang uuwi. Kahit sabihin kong andiyan si Jean at Jo hindi iyon mapapantayan ang mga araw na naririto si bakulaw. Nalulungkot ako ng sobra pero ano pang magagawa ko kundi magpatuloy na lang.

Pagkatapos kong maka-enrol umupo muna ako dito sa bench, mag-isa. Si Jean at Jo may inaayos pa sa mga units nila. Nauna akong natapos dahil regular student naman ako hindi katulad nila na varsity ilan lang ang units na pwede nilang kunin dahil yon ang patakaran dito sa school pagdating sa varsity players katulad ng dalawa, pero lahat ng makukuha nilang subject dapat pareho daw kami ng oras katulad dati para kasama pa rin nila ako.

Nakapakatyaga din ng dalawa. Alam kong ginagawa nila lahat ng paraan para maramdaman kong hindi ako nagiisa kahit wala na si Jillian dito. Sobra ko namang naaappreciate iyon.

Ilang beses akong napapalingon sa direksyon kung saan manggagaling yong dalawa.

Naiinip na ako dahil magdadalawang oras na akong naghihintay wala pa rin sila kaya naisip ko ng lumabas ng Campus.

Tumayo na ako at nagsimulang maglakad, palabas na sana ako ng gate nong mapahinto ako at naglakad pabalik. Naisip kong dumaan saglit sa mga dating classroom namin. Isa-isa kong pinuntahan kahit sa mga laboratory pinuntahan ko. Sinilip ko lang ang mga kwartong iyon at pagkatapos non tuluyan na akong lumabas ng gate.

Naglakad lang ako katulad ng ginagawa ko noon, iniisip ko na lang na kasama ko si Jillian habang may hawak siyang bola at nilalaro ito habang naglalakad kami papunta sa dati kong apartment pero hindi pa ako nakakalayo ng lakad ng tumigil ulit ang mga paa ko. Nakatayo lang ako habang hawak ng dalawang kamay ko ang sling ng bag ko na halos sumayad na sa lupa dahil mahaba ang sling nito. Nakatayo lang ako na parang walang patutunguhan, hindi ko alam kung saan ba ako pupunta.

Bawat dumaang tao sa akin napapatingin, binabalewala ko lang hanggang sa makakita ako ng taxi at pinara ko ito.

"Saan po Miss?" tanong ng driver.

Sinabi ko sa kanya ang lugar na pupuntahan ko at agad namang sumunod si Kuya driver. Napasandal ako dito sa passenger's seat habang nasa byahe. Medyo hapon na rin kaya tinext ko na lang si Jean at Jo para hindi na nila ako hagilapin pa. Sinabi ko sa kanila na nauna na akong umalis sa kanila, alam kong tatawag agad ang mga iyon sa akin kaya pinatay ko muna ang phone ko.

Gusto kong mapag-isa....

Napabuntong hininga ako habang nakikinig sa kantang 'Invisible' ni Hunter Hayes na pinapatugtog ni Kuya driver dito sa sasakyan niya.

"Trust the one who's been where you are wishing all it was. Was sticks and stones. Those words cut deep but they don't mean you're all alone. And you're not invisible. Hear me out. There's so much more to life than what you're feeling now. Someday you'll look back on all these days. And all this pain is gonna be invisible."

Flares of Dawn (Jillian Fuentes Book 2) GXG ✔Where stories live. Discover now