Chapter 19

66.5K 887 89
                                    

Anne Del Rio

Bumuntong hininga ako saka ko inayos yong mga pera sa drawer ko. Nagpipigil ako para wag tumulo tong luha ko dahil ayokong makita nila na umiiyak ako lalo na dito sa trabaho. Kahit sabihin ko kay Jillian ang totoo ayaw naman niyang makinig sakin. Never ko namang sinabi kay Sir Ador na may boyfriend ako, dahil nong minsan tinanong niya ako na may nagpapasaya na sakin tumango lang naman ako pero inisip ata niya na BF ang meron ako.

"Girl okay ka lang ba?"

Napalingon ako kay Tisay saka tumango. Nahahalata siguro niya na panay ang buntong hininga ko.

Binaling ko ulit yong atensiyon ko sa inasyos kong pera. Buti na lang paisa-isa na lang yong dumadating na Customer. Kanina halos di ako magkanda-ugaga sa pagkuha ng orders. Pero kahit madaming tao hindi pa rin nawawala sa isip ko si Jillian. Ramdam kong galit na naman siya sakin.

"Girl magbreak muna tayo? Andito naman na sila Ruth. Tayo naman."

Tumango lang ulit ako kay Tisay dahil wala ako sa mood magsalita.

Nilock ko na tong drawer ko saka ako sumunod sa kanya sa pantry. Deretso siya sa table ako naman kinuha ko agad yong cellphone ko sa locker. Mabilis kong tiningnan kung may text na si Jillian.

Pagtingin ko sa CP ko napakagat ako sa lower lip ko saka sumandal dito sa locker.

Hay! Gusto ko ng umiyak talaga. Ni isang text wala!

Madalas pag nagbreak ako lagi siyang may text sakin. Pero ngayon wala.

"Girl may problema ba?"

Hindi ako umimik. Nakayuko lang ako.

Napansin kong lumapit si Tisay sakin kaya nag-angat ako ng mukha saka umiling sa kanya at yumuko ulit.

"Hay naku! Kilala na kita girl, alam ko kung kelan ka masaya at kung kelan ka may problema."

Hinila niya ako saka kami umupo. Magkaharap kami dito sa table. Umiiwas ako ng tingin dahil baka mapaiyak ako ng di oras. Ayoko pa naman yong tatanungin ako kung anong problema ko dahil talagang mapapaiyak ako.

"Girl bakit? Bakit ang lungkot mo? Pwede mo naman sigurong i-share sakin para gumaan pakiramdam mo?"

Bumuntong hininga ako.

Hindi ko alam pano ko sasabihin kay Tisay pero kailangan ko talaga ng taong makakaintindi at makikinig sakin. Ang bigat-bigat ng kalooban ko at hindi ko na kayang kimkimin pa.

"S-si Jil-lian." halos di ako makapagsalita. Nakayuko pa rin ako.

"Bakit? Nag-away kayo?"

Tumango ako.

Hindi ko talaga kasi alam pano ba sasabihin sa kanya about sa amin ni Jillian. Natatakot kasi talaga ako at ayoko ng marinig pa ulit yong mga panghuhusga sa amin gaya ng mga narinig ko kay Rhen.

"Gusto mo siya no?"

Natigilan ako sa pagiisip sa tanong ni Tisay.

"Halatang may gusto ka sa kanya girl." dugtong niya.

Tumingin ako sa mga mata ni Tisay.

"Ang t-totoo mahal ko siya Tisay." sabi ko sabay lunok. Bigla akong nakaramdam ng panginginig sa buong katawan ko nong ipagtapat ko kay Tisay na mahal ko si Jillian.

Napatingala ako dahil tutulo na yong luha ko.

"Eto girl tissue."

Kinuha ko yong inabot niyang tissue saka tumingin ulit sa kanya.

Hindi ako makaimik. Parang may pumipigil kasi sakin kapag gusto kong i-share yong tungkol sa amin ni Jillian.

"Mahal mo rin pala siya girl?"

Flares of Dawn (Jillian Fuentes Book 2) GXG ✔Onde histórias criam vida. Descubra agora