Chapter 54

48.6K 1.2K 259
                                    

Anne Del Rio

“Oo huli na ito Jillian, at least sa bibig mo na mismo nanggaling.”

“Makinig ka muna sa akin.”

“Ayoko na. Paki-usap ipahatid mo na lang ako.”

Lalo akong napaiyak nong hawakan niya ang dalawang kamay ko. Pilit ko itong binabawi sa kanya pero mahigpit niya itong hinawakan.

“Huli na ito, hindi na kita sasaktan pa. Mahal kita, Anne. Mahal na mahal kita. Patawarin mo ako kung nagawa kong iwasan ka. Takot lang ako na ilapit ulit ang sarili ko pagkatapos kong lumayo sayo. Oo, duwag ako dahil lumayo ako akala ko kasi iyon ang makakabuti para sa ating dalawa. Sinayang ko ang ilang buwan, ang ilang araw at oras na hindi ka makasama pero maniwala ka, hindi nagbago ang pagmamahal ko sayo.”

Patuloy ang pagbuhos ng luha ko lalo na nong ilapat niya ang kamay ko sa tapat ng puso niya. Hindi rin nakaligtas sa akin ang mga luhang tumulo sa mga mata niya at ganon na rin ang pagpintig ng puso niya na damang dama ng palad ko.

“Anne, may hihilingin sana akong isang bagay?”

Ano pang hihilingin mo? Naibigay ko na sayo lahat pati ang palayain ka ibinigay ko na rin…ano pa ba Jillian?

“Sumama ka sa akin.”

“Anong ibig mong sabihin?”

“Huling, Hirit ko na ito Anne. Sana pumayag ka.”

Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya pero mula ng makita ko ang mga luha na tumulo sa mga mata niya parang sa isang iglap lang nagawa niyang pawiin yong bigat na nararamdaman ko sa kanya.

Pero hindi ako umiimik nakatingin lang ako sa kanya.

“Please?”

“Saan mo ba ako dadalhin?”

Hinawakan niya ng mahigpit ang kaliwang kamay ko saka niya ako hinila.

Bakit ganon? Kahit gaano kasakit ang mga ginawa sa akin ni Jillian may malaking espasyo pa rin sa puso ko na nagsasabing sumunod ako sa kanya at noon ko lang namalayan na natatangay na niya ako at kasabay ko siyang humahakbang. Mahigpit pa rin niyang hinahawakan ang kamay ko habang naglalakad kami.

Hindi ko maintindihan kung bakit nakakaramdam ako ng pagiinit sa pisngi ko habang nakatitig ako sa mga kamay namin ni Jillian na magkahawak at sa tagal kong nakatitig dito hindi ko na namalayan kung nasaan na kami.

 “Handa ka na ba?” sabi niya habang nakahawak ang kamay niya sa doorknob.

“Handa saan?” takang tanong ko sa kanya.

Ngumiti lang ito saka dahan-dahang binuksan ang pinto.

“Anong meron?” tanong ko ulit dahil wala naman akong nakikitang kakaiba sa loob kundi ang isang mahabang table lang.

“Mhmm isang simpleng dinner.”

Dinner?

Dinner para sa pag alis niya?

Napapikit ako sa pag iisip na nagpadala na naman ako sa katangahan ko.

“Welcome back Jillian!!!!!”

Tila tumigil saglit ang pag ikot ng mundo marahil narin sa pagkabigla ko.

Sunod sunod ang pagputok ng confetti dito sa tabi naming dalawa ni Jillian. Makita-kita ko na lang ang mga kaibigan niya. Masasaya ang mga ngiti ng mga ito at isa-isa silang humalik sa pisngi ko sina Ellaine, Atasha, Frances at Yana. Ngumiti lang sa akin si Jo samantalang si Jean inirapan naman ako.

“Anong ibig sabihin neto, Jillian?”

 Tanong ko pero abala siya sa pagtingin sa relo niya.

“Andiyan na pala sila.” Ang sabi niya at napansin ko na lang ang pagparada ng puting sasakyan sa tapat namin.

Flares of Dawn (Jillian Fuentes Book 2) GXG ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon