King Brothers - 15

16.2K 671 15
                                    

Una kong ginawa pag dating ko ng bahay, humiga ng kama ko. Mmm.. sarap talaga humiga ng kama ang lambot kasi, nawawala na yung bad mood kanina dahil kay Damon. Buti naman!

Siguro talagang mas okay kung di ko muna siya makita dahil umiinit yung ulo ko kasi wala lang sakanya yung halik namin, samantalang siya naman itong humalik. May pa trust me, trust me pa siyang nalalaman. Che!

"Uminum ka na kaya ng gamot?" IC said making me look at him. He's standing right to my bed.

"Mamaya na, sige na umuwi ka na. Salamat sa pag hatid." Hindi naman kasi talaga masakit ulo ko eh.

"Okay, mag pahinga ka nalang dito." He bends down and kissed my forehead. Pinanuod ko lang siyang umalis ng kwarto ko at nang mag sara yung pinto, ipinikit ko yung mga mata ko.

Mmm.. dahil sa activity to ngayong araw feeling ko napagod ako, actually mukhang dahil din sa byahe to. Nakadagdag kasi yung traffic sa pagod eh.

Nagising madilim na sa labas. Nakaidlip na naman ako, kaya siguro ang tangkad ko dahil lagi akong umiidlip ng hapon. Umupo ako mula sa pag kakahiga at kumuha ng pang palit para makapag shower na.

Natapos akong mag shower at nag patuyo lang ako ng buhok bago tuluyang lumabas ng kwarto. Nasa sala palang ako naamoy ko na ang agad ang sinigang na paniguradong luto ni Mama.

Dali dali akong pumunta ng kusina at nakita ko si Mama na naka pang office pa habang nag luluto.

"Hi, Ma." I greeted. Lumapit ako sakanya at hinalikan siya sa pisnge.

"Hello dear, how's your day?" She asked.

"I went to a picnic with my friends." Sabi ko habang pa upo at hinihintay yung niluluto ni Mama. Habang nag hihintay bigla kong naisip na yung tungkol sa debut ko. "Ma, about sa birthday ko.."

"Oh yeah, may nahanap ka na bang reception?" She asked facing me, excitedly.

"Uh.. kasi ano po sana eh, ayos lang ba kung wag na tayong magpaparty? Kahit simpleng kainan lang, ayos na po sakin." Sana pumayag siya. (Cross fingers)

"Anak, para sayo kaya ako nag tatrabaho at syempre gusto kong maranasan mo ang mag debut dahil di ko naranasan yun tsaka isa pa.. pupunta ang Papa mo at kapatid mo sa birthday mo."

I blink at her, rapidly. "Pupunta si Papa at Philip?" Gulat kong tanong.

"Yup, na set na nila yun." Shocks! So wala na pala akong choice kundi ituloy to dahil pupunta si Papa at yung kapatid ko. Haay! Kung ganun sinong gagawin kong escort?

Nakakaloka!

"Gusto mo ba ako nalang humanap ng reception? Kakausapin ko yung secretary ko na ihanap ka."

"Sige po." Walang gana kong sabi. Wala akong ganang mag hanap ng reception dahil di naman din ako excited sa debut ko.

Natapos si Mama sa pagluluto at pinagsaluhan naming dalawa yung niluto niyang sinigang na baboy. Nang matapos kaming kumain, ako na ang nag hugas para naman makapag pahinga na si Mama.

Bumalik din naman agad ako sa kwarto ko after kong mag hugas at nag toothbrush muna bago tuluyang humiga ng kama ko. Dahil kakagising ko lang mula sa pag idlip hindi pa ko dinadalaw ng antok kaya naisip kong mag aral nalang muna. Papaka nerd muna ako kahit sandali.

Habang busy ako sa pagaaral narinig kong nag ring yung cellphone ko. Kinuha ko yun at tinignan yung screen ng cellphone ko para malaman kung sino yung tumatawag at laking gulat ko dahil si Damon ang tumatawag.

Shit! What does he want again?

Inilapag ko nalang ulit yung cellphone ko at di sinagot yung tawag, pero di ko inaalis ang tingin ko sa cellphone ko. Hanggang sa patayin niya yung tawag at tumawag na naman siya pero di ko ulit sinagot yun.

Naka limang tawag siyang hindi ko sinagot hanggang sa makareceived ako ng text mula sakanya. Binasa ko yun..

*** Alam kong gising ka pa, nasa labas ako. Pwede ka bang lumabas muna? *** Again? Ano na namang ginagawa niya dito? Tinignan ko yung oras at halos same lang ng oras nung pumunta siya dito.

Pupunta ba ko o hindi? Lalabas ba ko o hindi?

Pero wala naman siyang pakialam sa kiss namin so bakit pa? Isa pa, bakit di nalang si Kelly ang pinuntahan niya? Tutal mukhang type naman niya yun eh.

Naka received na naman ako ng text mula sakanya.

*** Please? ***

I sighed heavily. Tumayo ako at kumuha ng jacket. Pupuntahan ko na siya, bahala na kung anong mangyari sa paglabas ko. Gusto ko lang malaman kung ano vang kailangan niya at pinupuntahan niya ko ng ganitong oras?

Lumabas ako ng bahay at tulad kagabi, nakita ko siyang nakasandal sa kotse niya. Naglakad ako palapit sakanya tsaka tumayo sa harap niya.

"May kailangan ka ba?" May pagkairita kon sabi.

"Kamusta pakiramdam mo? Sumakit yung ulo mo kanina diba? Uminum ka na ba ng gamot?"

"Yun lang ba pinunta mo dito? Para sa ikaluluwag ng utak mo, Oo kanina pa maayos pakiramdam ko. Ngayon kung wala kang sasabihin makakaalis ka na dahil nagaaral pa ko." Tumalikod na ko at aakma na sanang maglalakad pero pinigilan niya ko, hinawakan niya ko sa braso at pilit na pinaharap sakanya.

"Are you mad?" He asked.

"Saan naman ako magagalit?"

"I don't know." He don't know? Seriously? Kahit ba kunti wala manlang siyang idea kung bakit nagagalit ako? Pambihira! Wala ba siyang utak o talagang ayaw niya lang paganahin utak niya?

"Dahil ba to sa ginawa kong paghalik sayo kagabi? Dahil ba ninakaw ko yung first kiss mo?"

Hinila ko yung braso kong hawak niya at sinamaan siya ng tingin. "Nagagalit ako dahil parang para sayo wala lang yung ginawa mo, umarte ka sa harap ng mga kaibigan natin na parang hindi mo ko pinuntahan kagabi dito at hinalikan, sinabi mong annoying topic ang tungkol sa first kiss ko which is ikaw naman yun!"

"I'm sorry kung yung dating sayo, hindi ko lang alam kung paano ka iaapproach kanina lalo na't kasama mo si Ian. Yung tungkol sa topic about sa first kiss mo, nasabi ko lang yun dahil alam kong naiilang ka sa topic. Pasensya ka na, hindi ko alam na mamasamain mo yung kinilos ko." Hinawakan niya yung kamay ko at hinalikan ito ng hindi inaalis ang tingin sa mga mata ko.

"I'm sorry, Amber."

King BrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon