Chapter 41

33K 802 37
                                    

Anne Del Rio

HINDI na ako nag-aksaya pa ng oras nong makausap ko si Nanay, isang masamang balita ang itinawag niya sakin. Dali-dali naman akong umuwi ng apartment pagkatapos naming mag-usap ni Jillian nong gabing iyon para kumuha ng gamit saka ako umuwi dito sa probinsiya.

Doble-dobleng sakit ang nararamdaman ko ngayon dahil sa mga nangyari pero kailangan ko pa ring maging matatag sa kabila ng lahat.

Dumiretso na ako ng ospital kung saan naka-confined ang aking Ama. Sobrang pagod at gutom ang inabot ko sa byahe pero walang titindi pa sa kaba at sakit sa dibdib ang nararamdaman ko ngayon.

Mabilis akong pumanhik nong nalaman ko ang room number ng aking Ama at nong makita ko iyon agad kong binuksan ang pintuan.

"Kumusta po siya, 'Nay?" ito ang bungad ko agad pagpasok ko ng kwarto saka ako nagmano sa kanya.

"Buti nakauwi ka ng ligtas. Medyo bumuti na ang lagay niya, hindi katulad kahapon hirap na hirap siyang huminga at magsalita."

Gusto kong mapaiyak nong makita ko si Tatay na nakahiga habang may nakakabit na swero sa kamay niya. Puro pasa at sugat ang mukha. Agad kong hinaplos ang noo niya saka ko ito hinalikan.

Awang-awa ako sa lagay niya at napansin ko agad ang pagbagsak ng katawan niya, bago ako pumunta ng Maynila maganda pa ang pangangatawan niya, palangiti at walang bisiyo pero malayo ngayon ang nakikita ko kesa noon.

"Pasensya ka na anak ayokong mag-alala ka at ayoko sanang lumiban ka sa klase mo pero hindi ko kasi mapagsabay-sabay yong pag-asikaso ko sa mga kapatid mo at sa Tatay mo."

"Ayos lang po iyon Nay, hindi muna po ako papasok. Tutulungan ko muna kayong magbantay kay Tatay."

Tumango lang si Nanay. Bumalik naman ang tingin ko sa aking Ama, naluluha ang mga mata ko habang tinitingnan siya.

"Gabi-gabi siyang umiinom, minsan umaga palang may hawak na siyang bote ng alak at nagpapakalasing. Nagulat na lang ako nong kumatok yong isang kumpare niya at sinabing nakipag-away ang Tatay mo sa mga kainuman niya, bugbog sarado ang Tatay mo dahil hindi naman siya sanay uminom."

Nagsimula ng tumulo ang mga luha ko dahil hindi ko akalaing ganito ang sasapitin ng Tatay ko.

"Kasalanan ko po ang lahat. Nanganib ang buhay niya dahil sa katigasan ng ulo ko."

"Wag mong sisihin ang sarili mo, Anak. Magiging okay din siya."

Hinahaplos ni Nanay ang likod ko at pinapatahan ako sa pag-iyak. Siya na ata ang pinaka-maintindihing Ina sa mundo.

Hindi niya isinisisi sa akin ang pag-iinom ni Tatay pero kung tutuusin kasalanan ko naman talaga, nagbago siya mula nong malamang nakipag-relasyon ako sa kapwa ko babae.

"Tumahan ka na. Kailangan ko lang umuwi muna sa bahay para kumuha ng mga gamit niya at para tingnan yong dalawang kapatid mo. Ikaw muna magbantay sa Tatay mo."

"Sige po Nay. Ako na po ang bahala dito." sabi ko sabay pahid ng luha sa pisngi ko.

Hinatid ko si Nanay hanggang sa labas ng pinto saka bumalik sa kinauupuan ko. Nakatingin lang ako kay Tatay at sa isip-isip ko humihingi ako ng tawad sa kanya, sa lahat ng pagsuway ko.

Nagpahid ulit ako ng luha nong marinig kong bumukas ang pinto at sa di inaasahang pagkakataon pagtatagpuin ulit ang mga landas namin ng isang taong hindi ko na sana nanaisin pang makita.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko ng hindi lumilingon sa taong pumasok, kahit hindi ko naman siya tingnan alam kong si Rhen iyon.

"Nabalitaan ko ang nangyari kay Tito kaya ako naparito."

Flares of Dawn (Jillian Fuentes Book 2) GXG ✔Where stories live. Discover now