King Brothers - 40

13.4K 529 40
                                    

Nasa parking na 'ko ng school ngayon, sa wakas siguradong makakapasok na 'ko ng klase. Dalawang araw akong absent sigurado ang dami ko nang namissed na lectures.

Bago ako bumaba ng kotse tinext ko muna ang boyfriend ko..

** My Love nasa school na 'ko. **

Hindi ko na hinintay yung reply niya at bumaba na 'ko ng kotse bitbit ang bag ko tsaka ko sinimulan ang paglalakad sa campus.

Yung tinginan ng mga schoolmates ko sa'kin expected ko na kaya di ko nalang pinapansin. Maging boyfriend mo ba naman ang isang King at best friend mo pa yung isa tapos na link ka sa isang model. Ewan ko nalang kung di ako pag tinginan, buti na nga lang yung isa pang King hindi alam na may gusto din sa'kin kung hindi mas malalang chismisan yun ng mga schoolmates ko.

Until now di ko pa din alam kung anong nangyari sa paguusap ni Damon at IC o kung nakapag usap na ba sila ang text kasi sa'kin ni Damon kanina na madaling araw nang umuwi si IC. Kaya tingin ko di pa sila nakakapag usap.

Sa pagpapatuloy ko sa pag lalakad nakita ko may biglang humarang sa daan ko na tatlong bruhang babae na matagal ko ding hindi na nakita.. ang tatlong nag c-claim na girlfriend daw sila ng mga King. Siguro nalaman nila yung tungkol sa'min ni Damon kaya itong si Trish ang sama ng tingin sa'kin. Haay! Sana naman bungangaan lang nila ako, walang pisikalan dahil kakagaling ko lang sa sakit.

"Ano na naman? May klase pa 'ko kaya kung may sasabihin kayo sabihin niyo na." Irita kong tanong.

"Hindi ka talaga marunong makinig eh nu? Sinabihan ka na naming lumayo sa mga King tapos maririnig naming kayo na ni Damon?" Galit na sabi ni Trish na may gusto kay Damon.

I rolled my eyes. "Wala akong panahon sa hinanakit mo!" Nag simula na lang akong mag lakad. Naramdaman kong may humawak sa braso ko at pilit na pinaharap sakanya kaya nakita kong si Trish ang gumawa nun.

"Anong bang problema niyo? Lubayan niyo nga 'ko!" Kairita sila! Makikidagdag pa ata sa problema.

"Hiwalayan mo si Damon."

I chuckled, sarcastically. "Tingin mo talaga gagawin ko yan? Asa ka!"

She was about to slap me pero di na tuloy dahil may humawak sa wrist niya tumingin kami sa gumawa nun at si Damon ang nakita namin na ang sama ng tingin sa mga bruha.

"Alam niyo bang hindi pa 'ko nakakapanakit ng babae gusto niyong mauna?" Tanong ni Damon sakanila tsaka patapon na binitiwan yung kamay ni Trish. "Tigilan n'yo girlfriend ko, naintindihan n'yo?" Damon warned.

Tumango lang sa takot yung tatlong bruha tsaka nag madaling umalis. Humarap naman sa'kin si Damon pagkalayo nung mga pangit at huminga ng malalim.

"Ayos ka lang my love?" Tanong niya.

"Oo, salamat dumating ka."

"Hanggang ngayon pala hindi ka pa rin tinitigilan ng mga yun."

"Hangga't patay na patay sila sainyo siguradong hindi nila ako titigilan."

"Dapat ka palang bantayan kung ganun dahil baka guluhin ka ulit nila."

"Hindi na, kaya ko sila." Pagmamatapang ko.

King BrothersWhere stories live. Discover now