Chapter 55

46.5K 1.1K 212
                                    

Anne Del Rio

Wala na sigurong hihigit pa sa sayang nararamdaman ko dahil nagagawa naming lagpasan ni Jillian ang mga pagsubok sa aming relasyon. Sa edad naming ito, mga bata palang kami kung ituring ng iba pero ang pagmamahalan at pang-unawa namin sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa relasyon namin ay masasabi kong walang katulad.

"Good morning! Yong ID mo Miss? Isuot mo."

Bigla akong nataranta nong magsalita yong guard. Papasok na dapat ako ng gate dito sa school nong sitain niya ako dahil di ko suot ang ID ko. Hawak ko lang naman ito pero dahil kung anu-ano ang iniisip ko nakalimutan ko itong isabit sa leeg ko.

Pagkasuot ko ng ID saka ako humakbang papasok ng gate.

Isang bagay na lang ang bumababag sa isip ko ngayon, iyon ay kung magpapatuloy pa ba si Jillian sa pag-aaral niya dito sa University?

Kung may isa man akong hiling iyon ay ang makasabay kong magtapos si Jillian ngayong kolehiyo.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko saka ako nagpatuloy sa paglalakad.

"Miss Anne Del Rio!!!!"

Bigla akong natigilan nong marinig ko ang pangalan ko.

Tumingin ako sa buong paligid ko at napansin kong natigilan din ang mga kasabayan kong estudyante na naglalakad patungo sa kani-kaniyang silid aralan.

"Classmate tingin dito sa taas!"

Napatingala ako pati na rin ang ibang mga estudyante na nasa paligid ko at ganon na lang ang pagkabigla ko nong makita ko kung sino ang sumisigaw sa pangalan ko na may hawak pang megaphone.

"Good morning sa lahat! Lalo na sa magandang babae na nakasuot ng pulang blouse, naka- back pack at nakapusod ng buhok."

Si Jillian Fuentes!

Naririnig kong bulong-bulungan ng mga katabi kong estudyante.

Walangyang bakulaw na iyon, ano na naman bang ginagawa niya sa taas ng building?!

Lahat tuloy ng estudyante tinginan kung sino ang nakasuot ng pulang blouse. Pati ako napapatingin sa iba baka mamaya hindi pala ako ang tinutukoy niya pero mukhang ako lang naman ang naka suot ng pulang blouse na nakaback-pack habang nakapusod ang buhok.

"Oh, baka maipit yong babe ko diyan. Bigyan niyo ng space."

Bigla tuloy nag-init ang magkabilang pisngi ko dahil sa akin na nakatingin ang lahat.

Tumingala ulit ako saka ako sumenyas na bumaba na siya pero umiling lang siya sa akin.

Loko-lokong bakulaw!

"Fuentes! Mag-lalaro ka ba ulit kaya ka nandito??!!"

Sigaw ng isang babaeng katabi ko.

"Uhh kung papayagan ako ng babe ko. Bakit hindi?"

Kahit nasa taas siya ng building kitang kita ko pa rin ang pag ngiti niya, kumaway pa ito sa akin.

Saglit!

Anong ibig niyang sabihin?

Maglalaro?

Kung maglalaro siya ibig sabihin ba non ay mag-aaral na ulit siya?

"Ito ang unang araw ko sa klase kaya i-welcome niyo naman ako!"

Sigawan ang mga babaeng kasama kong nagkukumpulan dito sa baba ng building.

Kung pwede lang sabunutan tong mga 'to!

"At sa babaeng nakapula, babe. Andito na ulit ako......"

Napatingala ulit ako.

Flares of Dawn (Jillian Fuentes Book 2) GXG ✔Where stories live. Discover now