Chapter 28

58.3K 767 10
                                    

Jillian Fuentes

MALALALIM ang bawat paghinga ng babe ko habang natutulog siya. Naka-upo lang ako dito sa tabi niya habang pinagmamasdan siya. Ang sarap titigan ng maamo niyang mukha, siya ang babaeng masungit na may maamong mukha. Napapangiti ako kapag naaalala ko yong mga pagsusungit niya dati sakin, sabagay hanggang ngayon naman lagi pa rin akong sinusungitan. Pero compare dati mas malambing na siya ngayon. Hinayaan ko lang siyang makatulog para makapahinga. Kanina kasi pagkatapos naming kumain sa may garden naisipan naming manuod ng movie dito sa room ko. Lahat kami nandito kasama na rin si Wendy hanggang sa makatulog yong iba at nagsisiksikan dito sa kama ko, pati na rin ang babe ko. Si Atasha at Wendy ang tutok pa rin sa TV habang nagku-kwentuhan. Iisa lang ang sinasabi ng mga kaibigan ko kanina, para daw kaming kambal ni Wendy paputiin lang daw siya baka hindi na mapansin ang totoong ako. Yon nga lang, mas matangkad ako konti sa kanya.

Nanuod na lang din ako habang nakaupo dito sa gilid ng kama.

"Mmmm" ungol ng babe ko saka niya kinapa yong kamay ko, agad ko namang hinawakan ng mahigpit yong kamay niya.

"Matulog ka lang babe." bulong ko sa kanya.

"Mmm..." ungol ulit niya.

Nasa likod niya si Ellaine na halos ipit na dahil nakapatong yong paa ni Jo sa mga hita niya at pati paa ni Yana nakapatong din. Hinayaan ko lang, masarap pa rin naman ang tulog niya, si Jean at Frances naman ang magkatabi. Parehas na nakadapa kaya halos magsiksikan yong nakahiga sa bandang gitna.

"Jill sabi ko kay Wendy habang wala pa siyang ginagawa tumambay muna siya sa Bar ni Yana. Di ba kumakanta naman siya?" si Atasha habang nakaupo sa sofa kasama ni Wendy.

"Kung gusto niya." sagot ko.

Panatag naman ang loob ko na magpunta siya sa bar ni Yana dahil sanay naman siya sa mga ganong lugar at maayos naman ang pamamalakad ni Yana, hindi magulo yong bar niya. Narinig ko ulit silang nagku-kwentuhan na dalawa. Mukhang okay naman ang mga kaibigan ko kay Wendy, kahit medyo seryoso siyang tao napapangiti naman siya ng mga kaibigan ko. Mula kasi nong umuwi siya dito hindi ko pa siya nakitang ngumiti, panay lang ang utos niya sakin at bulyaw lalo na pag ayaw yong mga idea ko.

"Baka gusto niyong matulog na dalawa?" tanong ko.

"Mamaya na, gusto ko pang manuod." sagot ni Wendy.

Manuod daw, eh hindi nga siya nakatingin sa monitor ng TV. Nakayakap lang sila sa mga tuhod nila habang naguusap na dalawa. Di ko masiyadong maintindihan yong pinaguusapan nila dahil malakas ang sounds ng pinapanuod nila. Nabaling ulit ang tingin ko sa babe ko na masarap pa rin ang tulog. Hinayaan ko lang sila, hanggang sa isa-isa silang nagising at nagsiuwian nong pagabi na. Kaming tatlo na lang naiwan dito sa bahay pero si Wendy nagpunta ng kitchen at magluluto daw siya ng dinner namin. Nakahiga lang ako dito sa tabi ng babe ko habang ang ulo ko'y nakaunan sa mga kamay ko. Kanina pa ako nakahiga pero di naman ako makatulog, nakatingin lang ako sa kisame. Maya't maya ay napansin kong nag-inat ng mga kaamay ang babe ko saka siya gumapang at umupo dito sa ibabaw ko. Nakatingin lang ako sa kanya na parang di alam ang ginagawa, halatang napapapikit pa ang mga mata niya.Pinipilit niya itong imulat pero talagang napapapikit siya. Hinayaan ko lang siyang umupo sa puson ko. Hawak niya ang damit ko saka siya humikab, tahimik lang naman ako habang nakatitig sa kanya.

"Jillian....."

Ayon sa wakas nagsalita na, humikab ulit.

"Bakit?"

"Gabi na...?" tanong niya saka napatingin sa may bintana.

"Oo babe gabi na."

"Mmmm..."

Umungol lang siya habang nakanguso. Parang wala pa talaga siya sa katinuan.

"Jillian....." tawag ulit niya sa pangalan ko pero hindi naman nakatingin sa akin, nasa ibabaw ko pa rin siya.

Flares of Dawn (Jillian Fuentes Book 2) GXG ✔Kde žijí příběhy. Začni objevovat