Chapter 7

83.3K 972 61
                                    

Anne Del Rio

"Tara kunin na natin para maayos na lahat" si Jean.

Katatapos lang ng morning class namin, sabi ko sa kanila kailangan kong kunin yong Certificate of Scholarship sa Office ni Mayor. Kahapon ko pa kasi nareceive yong letter. Nakapasa ako sa exam at kailangan kong makuha yong Certificate.

Kapag naayos yon at naging scholar ako di na ako lilipat ng bahay. Saka ko na lang din sasabihin kina Nanay at Tatay pag okay na lahat. Buti na lang andito tong tatlong makukulit na to, laking tulong talaga sila sakin, isa pa sila na yong naging kaibigan ko mula nong lumipat ako dito sa school. Si Jillian syempre siya ang pinaka love ko.

After namin maglunch deretso kami sa Munisipyo. Si Jean ang laging unang nakikipagusap saka niya ako tatawagin pag okay na.

Si Jean na walang ginawa kundi asarin si Jillian, pero pag sa mga ganitong bagay maasahan talaga siya. Kapal kasi ng mukha kahit sino kinakausap lalo na pag magandang babae. Si Jillian at Jo may pagka snob sila pag dating sa ibang tao. Pero pag fans ang lumapit matyaga naman silang ngumingiti. Lalo na ang mahal kong si Jillian ang cute ng ngiti.

"Miss Anne eto na, pakireceive na lang dito." inabot sakin yong malaking brown envelop, saka ko pinirmahan yong acknowledgement receipt.

Pagbukas ko Certificate nga! Parang sobrang tuwa ko naman. May dulot ding kagandahan minsan pag kinikidnap ka ng mga makukulit na tatlong to.

"Thank you po Miss Arlene." sabi ko.

Ngumiti naman siya.

"Alis na kami Miss Arlene." paalam ni Jean. Ni minsan di ko pa nakikita si Mayor kahit dalawang beses na kami nagpunta dito sa Munisipyo.

"Ganda talaga ni Miss Arlene ang sexy pa." sabi ni Jean habang naglalakad kami palabas.

Ano naman kaya sasabihin ko? Parang lahat naman kasi ng babae kay Jean maganda eh.

Dito na kami sa labas. Kahit andami niyang sinasabi kanina di ako umiimik. Wala lang naman sa kanya.

"Itago mo na yan Anne saka natin ayusin bukas. Samahan kita. Kasi kapag si lover Jillian ang kasama mo, wala kang mapapala diyan!" sabi ni Jean.

"Ako na naman nakita mo!" reklamo naman ni Jillian.

"Guys tara na, puro kayo kalokohan! baka masunog tayong apat dito ang init eh!" si Jo.

Kung bakit naman kasi may oras pa silang magasaran eh ang init-init nga naman.

"Tara na babe." Sumakay na kami ni Jillian sa kotse niya. Ganon din yong dalawa pumasok na sila sa mga kotse nila.

Pabalik na kami ng school.

Kapag dumadaan tong mga kotse ng tatlong to, walang hindi mapapalingon.

"Jillian?"

"Hmm? Bakit babe?"

"Anong model netong kotse mo?"

"Bugatti Veyron babe."

"Ahh"

Ano daw?

Sa tagal naming magkasama ngayon ko lang natanong kung anong model to. Kaso ngayon ko lang narinig yong model na Bugatti Veyron.

Mahal siguro neto. Pero mas cute yong kotse ni Jo, yong red. Gusto ko yong ganon. Ganon din yong dating kotse ni Jillian red din.

"Jillian kapag ako bibili ng sasakyan gusto ko yong Adventure para kasya kaming lima nila Nanay, Tatay at yong dalawa kong Sis."

"Saglit pano ako? Di ako kasali?"

"Bat, may kotse ka naman, ah."

"Eh kahit na! Ako magdadrive ng sasakyan mo pag bumili ka."

Flares of Dawn (Jillian Fuentes Book 2) GXG ✔Where stories live. Discover now