Chapter 42

38K 1.1K 342
                                    

Jillian Fuentes

NAKABALIK na ako sa klase at ganon din si Anne. Mas nauna lang ako ng isang araw sa kanya sa pagpasok. Pero malaki ang nagbago pagbalik naming dalawa dahil parang stranger na kami sa isa't-isa. Hindi niya ako halos kausapin at iba na lagi ang mga kasama niya, madalas yong mga bakla o di kaya sina Lucy, hindi na rin siya tumatabi sa akin dahil lagi na siyang nasa pagitan nila Jo at Jean. Lagi tuloy akong tinatanong ng ibang kaklase namin kung bakit hindi ko na daw tinatabihan si Anne. Di ko lang massabi na si Anne ang ayaw tumabi sa akin. 

Tahimik ako habang nakatingin sa may pintuan hinihintay ko si Anne na pumasok dahil lumabas siya kasama nila Lucy. Araw-araw wala na akong ginawa kundi ang pagmasdan na lang siya. 

"Ahem Ahem! Classmates makinig kayo!!!" 

Natigilan ako sa pagiisip nong marinig ko si Jean. Biglang natahimik ang buong klase at ngayon nakatingin na kaming lahat sa kanya habang nakatayo siya sa harapan.

"Sinong may gusto ng number ni Anne? Itaas ang kamay!"

Biglang taas ng kilay ko. Tama bang ipamigay niya yong number ni Anne!

Tiningnan ko ng masama si Jean kaso nginitian lang ako. Hayop na to!

"Ako! Ako!Ako!"

Paglingon ko sa likod halos lahat ng kamay ng mga kaklase naming lalake nakataas na ang kamay.

"Eh sinong gustong makipagdate kay Anne?"

"Ako! Ako! Ako!"

Napakuyom ako, nang-aasar ba talaga tong hinayupak na to!

Bigla akong tumayo saka ko siya nilapitan.

"Anong ginagawa mo?!" pagsita ko sa kanya kaso hindi ako pinansin. Asar!

"Kung sino ang makakatalo sa score ko sa exam sa Accounting siya ang makakadate ni Anne at sa kanya ko din ibibigay yong bagong number niya."

"Putcha naman Jean, eh! Imposible naman yang sinasabi mo!"

Bagong number ni Anne? Iba na number niya?!

Mabilis kong kinuha yong phone ko saka dinial yong number ni Anne.

"The number you have dialed is either unattended or out of coverage area"

Shit! Kaya pala kahit anong text ko sa kanya hindi na ako nirereplyan.

"Ibahin mo naman yong dare Jean. Alam mo Namang nangongopya lang kami pag nageexam eh."

"Sorry guys. Hindi naman basta-basta number yong ibibigay ko sa inyo di ba? Kilala niyo naman kung kaninong number yon kaya sorry nalang kayo."

Hindi na ako mapakali. Hindi pa ako nakakaalis ng bansa para na akong masisiraan ng bait pano pa kaya pag nakaalis na ako? Hay! Asar na Jean na to, talagang pahihirapan ako eh!

"Sayang single na si Anne, pwede niyo na sana siyang i-date." dugtong pa niya.

Buwiset!

Nong matapos ang lahat ng klase namin agad kong nilapitan si Jo.

"Jo?" hinawakan ko agad yong braso niya habang isa-isa niyang pinapasok ang mga gamit niya sa bag niya.

"What?"

"Pahingi ng number ni Anne?"

"Mhmm number ni Anne?"

"Oo, please?"

Halos tumirik ang mata ko nong talikuran ako ni Jo.

Asar! 

No choice ako kundi lapitan si Jean.

Flares of Dawn (Jillian Fuentes Book 2) GXG ✔Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt