TLGMMBG ♡55♡

7K 120 47
                                    

SAM’s POV:

Minsan talaga maiisip mo na lang na sana maging maayos na ang lahat..

Na sana sa huli kahit gaano pa kaayaw ng universe sa relasyon niyo, kayo at kayo pa rin ang magkakatuluyan sa huli at hahantong sa happy ending ang kwento ng pag-iibigan nyo..

Yung kahit pa magrebelde ang lahat ng robot at mag-aklas ang mga alien sa kalawakan, magkasama niyong haharapin ang lahat..

Yung kahit pa si Shaider o si Sailormoon ang makaharap  at makabangga niyo, shi-shieldan niyo lang ng isang makunat at matibay na pagmamahalan tatalbog na lahat ng powers nila kahit pa ang lightning thunder ni Pikachu ang ipangtapat sainyo.

Pero sana nga ganun lang kadali ang lahat..

Yung tipong pwede ka na lang basta mag-disappear kasama ang mahal mo tas babalik na lang kayo kapag wala na yung mga kontrabida sa buhay niyo.

Pero dahil komplikado nga ang pag-ibig at maraming tao ang komplikado mag-isip na nandadamay pa na maging komplikado ang buhay ng iba para lang madamay ka sa komplikadong buhay nila, komplikado talaga teh.

Promise.

 

Komplikado.

 

Parang yung mga huling sentence ko. Hindi lang magulo, paligoy-ligoy at nakakalito. Komplikado nga kasi, in English, complicated. GETS MO?!

Maiba ako, syempre dahil pag-ibig ang usapan at handa akong lumaban, wala naman akong choice bukod sa handa akong sumabak kahit saan pang gera with matching full gear pa.

Una siyang naging akin, tandaan mo yan.

At tulad nga ng kanta ni Gary V “BABALIK AT BABALIK KA RIN.”

Kung kaya siyang ipaglaban ng baliw na si Cassie, mas kaya ko pa ‘yun higitan at never akong gi-give up kahit pa batuhin ako ng sibat.

Ako yata si Samantha.

Nakukuha ko ang gusto ko.

Taga mo pa ‘yan sa matigas na bato o kahit pa sa bato na laman loob mo.

_____

Napa-nganga na lang ako sa mga nakalahad ngayon sa harap ko. Sinadya kasi ako ni Isabela kasama ang anak niyang si Marco sa bahay namin ng dis oras ng gabi at nakalatag ngayon sa lamesa ang mga bagay na nagpapatunay sa ilang mga haka-haka ko.

“So you mean, may kakambal ka nga?” My hands were in front of my mouth showing a great sign of shock.

She nods diligently while she pats Marco’s head that was now sleeping at the couch silently coming from a strong cry.

“Yeah. Recently ko lang din na-discover. Tapos eto nga kaya humahagulgol si Marco kasi someone tried to kidnapped him kanina nung nasa mall kami and according to him kamukang-kamuka ko daw kaso lang medyo bata pa yung age..”

“Oh my God?! Really? He must have been so scared..Kawawa naman si Marco.” Naupo ako sa paanan ni Marco at tinap ang legs niya.

“He is..natakot talaga siya. He’s a smart kid, hindi siya basta-basta sumasama sa kahit na kanino without my consent kaya nga kanina nung may humila sa kanya nagwala siya kaya agad na-catch yung attention ko. Nahabol ko sila pero agad nakatakbo yung tao. Buti na lang at matandain sa mukha ang anak ko at sinabi niya na the girl daw has the same features as me, kamukang kamuka daw ng picture na nasa wallet ko.”

The Legendary GANGSTER Meets Miss BRAINY Girl (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon