King Brothers - 22

16.2K 755 32
                                    

Bumalik na ko sa table kung saan nandun yung mga kaibigan ko pagkabili ko ng pagkain ko.

Umupo din naman agad ako sa at sinimulang kumain.

Ang ganda ng gising ko dahil kay Damon, nasira din naman agad dahil kay Damon. Badtrip talaga.

Naramdaman kong may biglang umupo sa tabi ko, tumingin ako sakanya and si Sam yun.

"Ice cream tayo mamaya?" He whispered.

"Diba may practice kayo?" Kunot noo kong tanong.

"Magpapalate ako ng one hour." He winks.

I chuckled. "Lagot ka sa Kuya mo!" Sabihin mo ding bwiset siya!

"Ako ng bahala dun, mamaya ah after all your classes hihintayin kita sa parking."

"Okaaaay, walang sisihan pag pinagalitan ka ah."

He grinned. "Don't worry." Pagkasabi niya nun bumalik na siya sa table ng football team.

Naramdaman ko ang pag sipa sa paa ko, sa ilalim ng table. Tumingin ako sa dalawa kong kaibigan para alamin lung sino yun, si Majah ang nakatingin sakin.

"What was that all about?" She asked, whispering.

"Nagyaya lang siyang mag ice cream." Sagot ko. Nag vibe ulit yung cellphone ko sa bulsa ko at kinuha ko yun.

** May laro kami bukas, manunuod ka ba? ** it's from Damon.

** Bakit di mo ko imbitahan ng personal? ** I replied.

** I'll do it later at night. **

Later at night, it means.. pupunta na naman siya mamayang gabi.

** No, i want it now! **

Tinago ko ulit yung cellphone ko, at nag focus sa pagkain. Tignan natin kung gagawin mo nga!

Nag simula ng magsialisan ang mga football player and isa si Damon dun. I chuckled bitterly. Ni hindi manlang ginawa yung tinext ko. What the hell??

Unti nalang iisipin ko ng iniiscore'an nga lang niya ko tulad nung sinabi ng kateam niya. Shit!

Tumayo na ko kahit di ko pa nauubos yung pagkain ko, babalik nalang ako ng classroom ko. "Aalis ka na?" Maj asked.

"Yup."

"Ayos ka lang?" Luisa asked.

"Naiirita ako kay.." Huminga ako ng malalim. "Mr. Who-visits-me-every-night."

"Sino yun?" Maj asked.

"Sino pa ba, edi si first kiss niya." Luisa says.

"Oh!! Okaaaay, so lagi ka niyang binibisita pag gabi?" Maj asked.

Huminga ako ng malalim. "Tsaka ko na ikukwento." Pagiiwas ko. Isinukbit ko na yung bag ko sa balikat ko.

"Alam mo yang pagiiwas mo lalong nakakaintriga!" Maj says. Nag wave nalang ako ng kamay sakanila at ngumiti ng pilit tsaka sinimulang maglakad palayo.

Haay! Sana naman di ko makasalubong na naman yung mga bwiset na patay na patay sa mga Kings, kundi baka mas lalo pa tong masirang araw ko.

Habang naglalakad ako, tinignan ko ulit yung cellphone ko. Baka may reply siya dun sa huli kong text sakanya, pero nadisappoint lang ako sa nakita ko dahil wala akong message para sakanya, kundi kay IC.

** Panget, nagugutom ako. 😭😭😭 **

Haay! No choice, babalik ako ng canteen para ibili ng foods ang mahal kong best friend. Minsan lang maglambing yun ng nagugutom siya kaya ibibili ko na siya. Siguradong dahil yun sa practice kaya gutom siya.

King BrothersWhere stories live. Discover now