King Brothers - 10

18.2K 726 37
                                    

Ibinagsak ko yung katawan ko sa kama ko. Feeling ko pagod na pagod ako ngayong araw kahit wala naman akong masyadong ginawa.

Ganito ba epekto ng masyadong pagiisip? Well kung ganun ayoko ng magisip.

Ipinikit ko nalang yung mga mata ko at sinubukang wag ng mag isip masyado baka sakaling dalawin pa ko ng antok.

Nagising ako mula sa pagkakaidlip at napaupo ako sa pagkakahiga, habang umuunat. As i looked at my window, madilim na sa labas ibih sabihin gabi na. Tinigna ko yung orasan ko at nakita kong five minutes nalang alas dyes na.

Wow! Di lang pala basta idlip ang nagawa ko, tulog na pala yun. Grabe! Ni hindi muna ko nakapag palit ng damit. Kinuha ko nalang yung towel ko sa gilid ng closet ko tsaka pumunta ng bathroom para naman makapag shower na.

Natapos akong mag shower tsaka ako kumuha ng pajama ko at sinuot. Umupo nalang muna ako sa kama ko habang pinupunasan ang buhok ko at pinapatuyo.

I wonder kung tulog na si Mama. Gusto ko pa naman na siyang makausap about sa birthday ko.

Nang matapos akong mag punas ng buhok ko, lumabas ako ng kwarto ko at bumaba papuntang sala kung saan nakita ko si Mama na nakatulog na sa couch namin. I don't think na dapat ko na siyang kausapin tungkol sa birthday ko, kasi naman pagod pa siya.

Lumapit ako sakanya at hinalikan siya sa noo niya para gisingin siya. Ganyan din niya kasi ako gisingin eh.

She opens her eyes and looked at me. "Ma, dun ka na sa kwarto matulog." I said.

"Gising ka pa?" Pagtataka niya.

"Kakagising ko lang po, pag kauwi ko kasi nakatulog agad ako."

"Ganun ba? Kumain ka na?"

"Uh.. mag hahanap palang ako ng pwedeng kakainin sa kusina. Kayo po?"

"Tapos na bago ako umuwi."

"Sige na po, mag pahinga ka na sa kwarto mo."

"Okay, darling." She kissed my forehead and nag simula na siyang umakyat papunta sa kwarto niya. Hmm.. lagi nalang pagod si Mama sa trabaho kawawa naman, gustuhin ko man siyang tulungan ayaw naman niyang pumayag na mag part-time job ako habang nagaaral kahit sa mga fast-food chain lang.

Dumiretso na ko sa kusina para tignan kung may pwedeng initing pagkain pero wala akong nakita kaya nag soft bread nalang ako na may palamang, cheese.

Naka tatlong soft bread din ako ng finally naisip kong bumalik na ng kwarto ko. I was about to off my light nang marinig kong nag ring yung cellphone ko mula sa bag ko. Kinuha ko yun habang nakaupo sa kama ko at sinagot ang unknown number na tumatawag..

"Hello?" I answered it. No one is responding. "Hello!" I said again pero again, walang sumsagot. Baka prank call lang, kaya lang sino naman ang mang paprank sakin ng ganitong oras?

Papatayin ko nalang sana yung tawag ng may nag salita din sa kabilang linya. "Amber.." i know that voice. May number pala niya ko?

"Can i see you outside your house? Nandito ako ngayon sa tapat ng bahay niyo."

What is he doing here at this late hour? Maybe because walang pasok bukas kaya planong manggulo, pero bakit ako ang guguluhin niya?

"Wait me there." I said. Pinatay ko nalang muna yung tawag at kumuha ng jacket tsaka tuluyang lumabas ng kwarto bitbit ang cellphone ko.

Pag labas ko ng bahay, nakita ko na yung tumawag sakin na nakasandal sa kotse niya habang yung mga mga kamay na sa bulsa nung Varsity jacket niya.

"Damon, what are you doing here?" I asked as i came closer to him.

"Sorry kung uh.. pumunta pa ko ng late, gusto lang sana kitang makita ngayon. Di kasi kita nakita sa school kanina." Yun lang ang pinunta niya dito? Pinuntahan niya ko ng ganitong oras para lang makita ako?

"Ayos lang, kanina ka pa ba dito?" Tanong ko.

"Hindi masyado." Tumabi ako sakanya sa pagkakasandal niya sa kotse niya at inilagay din yung mga kamay ko sa bulsa ng jacket ko. Ang lamig kasi eh, kakagaling ko lang pa naman sa shower.

Hmm.. ngayong nag pakita siya sakin di ko maiwasang isipin yung pag offer niyang maging escort ko. Siguradong ikakagalit ng mga fans niya pag nalaman nilang pumayag akong maging escort siya, sigurado ding magagalit si IC pag di siya ang pinili ko, si Sam naman.. ano kayang mararamdaman niya? Magtatampo? Siguro.

"Amber.."

"Damon.." we both speaks to break the silence.

"You first." I offered nicely, looking straight at his eyes. He slowly bending his face closer to me, staring deeply at my lips, i move back my head making him to stop. Is he planning to... No! I don't want to assume.

He stared at my eyes, making a eye contact with me. Parang nauusap yung mga mata namin pero ni wala naman akong idea kung anong pinaguusapan ng mga mata namin. He slowly bends his face again, our face are almost close, my hands on his chest causing him to stop from moving more closer. Hindi nalang to basta pag aasume, now i know... he wanted to kiss me.

The big question is.. WHY?

He holds my both hands, moving it away from his chest and position it on my back. "Trust me." He whispered.

As he said that.. he now presses his lips to mine, tila akong isang istatwa sa nangyayari ngayon.. hindi ako makagalaw kahit na nararamdaman ko ang unti unting pag bitaw niya sa mga kamay ko.

His hands are now on my both cheeks, his lips asking me to response. I find myself responding hesitantly at his kiss. Then seconds after i willingly gave back the kiss, putting my hands on his waist.

King BrothersWhere stories live. Discover now