King Borthers - 3

22K 802 8
                                    

"Amber!!" I heard my best friend IC, yelling my name.

I face him. "What?" I asked, walking backward. Tumatakbo siya papalapit sakin kaya huminto ako sa paglalakad baka kasi mapagod siya. Nasa tuhod niya ang mga kamay niya dahil sa hingal, pagkalapit niya sakin.

"Narinig ko kay Kuya Damon, yung ginawa sayo nung grupo ni Trish ayos ka lang?" Pagaalala niya habang hingal na hingal.

"Oo ayos lang, si Amy ang tanugin mo kung ayos siya kasi nakarami ako ng sampal sakanya samantalang siya dalawa lang." Pagmamalaki ko.

"Haaay! Mga bwiset talaga! Humanda sila sakin." Inis niya sabi na tila manganagin ng tao, tsaka aakmang maglalakad palayo siguro para puntahan yung sila Trish kaya pinigilan ko siya.

"Kalma okay, tapos na yun." I calmly said.

"Sure ka lang ayos ka lang?" Seryoso niyang tanong.

"Oo nga!" I reassured.

"Ian.. practice na!" One of his teammate yelled at him.

"Oh! Tinatawag ka na, sige na!" I tapped his shoulder, saying im fine. Pero tumitig lang siya sakin at di padin convinced sa sinasabi kong ayos nga lang ako. Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at pinatalikod tsaka ko siya tinulak.

"Ayos lang ako wag ka ng magalala." Paninigurado ko.

"Sigurado ka ha!" He stills looks concerned.

"Oo nga! Kulit!" Tumakbo na siya papalapit dun sa kateam niya kaya tumalikod na ko at nag simulang maglakad papunta sa Parking ng school para puntahan ang black pickup car ko, yup.. yun ang kotse ko alam kong hindi masyadong tugma sa babae kaso yun talaga ang bet ko. Kanya kanyang trip yan. Haha!

Nakatayo ako sa tabi ng kotse ko at kinukuha yung susi sa bag ko ng may naramdaman akong kumalabit sa balikat ko. Hinarap ko yung gumawa nun at nakita ko si Samie na napaka laki ng ngiti.

"Kumusta? Balita ko napagdiskitahan ka na naman nila Lucy."

"Oh-wow! Kalat na agad?" I asked chuckling.

"Kasama kasi ako ni Kuya nung binalita niya yun kay Ian. Gusto mo ba gantihan ko."

"Naku wag na!" Binuksan ko na yung kotse ko nang makuha ko yung susi. "For sure matagal pa bago nila ko balikan ulit, kaya wag na. Tsaka natakot na din sila kay Damon kaya wag na." Sabi ko habang inilalagay yung bag sa kotse.

"Okay.." ginulo niya yung buhok ko alam kong alam niyang ayaw ko nun. I give him a sweet glared. He just laughed. "Basta pag kinulit ka pa nila sabihin mo sakin," pinakita niya yung muscle niya. "Ito makakaharap nila."

"Sa pagkakaalam ko di ka pumapatol sa babae."

"Well, papatol na ko." He jokes making me laughed.

"Sige na, uuwi na ko. Bye!" I waved my hand on him tsaka sumakay na ng kotse ko. Pag kaupo ko ng driver seat, siya na ang nagsara ng pinto sa kotse para sakin. Tsaka kinaway ang kamay sakin bilang pagpapaalam.

Inistart ko na yung kotse, at sinuot yung seat belt tsaka kumaway ulit sakanya habang nakangiti. Sinimulan ko ng magmaneho paalis ng school.

Inabot din ata ako ng forty five minutes sa byahe plus traffic na yun. Kailan ba mawawalan ng traffic?

Bumaba ako ng kotse ko ng maipark ko to sa tapat ng bahay. Tsaka pumasok ng bahay at dumiretso sa kwarto ko. Wala naman kasi panigurado si Mama kaya dumiretso ako ng kwarto.

Mom is working as General Manager to a big company. Gabi na siya laging umuuwi kaya madalas wala akong kasama dito sa bahay. May pumupunta lang ditong taga linis twice a week para hindi naman dumumi yung bahay dahil pareho kami ni Mama na laging wala sa bahay. Siya sa trabaho ako sa school o minsan gumagala. Gala kasi ako eh, lalo nat pag boring sa bahay.

Ang Papa ko naman ay nasa Australia, hiwalay na sila ni Mama.. may half brother akong purong Australian pero marunong mag tagalog chickahin ko ba naman lagi ng tagalog pag nag iiskype eh, ewan ko nalang.

Inilapag ko yung gamit ko sa side table ko. Tsaka hinubad yung damit ko at ibinagsak yung katawan ko sa kama. Ang init kasi kaya nag hubad ako ng damit, tsaka maya maya kasi mag shashower na din ako.

I heard my phone ring from my side table. Tumayo ako mula sa pagkakahiga at kinuha sa loob ng bag ko ang cellphone ko tsaka sinagot ang tawag ni Majah..

"Hey, what makes you call?" I answered it.

"Sama ka saming manuod ng game bukas nila Mario?" Ibinagsak ko yung katawan ko ulit sa kama ko.

"Libre mo?" I asked.

"Pareho lang kayo ng sinabi ni Luisa."

I grin. "Malamang ikaw lang naman may gustong panuorin dun nu!"

"Eh bakit ayaw mo bang suportahan yung dalawang King?"

"Uh.. pwede na din. Osige na sasama na ko, yayayain ko si IC kasi for sure sasama yun."

"Yes!" She excitedly said. "May kasama na ko."

I giggle. "Wag masyadong excited."

"I can't! See you tomorrow pipilitin ko pa si Luisa eh."

"Okay." She ended the called. Inilapag ko nalang sa tabi ko yung cellphone ko. Hmm.. rest time again.

King BrothersWhere stories live. Discover now