Chapter 51

4.1K 67 2
                                    

NAVI POV

Sobrang saya ko ng sagutin ako ni Mie. Finally i can say na kami na talaga. Hindi ko talaga mapigilan ang luha ko kanina.

Si Mie lang naman ang nakakapagpaiyak sakin. Sa lahat ng aspeto ng nararamdaman ko siya lang ang nagpapalabas ng ganung damdamin sakin. Gusto ko na ngang ibalita sa barkada ko na kami na pero naisip ko na ipagpaliban na lang muna. nanamnamin ko muna yun! baka mamaya na lang or bukas kapag pumunta ako ng hospital.

"Dee" masayang tawag sakin ni Paige ng makita ako dito sa receiving room.

Iniwan kasi ako ni Mie dito at pinuntahan ang mga kaibigan niya. dadalhan din daw niya ako ng pagkain.

hindi na nga ako nagugutom. nabusog na ata ako sa sayang nararamdaman ko. Ang korni pero ganun nga ata talaga kapag sobrang saya mo.

"hello sweetheart." bati ko sa kanya.

sinalubong niya ako ng yakap at halik na lagi niyang ginagawa.

"i have something for you" sabi ko.  tumayo ako at ibinigay sa kanya ang isang bouquet ng roses at isang paper bag.

"thank you dee" sabi niya pero ang paper bag lang ang kinuha niya sakin at binuksan kaagad.

napapailing na lang ako na inilapag ang bulaklak sa tabi niya.

"wow chocolates!" masayang sabi niya.

magkamukhang magkamukha talaga sila ni Mie sa tuwing ganyan ang reaksyon nila.

inilabas niya ang mga iyon at tinignan isa-isa.

Favorite niya ang chocolates na may nuts kaya naman ganun ang mga binili ko.

"ang dame ko ng chocolates" sabi niya

"wag mong ubusin ng isang upuan yan ah" paalala ko

"yes po dee. kumain na po ako kanina. binilhan po ako ni mee. tapos ngayon naman dee binigyan niyo ako, bukas po bibigyan din po ako ni Seth ng chocolates"

"chocolates again? baka naman sumakit na ang ngipin mo niyan"

umiling lang naman siya. iniwan niya ang chocolates sa upuan at sa roses naman siya bumaling. kumuha ako ng isa at tsaka pinutol ang mahabang tangkay nito. inilagay ko ang rosas sa may tenga niya.

"very pretty" sabi ko.

ngumiti naman siya sakin.

"dee hatid mo po ako sa school bukas" paglalambing niya.

"bukas?" kahit gusto ko ay mukhang malabo "naku sweetheart hindi ako pwede bukas. may sugery si dee eh"

"surgery?"

"yes. operation sweetheart. baka after ng class mo pwede kitang masundo"

masayang tumango naman siya.

"dapat kanina susunduin kita ang kaso nasundo kana nila Mie" paliwanag ko.

"opo. napakilala ko na po si mee kay Seth. kayo na lang po ang hindi. sayang bukas ata siya ihahatid ng daddy niya. doctor din po yun" kwento niya sakin.

"don't worry sweetheart one of this day masusurprise ka na lang at susunduin kita"

"yay! tapos papakilala din po kita kay Yaya Julie. yung yaya po ni Seth"

"as you wish. sino ba ang Seth na to?" tanong ko.

"classmate ko po"

"sigurado ka?" may panunukso sa tono ko.

sunod-sunod naman ang pagtango niya. "hindi ko po siya crush" sabi pa niya na kinatawa ko.

mukhang may crush na ang batang ito ah. ano kayang masasabi ni Tito about dito? ang bunso niyang maglilimang taong gulang palang ay may crush na.

UNBEARABLE DesireWhere stories live. Discover now