Chapter 18

71.4K 872 30
                                    

Jillian Fuentes

"Good morning Coach" bati ko sa Coach namin pagpasok ko dito sa Office nila. Andito din yong Assistant Coach at ibang Staff ng Volleyball Team.

"Jill upo ka. Anong atin?" si Coach sabay inom ng energy drink na hawak niya habang nakaharap sa monitor ng PC. Mukhang busy siya.

"Coach para po sayo to, at ito naman para sa mga kasama mo dito." Nilagay ko sa ibabaw ng table niya yong dalawang malaking paper bag.

"Ano to?" tanong niya sabay silip sa loob ng paper bag.

"Mga poloshirt po yan Coach. Bigay po ng Dad ko. Gusto nga po sana niya personal na iabot sa inyo yan kaso kauuwi lang po ulit nila ng States. Di na po nila nagawang dumaan dito."

Halatang nanlaki yong mata ni Coach.

"Jill mamahalin to ah."

Tumango lang ako.  Kailangan kong gawin ang bagay na ito para di makatanggi si Coach pag nagpaalam akong hindi pupunta sa praktis namin bukas hehe.

"Salamat dito Jill. Ano bang meron?"

"Uhm wala naman po Coach, sabi kasi ni Dad magaling daw po kayong Coach at humahanga po siya at natutuwa po siya sa inyo."

Ngiting ngiti siya.

"Sayang di man lang ako nakapag thank you ng personal sa Dad mo."

"Naku wala po yon Coach. Kayo pa! Siya nga po yong gustong pumunta dito para mapasalamatan po kayo dahil sa inyo naging magaling akong Varsity Player."

Halatang natutuwa talaga si Coach.

Pero kailangan ko lang talaga maisingit yong pagpapaalam ko para tomorrow.

"Nakakatuwa talaga si Sir oh. Kahit kailan mabait talaga siya." tinutukoy niya si Dad. Kilala siya ng mga Professor at mga Coach dito kahit madalang na pumunta dito sa School.

"Ay uhm Coach magpapaalam din po sana ako."

"Hmm? Hrrrrm!" parang nasamid pa siya. Gets agad niya na may kapalit yong inabot ko hehe.

''Kung pwede po sanang  hindi ako magpraktis bukas Coach. May kailangan lang po akong asikasuhin kasama yong Lawyer namin." Pigil na pigil yong hininga ko baka di pumayag si Coach eh bukas na yong byahe namin ng babe ko.

"Ano bang aasikasuhin mo? Alam mo naman na hindi tayo pwedeng magpabaya dahil mahigpit ang laban ng bawat kupunan."

Umayos ng upo si Coach habang nakatitig lang sakin.

"Naintindihan ko po Coach. Uhm kasama ko kasi yong Lawyer po namin bukas, may aayusin po kami. Family matter po." Seryoso lang akong nakikipagusap. Dahil pag ngumiti ako baka kasi mahuli niya akong gumagawa lang ng kwento. Di kasi ako magaling sa pagsisinungaling.

"Hindi ba pwedeng sa ibang araw niyo na lang asikasuhin yan? Ano bang mahalang bagay na aasikasuhin mo?"

Tsismoso din minsan talaga tong si Coach eh.

"Confidential po Coach. Hindi ko pa po pwedeng sabihin baka malaman ng buong madla masira pa yong focus ko sa game lalo na pag nalaman ng Media."

Ano ba tong pinagsasabi ko pati Media nadamay na.

Bumuntong hininga siya. Halatang ayaw niyang pumayag sa hiling kong hindi sumali sa praktis bukas.

Coach pumayag ka na...Please! Please! Please!

"O siya siya siya! Siguraduhin mo lang Jill na sa next game hindi mo ako bibiguin. Alam mong ikaw ang pinaka-inaasahan ko sa lahat."

Yes!

Flares of Dawn (Jillian Fuentes Book 2) GXG ✔Onde as histórias ganham vida. Descobre agora