Chapter 49

3.6K 50 1
                                    

ARMIE POV

"what the hell are you thinking Kate?" sigaw ko kay Kate pagkababa niya ng phone ko.

Tumawag kasi si Ian at inaaya niya ako sa birthday niya bukas. Dahil ako ang driver nila, si Kate ang sumagot sa phone ko. dahil daw ako lang ang hindi buntis samin kaya ako ang pinaupo nila sa driver's seat.

Mga walang hiya!

"okay lang naman yun eh. besides namimiss ko na rin ang ingay ng bar"

"Kate baka nakakalimutan mo na buntis ka" paalala ko.

"I know and my baby wants to party too"

"Katelyn Penyo!"

"hindi na ko Penyo ngayon De Vera na ako"

"Whatever Kate, isusumbong kita kay Tom at umagree pa kayo" singhal ko naman sa dalawa.

"nakalimutan namin. nasabi lang niya na tayo-tayo lang daw nila Nav kaya nag-agree na ako. gusto ko rin makita si Nav. yung kayo ni Nav ng magkasama" sagot naman ni Cass "Ayiieeeh" pang-aasar pa niya sakin.

"Cass you wait to long for your baby. Bar is not good for all of you." pangaral ko. 

Mga timang talaga sila.

"OA ka naman Mie. Ang sabi nung bwisit na Ian na yun. kwentuhan, kantahan, kainan lang naman. kung may inuman ay boys lang naman yun at hindi naman tayo pipilitin, pwede din naman nating sabihin na wag silang mag yosi dahil may buntis" sabi ni Diane

"bwisit? si Ian? bakit ba ang laki ng problema mo kay Ian couz?" tanong ko.

"ayoko lang sa kanya. nakakainis ang kayabangan niya"

natawa na lang ako sa sinabi niya. "baka paglihian mo" pang-aasar ko

"ewww no way! kawawa ang anak ko kung sakali" sagot naman niya.

"ang bad mo talaga kay Ian. ano bang ginawa niya sayo?"

"i just don't like him. ang yabang ng dating niya and all"

"naku ha baka may pagtingin ka dun. lagot ka kay Attorney." pambubuyo ni Kate

"ui Kate ah. bibig mo. Si Paul lang ang mahal ko. gaga ka! kasal na nga at masusundan pa tapos ganyan ang pinagsasabi mo."

"ah baka nga pinaglilihian" sabi na lang niya.

"shut up na okay? unang kita ko palang sa kanya inis na ko at sure ako ng mga panahong iyon na hindi pa ko buntis."

"fine! basta bukas pupunta tayo" masayang sabi ni Kate "namiss ko na rin mag videoke/karaoke"

"basta walang gagawing kahit ano na makakasama sa mga dinadala niyo ah" pangaral ko.

"yes naman! magsasaya naman tayo but not to the extend na macocompromise ang babies namin"

"sabagay! sige na  para may kasama rin ako. panigurado andun din si Mareen bukas" sabi ko.

"yes! subukan ka lang niyang awayin malalagot siya samin"

"wow naman! kayo pa talagang magtatanggol sakin eh kayo nga ang mga buntis"

"hep hep. ako hindi pa naman sure" sagot ni Diane na talagang pumaharap pa dahil nasa backseat siya.

"ay excited na talaga ako" sabi naman ni Cass.

"daanan na lang natin si Paige mamaya pag uwe okay lang ba?" tanong ko sa kanila ng madaan namin ang school ni Paige.

"oo naman" sagot nila sakin.

UNBEARABLE DesireKde žijí příběhy. Začni objevovat