Chapter 40

37.9K 878 148
  • Dedicated kay Hani Bi
                                    

Jillian Fuentes

NAPASABUNOT ako sa buhok ko pagkatapos kong magshot ng tequila. Parang pinipiga ang utak ko at ayaw tumigil sa pagpintig ng sintido ko. Ano ba kasi tong ginagawa ko?

"Jill, hinay-hinay lang. Ang dami mo ng nainom."

Hawak ni Ellaine ang kamay ko at pinipigilan niya ang kamay ko na may hawak na shot glass. Pagkatapos naming mag-usap ni Anne kanina, dito na ako sa bar ni Yana dumiretso. 

"Siya lang naman ang iniisip ko. Yong kapakanan niya pero nagalit siya sa akin. Ayaw na niya akong makausap pa. Huwag ko na daw siyang lalapitan pa."

Gusto kong umiyak sa harapan ni Ellaine kaso ginusto ko yong ginawa ko, kaya kailangan kong panindigan! Hindi dapat ako iiyak. 

"Kung ako man si Anne magagalit din ako sa 'yo. Napakasakit non Jill, mahal na mahal ka ni Anne pero para mo lang siyang binasura sa ginawa mo."

Napailing ako ng ilang beses sa sinabi ni Ellaine. Hindi totoo yong sinabi niya.

"Hindi niyo ako naiintindihan. Mahal na mahal ko si Anne kaya ko ginawa iyon. Ellaine, naiintindihan mo na ba ako?"

"Hindi Jill. Hindi kita naiintindihan. Ayoko lang na nakikita kang umiinom."

"Akala niyo ba hindi ako nasasaktan? Masakit para sa akin yon. Pero alam ko sa bandang huli, magiging masaya din siya kahit wala na ako sa buhay niya."

"Hay, ewan ko sayo! Tama na yan! Kanina ka pa umiinom!" 

Kahit marami na akong nainom, matino pa rin naman ako. Naiintindihan ko pa rin yong sinasabi ni Ellaine. 

"Jill, anong nangyari? Okay ka lang ba?" si Jo. Kararating lang niya kasama ni Jean.

"Hay naku! hindi siya okay. Nakipaghiwalay siya kay Anne." si Ellaine ang narinig kong sumagot kay Jo.

"Why? Totoo ba iyon, Jill?" tanong sa akin ni Jo.

Nilagok ko muna yong isang shot ng tequila saka ako sumagot kay Jo.

"Nagpaalam ako sa kanya na aalis na ako ng bansa pagkatapos ng semester na.....Aiiissshhhh shit!"

Hindi pa ako natatapos magsalita nong maramdaman ko ang kamao ni Jo sa mukha ko. Halos mabingi ako sa ginawa niya at nahulog ako sa kinauupuan ko. Bumagsak ako dito sa sahig.

"Jill!" dinamayan agad ako ni Ellaine. "Ano ka ba Jo! Bakit ka ba nanununtok diyan?!" sigaw niya kay Jo habang tinutulungan niya akong tumayo.

"Nangako ako kay Anne na kapag sinaktan mo siya tatadyakan ko yang mukha mo! Pero pasalamat ka ayokong magasgasan tong bago kong shoes. Kung hindi manghihiram ka ng mukha sa alaga mong hamster!"

Napamaang na lang ako pero pinilit ko pa ring tumayo sa tulong ni Ellaine dahil parang ang bigat ng katawan ko, pero hindi pa ako nakakabawi ng lakas nong maramdaman ko ang tuhod ni Jean sa sikmura ko. 

"Aisshh!! Shit!" napamura ulit ako sa sakit at halos isuka ko lahat ng nainom ko, napahawak ako sa sikmura ko at napaluhod dito sa sahig. Ang sakit!

"Jean! Jill! Ano ba naman kayo!" sigaw ni Ellaine at inalalayan niya ulit ako.

"Kapag hindi ko nakita yong masungit na iyon sa lunes patay ka sa akin, Jill. Hindi mo dapat iyon ginawa. Gagu ka, eh! Nakakainis ka!" sabi ni Jean sa akin pagkatapos niya akong tuhurin sa sikmura. 

"Tara na!" sigaw ni Jo saka niya hinila si Jean palabas ng bar.

Hindi ako nakaimik sa kanilang dalawa at nagulat talaga ako sa ginawa nila sa akin. Lalo na si Jo hindi iyon pala-imik, hindi iyon madalaing magalit pero nagawa niya akong suntukin sa mukha. Siguro dahil nakainom ako kaya hindi ko namalayan agad yong kamay niya. Napakabilis at bigla na lang akong natumba.

Flares of Dawn (Jillian Fuentes Book 2) GXG ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon