Chapter 37

47.2K 992 137
                                    

Anne Del Rio

DINALA ako ni Jillian dito sa The Podium para sa celebration ng monthsary namin. Ilang na ilang ako dahil pangmayaman ang restaurant na ito, pero sinarili ko na lang ang pagkailang at hindi na kumibo. Itong si bakulaw kahit mayaman makikita mo pa rin ang pagiging simple niya,  pero kahit saan mo naman siya dalhin hindi mo siya makikitaan ng kaartehan kaya hindi siya mahirap pakisamahan.

Tumawag na siya ng waiter at habang nakatingin ako dito sa menu ng restaurant kulang na lang ihagis ko ito dahil wala akong mapili na kilalang pagkain kahit pa may litrato ang mga ito hindi ko talaga maimagine kung ano ang lasa ng mga ito at isa pa parang ginto ang halaga ng bawat pagkain na andito sa menu. Nasanay na ata ako na puro pagkain sa fastfood restaurant ang lagi kong nakikita. Madalang na nga rin akong nagluluto mula nong magkaroon ako ng part-time job.   

"Babe, may napili ka na ba?" 

"Huh? Uhh, wala pa. Anong i-o-order mo?" tanong ko sa kanya saka tumingin sa hawak niyang menu. Akala mo naman magkaiba ang hawak namin eh i-isa lang naman ang nilalaman ng mga 'to. 

"Ito na lang pasta with chicken and yellow curry." 

Itinuro niya yong picture ng napili niya sa waiter.

Oo nga noh, bat di ko 'yon nakita?

"Jilian, 'yan na lang din sa akin saka mango juice."

"Would that be all, Ma'am?" tanong nong waiter na nasa tabi ni Jillian.

"Anything more, babe?"

"Bakit bakulaw may kare-kare ba sila dito o kaya halo-halo?" pabulong na tanong ko sa kanya.

Ngumiti lang sa akin si Jillian saka binaling ang tingin sa waiter.

''That would be all for now, thank you."

Kulang na lang maningkit yong mata ko sa kanya. Magtatanong siya tapos hindi naman papansinin yong sinabi ko.  

"Ano na naman ba yan, babe?"

Mukhang nahalata na naman niya ako. 

"Wala lang." sagot ko.

"Kung makatingin ka kasi parang may kakaiba sa akin."

"Wala ah." sabi ko saka ako umiwas ng tingin. 

"Happy monthsary babe." 

Hindi ko inaasahan na hahalikan niya ako sa gilid ng labi ko. Medyo nagulat lang ako dahil hindi ko inaasahan, siguro kung nakaharap lang ako sa kanya baka sa labi ko mismo siya humalik.

"Ganon din sa 'yo, Jillian."

"Happy ka ba na kasama mo ako?"

Malamlam ang mga mata ni Jillian habang nakatingin sa akin. Parang may kakaiba nga sa kanya pero hindi ko matukoy kung ano iyon.

"Hindi ako masaya." 

"Huh?! B-bakit?"

Napangiti ako dahil sa reaksyon niya. Halatang gulat na gulat.

"Kasi po, masayang-mayasa ako na kasama ka." sabi ko sabay ngiti sa kanya.

"Ikaw babe, ah. Marunong ka ng mang-asar."

"Hindi naman kita inaasar, ah."

Nagpout siya saka hinawakan ang kamay ko, pinisil niya ito at inangat para halikan. Nakatingin lang ako sa kanya at kahit pinagmamasdan kami ng mga tao sa paligid namin hindi ko siya pinipigilan.

Ilang buwan na rin kaming magkasintahan ni Jillian at kahit minsan hindi niya pinaramdam sakin na pabigat ako sa kanya.

Kahit naman sinong babae masasabi mong napakaswerte kapag nagkaroon ng isang katulad niya, wala akong narinig na kahit anong reklamo mula sa kanya.

Flares of Dawn (Jillian Fuentes Book 2) GXG ✔Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt