King Brothers - 45

11.4K 479 21
                                    

Ian Carlo King POV:

I'm at the cafe, waiting for Lexi. I texted her na pumunta dito dahil gusto ko siyang makausap. Gusto kong i-take yung advice ni Amber na kausapin siya, alamin kung anong gagawin namin sa uh.. nangyari sa'min na hanggang ngayon di pa din mabura sa isip ko. Hindi ko talaga alam kung anong pumasok sa isip ko nung mangyari yun, dala na lang talaga siguro ng kalasingan.

Ang gusto ko lang talaga naman noon magpakalasing dahil sa sakit nung ideang may mahal na yung babaeng mahal ko at kapatid ko pa. Tapos bigla siyang nag pakita at after nun, ayun na. Haay!!

"Ian.." I heard Lexi's voice. Napatayo ako nang makita siyang naglalakad papalapit sa'kin. "Sabihin mo na yung sasabihin mo." Sabi niya pagkaupo na pagkaupo niya.

Umupo din ako pero hindi ko alam kung paano magsisimulang mag salita. Nakakailang talaga 'to.

She sighed, heavily. "If it's all about what happened nung lasing tayo, just forget about it. We're just drunk and.. heartbroken that's it."

"Yun din naman ang gusto ko kaya lang paano pag nalaman ni Kuya Sam?"

"Hindi niya malalaman kung hindi mo sasabihin."

"So ano? Ililihim natin? Alam ko kung gaano kasakit ang pag lihiman dahil ginawa ng dalawang importanteng tao sa'kin yun. Alam mo yun."

"Hindi naman tayo tulad ni Damon at Amber na mahal ang isat isa. Tayo ay.. in love sa mga best friend natin na may mahal na iba. Wala tayong feeling sa isat isa at yung nangyari satin isang gabi lang yun siguradong mawawala din sa isip natin. Iba ang paglilihim sa kakalimutan nalang."

I don't think na makakalimutan ko yun, first ko yun eh. Gusto sanang sabihin yan kaso, ayokong ituloy. Alam kong first niya din yun, may ebidensya eh.

"Sige kalimutan nalang natin." Pagsangayon ko.

"May iba pa bang nakakaalam maliban sa'tin tungkol dun sa nangyari?"

"Si uh.. Amber, don't worry mapapagkatiwalaan siya sa lihim natin."

"I know, naitago din niya kay Sam na may feelings ako sa ugok na yun." Huminga siya nang malalim tsaka tumayo. Inoffer niya yung kamay niya para makipag shake hand. "So deal na? Ililihim natin kay Sam ang tungkol dun at ngayon ikaw nalang ulit si Ian na kapatid ng best friend ko at walang nangyari."

Tumayo din ako at inabot ang kamay niya. "Oo, ikaw nalang ulit ngayon Lex na best friend ni Kuya at walang nangyari." Pagsangayon ko.

Bumitaw siya sa handshake namin. "Mauna na 'ko." Pagpapaalam niya. Tumango lang ako bilang sagot sa sinabi niya.

"Sige, mag uh.. ingat ka." Pagkasabi ko nun nag simula na siyang maglakad paalis nang cafe habang ako umupo nalang muna ulit dito sa cafe. Pinag masdan ko siyang sumakay sa kotse mula dito sa loob dahil glass wall naman 'to kaya kita ang nasa labas.

Tumingin siya sandali sa direksyon ko tsaka sumakay din naman agad. Bumuntong hininga ako at sumandal sa sandalan. Haay! Gusto kong makita si Amber. Pag ganitong gusto magulo isip ko, gustong gusto ko siyang makita kaso alam ko namang busy siya kay Kuya.

Ang sakit padin talaga pag naalala. Siguro naging malaking tulong na din yung nangyari sa'min ni Lex para mawala nang sandali sa isip ko ang about sa kanila.

Sinimulan ko na din ang mag lakad palabas nang cafe para umuwi naman. Gabi na din kasi.

Sumakay ako ng kotse ko, binalikan ko 'to kanina sa school pagkahatid ko kay Amber sa bahay nila after naming mag usap.

Sinimulan ko na ang byahe at dahil gabi na buhos ang traffic kaya matagal bago ako nakauwi. Pag kauwi ko naman, paakyat na sana ako ng kwarto nang makasalubong ko si Kuya Sam na mukhang galing kusina.

King BrothersWhere stories live. Discover now