King Brothers - 9

18.6K 685 12
                                    

AMBER SMITH POV


Lutang ako..

Paanong hindi, dalawang King na ang nag offer na maging escort ko sa debut. Nakakaloka!

First si Damon.

Second si Sam.

Honestly kung may kutilyon mang magaganap naiisip ko noon na talagang si IC ang maging escort ko kaso bigla namang nag offer yung dalawa niyang Kuya. Ano ba kasing iniisip nila at gusto nilang maging escort ko? Para namang napaka importante nun, eh ako nga itong mag bibirthday hindi excited eh.

Lalo pa nilang pinasakit ulo ko.

"Amber.. ayos ka lang?" Maj asked. We are seating on our table here at canteen.

"Yup." Matipid kong sagot.

"No, you're not. Ni wala ka ngang reaksyon sa kakakwento nitong ni Maj sa ginawa nila ni Mario eh."

"Oh.. uh, ano ba yun?" I asked again. Masyado akong nag isip ng malalim kaya ganun nalang ang pagiging lutang ko.

"See? Wala ka manlang atang narinig kahit isa sa sinabi ni Maj." Oo na, pasensya naman.

"Alam ko naman na kasi kung gaano kakilig yang si Maj, nakita ko naman."

"Oh, really? Eh halos buong gabi mo sa party si Damon lang ang kasama mo sa kusina." Maj asked, smirking teasingly at me.

"Talaga?" Malisyosang tanong ni Luisa.

I roll my eyes. "Kumain lang kami ng ice cream."

"Wala ng iba?" She asked again. Ayoko namang bangitin yung tungkol sa pag offer ni Damon na maging escort ko sa debut ko, baka kasi lalo nila kong intrigahin kay Damon.

"Teka bakit sakin ba naputa yung usapan? Luisa, diba may hindi ka pa nasasabi samin tungkol dun sa boyfriend mo?" Pagbabaling ko sakanya ng topic. I wish umepekto.

"Oo nga nu!" Maj agreed.

"Uh.. i told you guys, it's complicated." She shyly said.

"Gaano kakomplikado?" Maj asked, curiously. Pinalapit niya yung ulo namin, nag tinginan muna kaming dalawa ni Maj bago kami sumunod sa gusto niya.

"Si Justin Sebastian ang boyfriend ko." Bulong niya samin. Ha? Sino yun? Pero pamilyar yung name niya saan ko ba narinig yun?

"What??!!!" Maj yelled, shockingly. Dahil sa ginawa niyang yun pinag tinginan kami ng mga studyanteng kasabay namin dito sa canteen.

"Shhh!!" Luisa scolded.

"What??!" Maj mounted.

"Kilala mo?" Tanong ko kay Maj. Tumango siya sakin na parang kilalang kilala niya talaga, as in yung buong pagkatao nung Justin.. echos lang!

"Sino??" I asked, curiously. Lugi kasi eh, ako lang ang di nakakakilala.

"Professor namin." Maj said.

"What??!!!" I mirroring Maj first reaction. "Bawal yun diba?" Mahina kong tanong.

"Kaya nga complicated diba? Kayo lang nakakaalam nun kaya mag behave kayo, dahil baka pag kumalat to matatangal siya sa trabaho."

"No worries." Both me and Maj, reassured her. Ngumiti lang siya bilang pasasalamat.

"What's with what?!!, here?" IC suddenly seats besides me. She makes a fake girly voice at ginaya ang reaction ng gulat namin sa salitang.. what.

"May first kiss na si Amber." Luisa said.

"What??!!!!!!" Sabay naming sabi ni IC pero pareho kami ng reaction. GULAT! What the hell is she saying? Tama ba naman yun ang gawing pangtakip dun sa secret love nila ng prof. niya.

"Sino??" IC seriously asked me.

"Don't mind what Luisa said, it wasn't true." I explained.

"Amber, sino nga?!" Pagpupumilit niya.

"Ang kulit mo! Wala nga!"

"Amber is right, biro lang yun. Makareact ka naman." Natatawang sabi ni Luisa.

"Wala talaga?" Naniguro pa talaga ang mokong!

"Wala nga!" Tumitig siya sakin na tila hindi parin convinced at mukhang iniisip na naglilihim na ko sakanya. Pinisil ko yung ilong niya. "Wala nga yun,  kung meron na nga kong first kiss ikaw unang makakaalam." Paniniguro ko para naman makampante na siya.

"Okay." Sa wakas!! "How's your car?" He asked changing the topic.

"Iaupdate nalang daw ako ni Manong Ben." I answered.

"Buti nakita ka ni Kuya, kundi baka mapag tripan ka sa daan." Tama siya, di talaga ako iniwan kanina ni Sam hangga't di dumarating si Manong Ben, isinabay pa niya ko hanggang dito sa school kaya kahit papaano nakapasok pa ko. Pero dahil sa pagpapaalala niyang yun naalala ko lang na naman tuloy yung tungkol sa pag aapply ni Sam bilang escort ko.

"Oo nga eh." Matipid kong sagot.

"Napag usapan pala namin kanina nila Kuya yung tungkol sa birthday mo, may plano ka bang mag kutilyon? Ano susuotin ko bilang escort mo?"

Diyos ko naman!! Sakit sa ulo tong mga King na to, plano ba nilang pasakitin ulo ko bago ako mag birthday? Isa lang ang naiisip kong paraan para mawala tong sakit ng ulo ko. Ang hindi mag kutilyon.

"Hindi ko pa nakakausap tungkol dyan si Mama."

"Undecided ka padin?" I just nodded. I need to convince Mom na wag ng mag kutilyon, simpleng kainan lang ay ayos na. "Basta ako escort mo ah, pag hindi ako pinili mo hindi na tayo magkaibigan."

"Grabe siya oh! Yun ang sukatan mo Ian?" Maj asked laughing.

"Eh syempre best friend niya ko kaya dapat ako ang escort." Haay! Bakit ba laging birthday ko ang topic? Wala na bang iba? Sumasakit lang ulo ko eh.

King BrothersWhere stories live. Discover now