Chapter 35: Memories

10.2K 345 16
                                    

Nathaniel's Point of View

Dala-dala ko ang tray ng pagkain na binili ko sa canteen ng hospital. Halata kasi kay Andrea na hindi pa siya nagaalmusal, at alam kong hindi pa siya nagalmusal. Sa kilos palang niya ay mapapansin mo na.

Pagkapasok ko sa loob ay nadatnan kong nakaupo si Ken sa kama niya habang nakayuko. Agad hinanap ng paningin ko si Andrea, bakit wala siya?

"Nasaan si Andrea?" Tanong ko kay Ken. Agad itong lumingon sa akin.

"Pinaalis ko na, ayoko ng taong hindi ko kailangan dito." Sabi nito at bakas sa boses niya ang galit. Ang sama ng tingin niya sa akin, parang ako ang sinisisi niya kung bakit nandito kanina si Andrea.

"Nagagago ka na ba? Nagkusang loob na nga ang tao eh! Ano bang nangyari sa'yo Ken ha?! T*ng*na naman pre!"

Tinignan niya lang ako sa blanko niyang ekspresyon.

"Wala akong pakialam sa kanya! Ayoko ng makita ang babae na 'yan!" Sigaw niya at tinapon ang plato na puno ng prutas sa sahig. Nilapitan ko siya at kinwelyuhan.

"Magpasalamat ka at may tao pang gustong alagaan ka. Hu'wag kang magalala, simula ngayon hindi mo na siya makikita pa."

He smirked.

"I don't need her help." Nakangising sabi niya, bigla akong nainis kaya sinuntok ko siya. Wala akong pakialam kung may masakit man sa kanya.

"Then, we don't need a son of a bitch like you." Seryosong sabi ko at lumabas na ng hospital room niya.

Damn. Nasaan si Andrea?

**

Andrea's Point of View

Nagpunta ako sa RSCC, bahay ampunan ito. Dito din galing si Maggie. Oo, ampon lang siya. Sa sobrang sabik ko na magkapatid ay inusisa ko si Mommy na magampon ng baby. Sabay kaming nagpunta noon dito ni mommy para makapagpili ng aampumin. That time, tinulungan muna namin ang mga bata at nagbigay kami ng mga activities sa kanila. Sobrang saya pala kapag ganito, nakaka gaan ng loob. Napaka sayang tumulong sa  mga batang ulila, dahil dito mo makikita na sabik na sabik silang magkaroon ng pamilya.

"Hello po!" Masayang bati ko sa mga nagaalaga ng bata. Nasa may nursery room ako ngayon, ang cu-cute kasi ng mga babies dito hehe.

"Good afternoon, Ma'am Andrea. Buti na lang po at nakadalaw kayo. Miss na miss na kayo ng mga bata."

Aww.

"Miss ko na din po dila. Nasaan po sila ngayon?" Tanong ko.

"Nasa activity area po sila, gusto niyo bang magpunta doon?"

"Opo. Ayun naman po talaga ang pakay ko dito." Nakangiting sagot ko.

**

Ansherina's Point of View

"Not attended pa din ang cellphone niya." Naaasar na sabi ni Joanna at napapadyak nalang sa sahig. Kahit ako naman ay naiinis na, kanina pa naman diya kino-contact pero naka patay ang cellphone niya. Kinakabahan na talaga ako.

"But I know a place, kung saan siya madalas magpunta." Tuloy ni Joanna.

"Saan?"

"Sa bahay ampunan, kapag malungkot siya madalas niyang dalawin ang mga bata."

Tama. Baka doon nga nagpunta si Andrea, kilala na namin siya. Kaya posibleng nandoon nga siya sa mga oras na 'to.

"Anong pa ang ginagawa natin? Let's go." Si Kuya Nathaniel talaga masyadong excited hays. Napailing na lang ako sa asal niya. Hindi naman kasi siya ganyan ka excited sa mga bagay. Madalas ay wala siyang pakialam sa mga bagay-bagay.

Love Duology 1: Helpless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon