Epilogue

54.4K 1.3K 327
                                    

Jillian Fuentes

"Gusto kong bumili ng flowers para sa babaeng mahal ko."

Ngumiti ang lady staff at agad itong nag-abot sa akin ng isang bouque ng fresh red roses.

Regular client na ako ng flower shop na ito kaya naman alam na nila kung ano ang gusto kong bilhin para sa babaeng mahal ko.

I'm Jillian Fuentes by the way and I want you to meet the woman who caught my heart, Anne Del Rio.

At heto na siya ngayon naglalakad na papalapit sa akin.

Habang nakatayo ako dito sa gilid ng kotse pilit kong itinatago ang isang bungkos ng bulaklak sa likod ko para surpresahin siya.

Pero parang nahuhulaan na niya ito.

Ikaw ba naman ang araw-araw na may dalang bulaklak para sa girlfriend mo.

"Flowers for you, babe."

Napangiti siya sabay kurot sa tagiliran ko.

"Ikaw talaga Jillian, punong puno na ng bulaklak yong apartment ko. Saan ko pa ilalagay 'to?"

Ngumiti lang ako saka nagkibit-balikat.

"Jillian ha, masyado mo akong sinasanay sa ganito. Pag ikaw nagbago at hindi mo na ako binigyan ng bulaklak magtatampo talaga ako sayo."

Agad ko siyang inakbayan sabay yakap.

"Babe, ano kaya kung oras-oras kitang bigyan ng bulaklak?"

"Tse!"

Natatawang itinulak ako nito saka hinampas ang braso ko.

"Saan ba tayo pupunta at bigla-bigla ka na lang nag-aaya?"

"Let's have dinner."

"Gusto mong kumain sa labas? Ayaw mo na bang ipinagluluto kita?"

Napangiti ako dahil may tonong pagtatampo ang tanong ni Anne.

"Gusto ko syempre, dahil ang luto mo ang pi.........naka-masarap na pagkain sa buong mundo!"

"Eh, bakit pa tayo magdidinner sa labas?"

Nagmumukha talagang kyut tong babe ko pag nagtatampo.

"Huwag ng magtampo kasi sa bahay tayo pupunta. Then tomorrow kailangan ikaw ang magluto para sa akin kasi alam mo namang malakas akong kumain pag ikaw ang nagluluto."

"Sus! Nambola ka pa. Akala ko tuloy ayaw mo nang ipinagluluto kita."

"Alam mo babe kahit sinong makatikim ng luto mo, sasabihin niyang 'the best' ito! Kaya nga natatakot ako na ipatikim mo yong luto mo sa iba kasi baka ma-in-love pa sila sayo. Paano na ako babe?"

"Aysuuuuus ang bakulaw na 'to. Nagdrama na naman."

Napangiti ako lalo nong pisilin niya ang magkabilang pisngi ko.

"Tara na babe baka diko mapigil ang sarili ko dito pa kita mahalikan sa tabi ng kalsada. Ang dami pa man ding nakatingin sa atin."

"Ikaw talaga, naughty."

"Gusto mo namang kini-kiss kita, di ba?"

Bigla na lang niya akong siniko nong makaupo na kami dito sa loob ng sasakyan.

Natatawa naman ako dahil halatang guilty ang babe ko.

Ilang minuto rin ang naging byahe namin at pagpasok palang ng gate dito sa bahay halatang nagulat na siya.

Ang hindi alam ni Anne, isang salu-salo ang inihanda ko para sa kanya.

Buong pamilya namin ay naririto ganon na rin ang mga kaibigan namin at iba pang malalapit sa puso naming dalawa, andito rin lahat ng mga kaklase at mga kasama ko sa team. Ang iba naman ay mga kamag-anak at business partner ng pamilya Fuentes na naririto sa Pilipinas. Inimbitahan ko sila para pormal na ipakilala si Anne sa kanila. Dahil bilang isa sa tagapag mana ng angkan ng Fuentes gusto kong ipagmalaki si Anne sa kanila.

Flares of Dawn (Jillian Fuentes Book 2) GXG ✔Where stories live. Discover now