Chapter 51

38.2K 928 141
                                    

Jillian Fuentes

ISANG marahang kamay ang humagod sa buhok ko na gumising sa akin. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Para akong nananaginip. At sa aking panaginip ay nakatunghay sa akin si Anne,  taglay sa mukha ang masuyong ngiti na kinasasabikan ko na makita lagi mula sa kanya. Ang maamo niyang mukha na pumapawi ng lungkot sa puso ko. Pero hindi naglaon nawala rin ito.

 

Nananaginip lang ako ng gising.

 

Kinusot kusot ko ang aking mga mata at nakita ko si Mom sa paanan ko.

 

 

“What are you doing?” tanong ko sa kanya at muling sumubsob sa unan dahil naalala ko na naman si Anne.

 

Siya pa rin ang lagi kong naiisip…siya ang laging nasa panaginip ko.

 

“Trying to wake you up. I cooked breakfast. Tara na sa baba.”

 

Isa itong malaking himala na nakapagluto ang Nanay ko ng breakfast. Dahil mula nong magpunta ako rito sa America wala na silang ginawa kundi asikasuhin ang mga negosyo nila. Lagi tuloy akong naiiwang mag-isa dito sa bahay. Minsan sasama ako sa kumpanya pero wala naman akong natututunan. Di kasi ako makapagconcentrate kaiisip kay Anne.

 

Napakamot ako sa batok ko saka ako umupo.

 

“Bakit ka nagluto? Akala ko ba aalis ka?”

 

“Mhmm naisip kong pagsilbihan muna ang sweetheart ko bago umalis. Ayaw mo ata? Nagluto pa naman ako ng pasta. Ayaw mo naman pala…”

 

Napangiti ako dahil parang may pagtatampo sa boses ni Mommy. Kahit kailan ang cute niya at ang sweet.

 

“Sino nagsabing ayaw ko? Gutom na nga ako, eh.”

 

Bumaba na ako ng kama, dumiretso muna ako ng banyo saka ako naghilamos at nagmumog. Halata sa mukha ni Mom ang saya. Ngayon lang kami magsasabay na kumain ng breakfast. Madalas kasi pag gumigising ako naka-alis na sila ng bahay.

 

Siya lang ang kasama ko ngayon dahil may business trip si Dad sa London.

 

Pagkatapos kong maghilamos bumaba na kami ni Mom sa dining room.

 

“Your favorite. Spaghetti!” sabi ni Mom habang nilalagyan ang plato ko.

 

 

Akala ata niya bata pa rin ako kaya iniisip niyang spaghetti pa rin ang favorite ko. Kapag nasa Pilipinas ako mas prefer kong kumain ng kanin. Mas kailangan ko kasi iyon dahil naglalaro ako. Dito wala naman akong ginagawa kundi humilata at maglaro ng PSP.

 

“Naisip kong hindi na lumabas para sabay na rin tayong maglunch. We could eat out in the balcony. Masarap ang hangin doon at maganda ang tanawin.”

Flares of Dawn (Jillian Fuentes Book 2) GXG ✔Where stories live. Discover now