King Brothers - 29

15.1K 670 18
                                    

Back to school..

Dati di naman ako excited pumasok pero ngayon bet na bet kong pumasok, siguro ganito talaga kapag nasa same school kayo ng jowa mo. Hihi!

Papasok na din siya ngayon dahil okay na rin naman na yung binte niya at yung totoo until now kinikilig pa din ako sa date namin kahapon. Hihi! Pagnaalala ko napapangiti pa din ako sa kilig.

Dumiretso na ko sa classroom ko para makaupo na at matext ko na yung mahal kong boyfriend na palagi nalang akong pinapakilig 24/7, feeling ko nga ang goal na niya sa buhay ay pakiligin lang ako. Haha! Korni nun.

Nang makarating ako ng classroom umupo lang ako sa silya ko at kinuha yung cellphone ko tsaka tinext ni my Love, pinalitan ko na yung name niya na Damon sa cellphone ko at pinalitan ko na ng My L♥VE.

** Classroom na ko my Love, wag ka muna mag isip kung paano ako papakiligin naka kota ka naman kahapon. Focus ka nalang sa study, I love you. 😚 **

Kinuha ko nalang muna sa bag ko yung earphone ko para habang wala pang prof. at naghihintay ako ng message sa mahal ko ay makikinig muna ako ng music.

Pero bago ko pa malagay yung earphone sa right ear ko narinig kong may pinagchichikahan ang mga classmates ko about daw sa new classmate namin maya naintriga ako. Ngayon ko lang kasi nalaman na may new classmate pala kami.

"Ang sabi model daw siya." Sabi nung isa kong classmate. Taray! May model kaming classmate.

"Kung model siya for sure gwapo yun, nadagdagan na naman ng gwapo sa school." Sabi naman nung isa ko pang classmate.

Sus! Si Damon lang gwapo dito. Haha!

Nawala ang focus ko sa pakikinig sa mga nagkukwentuhan kong classmate dahil nakareceived na ko ng text mula sa boyfriend ko..

** Aral muna bago isip sakin my love, mahal kita. **

** Ok, no problem. Mahal din kita. **

Masunurin ata to nu.

"Hi, may nakaupo ba sa tabi mo?" Dinig kong tanong ng isang lalake. Unti unti kong inangat ang ulo ko para tignan siya at nakita ko ang isang amboy at pamilyar siya. Saan ko ba siya nakita?

"Can i sit here?" He asked again pointing the chair right beside me.

"Uh.. yah, you can sit wherever you want."

"I remember you.." He said as he sit.

"What?" Kunot noo kong tanong. Nagkita na ba kami noon? Sabagay pamilyar talaga siya.

"The last time na nakita kita binully ka nung tatlong babae, as i remember tinutlungan pa nga kitang tumayo nun."

Oh wait!! Parang naaalala ko na nga yun ah. Siya ba yun? Sabagay badtrip ako nun kay Damon kaya siguro di ko na siya maalala.

"I'm Marcus Finn, your new classmate." He introduced, offering his hand. Oh shit! Siya yung model na magiging classmate namin? Kaya naman pala siya pamilyar, nakita ko na siguro siya dati sa isang magazine.

"Amber Smith." Pagpapakilala ko.

"Buti naman may makakausap na agad ako." Laki ngiti niyang sabi. Ngiti nalang din ang sagot ko kasi bigla na ding dumating yung prof namin eh. at ngayon ko lang na noticed na nakatingin pala mga classmates ko sa direksyon namin.

"Nasaan yung bagong student?" Our prof. asked.

Marcus raised his hand. "Sir."

"Introduce yourself to everyone." Sir said.

King BrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon