Chapter 26

71K 974 100
                                    

Wendy's POV

MADAMING tao ngayon dito sa bahay. Nong magpaalam kasi ako sa mga kamag-anak ko na sasama na ako sa kapatid ko sa Maynila naisipan nilang magkaruon ng konting salu-salo dito sa bahay. Kaso lahat na ata ng kabarangay namin ay pumunta dito. Naghanda yong mga Tito at Tita ko para sa pananghalian, andito din sila Lolo at Lola na napaka-emosyonal ngayon. Ako man ay naiiyak kapag naiisip kong iiwan ko sila.

"Maya-maya lang andito na si Jill.Makikita ko na ulit siya!" si Pam. Kasama kong nagliligpit ng mga plato.

"Ikaw na bahala sa banda habang di ka pa nakakaalis." pakiusap ko sa kanya. Alam ko malapit na ring umalis si Pam papuntang Korea.

"Ou sige, nalulungkot naman ako dahil iiwan mo na kami dito."

Hindi ako sumagot sa kanya. Unang pagkakataon ko to na lumayo sa mga kamag-anak at kaibigan ko. Matagal na panahon na sila ang itinuring kong pamilya. Mabigat man sa loob ko pero kailangan ko ding gawin to para sa sarili ko at sa kapatid ko.

Kahit papaano masaya naman ang araw na to dahil bukod sa handa nagrenta din si Pam ng videoke para makapagkantahan din lahat ng mga bisita. Kaya naging maingay ang buong bakuran namin ngayon.

Tuwang tuwa naman yong mga matatanda kapag kami na ni Pam ang kumakanta. Andito rin yong kasama namin sa banda. Sila Lolo at Lola kahit halatang malungkot napapangiti pa rin sila pag ako na yong bumibirit sa videoke.

"Apo, wag mo kaming kalilimutan ng Lolo mo ha?"

Hawak ng mahigpit ng Lola ko ang mga kamay ko habang naiiyak na nagsasalita.

"Opo La, madalas pa rin po akong uuwi dito para dalawin kayo."

"Mag-aaral ka pag nasa Maynila ka na Apo. Wag mo sasayangin yong pagkakataon habang bata ka pa." naluluhang sabi sakin ni Lola.

"Makakaasa po kayo, La. Mag-aaral po ako pag sinabi po nila." niyakap ko si Lola ng mahigpit dahil alam kong nalulungkot siya sa pag-alis ko.

Kahit papano naging magaan na rin ang loob ko mula nong magkausap kami ng Tatay namin ni Jillian. Kailangan ko lang talaga na tanggapin ang katotohanan at magpatawad.

"Voc! Andiyan na si Jill!" sigaw ni Pam saka mabilis na nagpunta ng kalsada.

Talaga naman tong si Pam oh.

"La pupuntahan ko lang si Jillian."

Tumango naman si Lola.

Naglakad na rin ako, paglapit ko nakapulupot na naman si Pam sa braso ng kapatid ko.

"Wendz!" nakangiting bati sakin ni Jillian.

"Kumusta? Tara muna sa loob para makakain ka."

"Okay lang naman ako." sagot niya.

"Miss na miss na kita Jill." sabi ni Pam sa kanya na halos ayaw bumitaw sa braso niya. Siguradong pag andito si Anne hindi niya magagawa ang bagay na yan.

Pinakilala ko muna si Jillian sa mga kamag-anak ko saka ko siya pinaghanda ng pagkain.

Hindi pa rin siya nagbabago. Matakaw pa din.

"Okay lang ba kina Lolo at Lola mo na sasama ka sa akin?" sabi niya habang ngumunguya.

"Ou, pumayag naman sila. Basta wag ko daw makakalimutang dumalaw dito."

"Hmm hamo lagi pa rin tayong uuwi dito para di sila magalit sa akin." ngumiti siya saka sumubo ulit.

Tumango ako.

"Jill okay lang ba dumalaw minsan sa bahay niyo? Para magkita pa rin kami ni Voc?" si Pam.

"Uhhh ou, walang problema. Sabihin mo lang pag gusto mong dumalaw."

Flares of Dawn (Jillian Fuentes Book 2) GXG ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon