Chapter 49

35.6K 885 77
                                    

Anne Del Rio

KAUUWI lang namin ng Manila at dito sa bahay ni Yana muna ako tumuloy pagkatapos ng bonfire party namin. Kinabukasan pagbaba ko ng sala nadatnan kong nagkukumpulan ang lahat. Ang nakakapagtaka naroroon din si Wendy kasama nila kaya biglang kumabog ang dibdib ko.

Si Jillian....

Sa hindi ko malamang dahilan biglang sumagi sa isip ko ay si Jillian.

"Anne gising ka na pala. Kumain ka muna ng breakfast. Hindi na kita ginising para makapahinga ka ng maayos. Kumain ka muna and coffee." Utos sakin ni Yana.

Nagkatinginan naman kami ni Wendy, ngumiti lang siya sa akin pero halatang hindi siya okay.

May nangyari bang hindi maganda?

Bakit parang halos bulungan sila kung magsalita at parang nag-aalala sila?

Naghilamos muna ako at nagmumog saka ako kumuha ng tissue at nagtuyo ng mukha. Kumuha na rin ako ng pagkain ko. Napansin kong hindi pa nababawasan ang mga nakahandang pagkain dito sa mesa kaya naisip kong wala pa ni isa sa kanila ang kumakain.

"Naireport niyo na ba ito sa pulis?" si Jo.

Natitigilan ako sa pagnguya at inaanalisa kung anong nangyayari?

Bakit andito si Wendy at anong kinalaman ng mga pulis?

"Oo, naireport ko na. Nong makausap ko si Dad matagal na daw naka uwi dito ang kapatid ko. Ang akala nila kasama ko siya pero nong sinabi kong hindi ko pa siya nakikita don na sila nag-alala."

"Si Jillian?! Anong nangyari sa kanya?!"

Natigilan ang lahat at napalingon sila sa akin nong bigla akong nagreact. Hindi ko na napigilan pa ang pag aalala ko. Alam kong si Jillian ang tinutukoy ni Wendy.

"May nangyari ba sa kanya?" tanong ko ulit sa kanila.

"Anne..." si Yana.

Halatang may pag aalala sa boses niya.

Hindi ko na nagawang kumain at lumapit na ako sa kanila.

"Please sabihin niyo naman sa akin kung anong nangyari?" pilit ko sa kanila.

"Nawawala kasi si Jill. Matagal na pala siyang nakauwi dito sa Pilipinas pero hindi siya umuwi ng bahay. Hindi siya nagpakita isa man sa atin kaya inisip namin na baka may kumidnap sa kanya o kaya-"

"Kalokohan! Kung kinidnap si Jill dapat may humingi na ng ransom. Di talaga kayo nag-iisip!" si Jean.

Napaisip tuloy ako...

Kailan lang yon nong makita ko si Jillian sa dating tirahan ng parents niya.

"Kung hindi siya kinidnap eh nasan siya? Mahigit isang buwan na siyang nandito pero ni anino niya hindi ko nakita." Dugtong ni Wendy.

"Nagkita kami ni Jillian ilang linggo pa lang ang nakakaraan."

Napamaang silang lahat sa sinabi ko. Hindi ko alam kung maniniwala sila o nagulat lang talaga sila sa sinabi ko.

"Alam ko kung saan siya makikita."

Hindi na sila nagtanong pa basta agad na kaming umalis sakay ng Van ni Yana.

"Nakita mo pala si Jill hindi mo man lang sinabi sa amin! Makasarili ka talaga, sungit!" magkasalubong ang mga kilay ni Jean na nakatingin sa akin pero hindi ako nagsalita. Iniwas ko nalang ang tingin ko sa kanya.

"Parang ang weird ni Jill. Imposible na hindi siya magpakita sa atin. At bakit naman kaya hindi siya umuwi?" si Jo.

"Baka naman gusto lang niyang panindigan yong pag alis niya. Hindi na siya nagpakita sa atin dahil baka akala niya iisipin natin na puro siya drama?" si Ellaine.

Flares of Dawn (Jillian Fuentes Book 2) GXG ✔Where stories live. Discover now