Chapter 60

34.3K 1K 216
                                    

Anne Del Rio

"OKAY lang ba talaga na kasama ako? Kasi anniversary ng barkada niyo 'to, eh. Ayos lang naman na maiwan ako sa apartment."sabi ko kay Jo habang dala-dala ang bag ko papuntang sasakyan.

"Anne, part ka na ng barkada kaya dapat lang na kasama ka. Isa pa, kahit ayaw mong sumama mapipilitan pa rin kaming kaladkarin ka dahil malalagot kami kay Jill pag iniwan ka namin dito mag isa."

"Nahihiya kasi ako."

"Anne naman ngayon ka pa nahiya. Sino bang kasama mo nong wala si Jill. Di ba kami? Iiwan ka ba naming mag isa dito. Kahit hindi mag utos si Jill, hindi ka namin hahayaang mag isa. Klaro ba iyon?"

Tango lang ang naisagot ko kay Jo habang nakasunod sa kanya.

Isang malaking van ang naghihintay sa amin paglabas namin ng apartment at pagbukas ng pinto ng sasakyan naroon na ang lahat maliban kay Jillian.

Nasa probinsiya na sila ni Wendy ngayon.

"Hi baby girl. Pumasok ka na."si Ellaine.

"Hoy sungit baba na tayo. Hindi ko kasama si Mira Jane kaya boring. Huwag na lang tayong sumama na dalawa? Mga walang kwenta naman tong mga kasama natin, eh."

Napasulyap ako kay Jean.

"Subukan mong bumaba ng sasakyan na ito Jean sisiguraduhin kong hindi ka na mamahalin ni Mira Jane pag binura ko yang pagmumukha mo!"sigaw ni Yana.

Akmang baba na sana si Jean pero bumalik rin ito sa kinauupuan niya.

"Sabi ko naman sayo Anne pumasok ka na. Kahit wala si Jill at ang mahal kong si Mira Jane ang importante paminsan minsan kasama natin ang barkada. Di ba exciting? Let's go guys!"

Hay naku! Ano bang maasahan ko dito kay Jean?

Pumasok na ako ng van at umupo.

"Okay ka lang ba Anne?"si Atasha.

Tumango naman ako.

"Parang ang lalim kasi ng iniisip mo. Baka naman iniisip mo na dahil anniversary ng barkada hindi ka na kabilang dito."

Sa totoo lang ganon nga ang nasa isip ko. Kung nandito si Jillian hindi ako mahihiya na makihalubilo sa kanila pero dahil wala siya parang pakiramdam ko hindi dapat ako naririto dahil anniversary nila ito.

"Every year sini-celebrate namin ang anniversary ng barkada. Masaya 'to hindi ka mababagot. May mga games tayo and marami tayong activities."si Frances.

"Guys, hindi niyo kasi naiintindihan ang nararamdaman namin ni Anne. Palibhasa wala kayong mga diyowa dahil ang papangit niyo. Ang hirap kaya pag malayo sa minamahal mo."

"Hoy Frances tadyakan mo nga palabas ng van yang si Jean. Bibilisan ko lang ang takbo para pag nahulog siya malakas ang impact!"

"Sure!"

"Uy uy uy! Etong si Yana high blood."agad namang tumabi sa akin si Jean."Sungit, payakap nga para pag tinadyakan ako kasama kang mahuhulog."

"Bitawan mo nga ako."saway ko sa kanya saka ko siya itinulak.

"Tssss! Eh di wag!"

Bumalik din si Jean sa upuan niya samantalang ako abalang nakatitig lang sa bawat madaanan namin. Pagabi na kaya nagsisimula ng lumitaw ang buwan sa kalangitan.

Mas okay daw na ngayon na kami magbyahe para sa ganon mas mabilis kaming makakarating sa pupuntahan namin.

Kumusta na kaya si Jillian? Baka mamaya landiin na naman siya ni Pam don.

Flares of Dawn (Jillian Fuentes Book 2) GXG ✔Where stories live. Discover now