Chapter 2

113K 1.1K 19
                                    

Jillian Fuentes

Umaga na. Paggising ko tulog pa ang babe ko habang nakayakap sa akin. Medyo mahapdi ang mga mata ko dahil nagpuyat kami kagabi. Dahan dahan akong umupo saka hinanap yong mga damit namin. Napapangiti ako dahil nagkalat lahat sa sahig ang mga damit namin. Maalala ko hinagis hagis ko kagabi nong hubaran ko siya.

Ang sarap lagi ng umaga ko kung ganitong kapiling ko siya. Tumayo na ako saka pinulot isa-isa ang mga damit namin. Sarap nang tulog ng babe ko habang natatakpan siya ng puting kumot hanggang dibdib.

Shower muna ako pero bago ako pumasok sa banyo humalik muna ako sa pisngi niya.

"Hmm..." umungol siya pero nakatulog din agad. Antukin talaga, pero ang cute niyang tingnan. Parang ayoko nang pumasok ng banyo, gusto ko titigan na lang siya. Hinding hindi ako magsasawang titigan ang maamo niyang mukha. Ang ganda talaga ng babe ko. Humalik ulit ako sa pisngi niya saka pumasok dito aa banyo.

"Ahhhhh sarap ang lamig..." nasambit ko nong tumulo na yong tubig at bumuhos na sa buong katawan ko. Kapag nandito ako sa loob ng banyo ang dami kong naiisip. Bakit ba kasi ang sarap magisip kapag nasa loob ng banyo?

Kelan kaya ako ipapaakilala ng babe ko sa family niya? Hindi naman ako nagmamadali pero medyo na-e-excite ako na natatakot. Paano kapag ayaw nila sa akin bilang GF ng babe ko? Ang hirap naman oh! Bahala na.

Napapapikit ako saka tumingala. Hinayaan ko lang na tumulo yong tubig sa mukha ko.

"Ahh sarap..." binilisan kong maligo baka magising na siya. Paglabas ko ng banyo nakaupo na nga siya sa ibabaw ng kama habang hawak yong kumot para matakpan yong katawan niya.

"Goodmorning babe" sabi ko saka ko siya nginitian. Hindi siya ngumiti, kinagat lang niya yong lower lip niya. Ay syete! Ang sexy! Gulo-gulo pa ang buhok niya. Bakit ba kapag siya ang nakikita kong magulo ang buhok natu-turn on ako kapag iba lalo na yong mga kasama namin sa Volley team sus walang dating kahit magaganda naman sila.

"Babe ang sexy mo" umupo na ako dito sa tabi niya saka ako humawak sa bewang niya.

"Jillian, inaantok pa ako. Hanggang anong oras tayo dito?" tanong niya saka sumubsob sa balikat ko. Hindi ko tuloy mapigilan makaramdam ng init dahil nakikita ko na naman yong likod niya. Hubo't hubad pa siya, yong kumot lang ang nagsisilbing saplot sa katawan niya. Kung ilang beses na naman ba akong napalunok. Katatapos ko lang maligo pero ang init na naman. Ano ba!

"Jillian?"

"Ha?" Pagtingin ko sa kanya halos magkadikit na naman ang mga labi namin.

"Tinatanong kita. What time tayo aalis?"

"Ha? Ahm mga eight AM babe." ano ba naman nabubulol ako!

"Maliligo na rin ako." Tumayo na siya habang hawak pa rin yong kumot hanggang banyo.

Ano kaya yon, may towel naman akong hawak. Tsaka hindi man lang siya muna humalik sa akin. Hmp!

Hinintay ko siya na matapos maligo.

"Jillian, uhm basta maghintay ka lang, ha. Ipapakilala kita sa mga magulang ko. Ta-timing lang tayo para hindi sila masiyadong mabigla." sabi niya habang nagbibihis. Katatapos lang niyang maligo.

"Oo babe, Tingin mo magugustuhan kaya nila ako bilang GF mo?" tumingin siya sa akin pero umiwas din agad ng tingin. Naintindihan ko agad ang ibig sabihin non kaya hindi ko na inulit pa yong tanong ko.

Nagbreakfast pa kami ng bandang seven saka kami umuwi. Parang kailangan ko pa ng konting tulog. Hikab ako ng hikab, hindi lang pala ako kundi pati siya.

"Jillian, kasalanan mo 'to eh."

"Ang alin?" Naglalakad na kami papuntang apartment niya.

"Kung hindi tayo nagpuyat sana hindi ako inaantok."

Flares of Dawn (Jillian Fuentes Book 2) GXG ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon