King Brothers - 47

11.9K 428 10
                                    

Amber Smith POV:

Kagigising ko palang pero feeling ko magiging maganda ang araw na 'to. Siguro dahil alam kong ayos na ang lahat sa'min ni IC. Kaya ngayong naalala ko hindi ko maiwasang mapangiti. Masaya akong finally nauntog na si IC at sumangayon na sa relasyon namin ni Damon.

Sakto sa ilang araw nalang na birthday ko.

Bumangon ako sa kama at inayos muna 'to bago ako kumuha ng tuwalya para masimulan ang pagligo.

After kong mag shower nag asikaso lang ako sa pag bibihis ko. Nang matapos naman ako, bitbit ang gamit ko lumabas na 'ko ng kwarto. Habang nag ta-type na din ng ipangte-text ko kay my Love.

** Good morning my Love, i can't wait to see you. I love you. **

Nag patuloy ako sa paglalakad papuntang dining. Note at luto lang ni Mama ang naabutan ko. Ibig sabihin maaga siyang umalis.

Kinain ko nalang muna yung hinandang breakfast para sa'kin ni Mama. After that, inilagay ko lang muna sa lababo yung mga pinagkainan ko tsaka ako lumabas ng bahay.

Dumiretso ako sa kotse ko and after kong mai-start yung makina nag text ulit ako kay Damon.

** I'm going to school now. 😘 **

Inilapag ko lang sa passenger seat yung cellphone ko tsaka ko sinimulan ang byahe papunta sa school.

Nang makarating ako sa school, mula dito sa loon ng kotse ko nakita ko si IC na kararating lang din. Humihikab pa pagbaba niya sa kotse niya. Dali dali akong bumaba sa kotse ko, kinuha yung gamit ko tsaka ko siya nilapitan.

"Good morning, panget." Pagbati ko sa kanya habang sabay kaming naglalakad na ng campus.

"Mmm.. morning." He greeted sleepy.

"Bakit parang puyat ka?" Tanong ko.

"2am na 'ko natapos mag dota."

"Di ka siguro makatulog kaya nag dota ka."

"Ganun na nga."

"Iniisip mo si Lexi?"

"Ganun na nga- wait, what?"

Di ko maiwasang matawa sa reaksyon niya dahil sa antok pa siya yan tuloy puro lang siya pagsangayon. Haha! Or pwedeng talagang iniisip niya si Lexi.

"So, totoo nga iniisip mo si Lexi?" I joke, laughing.

"Tss.. tumigil ka nga mamaya may makarinig sa'yo!"


"Ang guilty mo!"

Bigla siyang napahinto sa paglalakad kaya napahinto din ako, tumingin ako sa direksyon kung bakit siya napahinto yun ay dahil nakita niya si Lexi.

"Hi, Lexi!" Bati ko sa kanya kaya napatingin sa direksyon namin.

"Hi." She greeted back smiling. "Balita ko pinakilala ka na ni Damon as his girlfriend kela Tita." She said.

"Yup, sinabi ba ni Sam sa'yo?"

"No! Actually si Ian ang nagsabi."

Bigla kong naibaling kay Ian ang tingin ko at binigyan siya ng maintrigang tingin. Bigla niya lang akong inakbayan. "Sige, mauna na kami ihahatid ko pa 'tong panget na 'to sa classroom niya eh." IC said. Weeh? Hahatid daw pero ang totoo umiiwas lang.

King BrothersWhere stories live. Discover now