King Brothers - 8

18K 708 11
                                    

Nahatid ko na din finally si Lexi sa bahay nila kahit na puro talak ang nakuha ko sakanya dahil sa lakas ng tugtugan ko habang nag mamaneho at sa bilis kong mag patakbo ng kotse. Buti nalang at medyo sanay na ko sa mga pananalak niya siya sakin. Limang taon ba naman ng kaming magkaibigan eh.

Nasa kalagitnaan na ko ng byahe ng makita ko si Amber na bumaba ng sasakyan niya. Napatingin ako sa paligid kung nasaan na ba ako at bat bakit siya bumaba sa lugar na to kasi medyo malayo pa to sa school. Nalampasan ko na yung sasakyan at sa side mirror ko nalang siya tinignan, nakita ko na binuksan niya yung harap ng sasakyan niya. Kaya siguro siya huminto dahil may sira yung kotse niya.

Itinabi ko nalang yung kotse ko tsaka pinatay yun engine at bumaba ng kotse para puntahan siya.

"Anong nangyari?" Tanong ko sakanya pagkalapit ko.

Tumingin siya sa direksyon ko at tila naka hinga ng maluwag ng makita ako. "Nasiraan ako eh, badtrip." Badtrip na siya pero ang ganda pa din niya. Langya, pinagpapantasyahan ko na naman best friend ni utol. Erase erase that.

"Gusto mong sumabay na muna sakin, papunta na rin naman ako ng school eh." I offered nicely.

"Hindi na baka malate ka pa, dadalhin ko pa to sa repair shop."

"So hindi ka papasok?"

"Ilang subject lang, haggang sa maayos to."

"Hmm.. alam mo magandang palusot yan para sa pag absent. Magamit nga next time." I joke.

She laughed and im, enjoying the view. So.. perfect view. "Sira! Di ako nagpapalusot nu, sadyang kailangang ayusin nitong.." she slapped her car. "..sweetheart ko."

"Sweetheart?" I asked amused. "You give your car a name?"

"I just called him, sweetheart." She makes a seductive face nung sinabi niya yung word na sweetheart.

I laughed. "And meet my, Delilah." I pointed my car.

"Delilah? Pinangalan mo yung kotse mo sa Mama mo?" She asked laughing, amusingly.

"Yup, siya nag bigay eh."

Mas lalong lumakas yung tawa niya. "Wala naman talagang name yang kotse mo nu, inimbento mo lang."

"Yah." I said grinning, chuckling a little.

"Para ka talagang sira!" Pumunta siya sa pinto ng kotse niya habang yung ngiti sa mga labi niya hindi maalis.

I simply checked her from her head to toe, Amber is really pretty.. outside and inside. Her personality makes her more beautiful, walang kaarte arte sa katawan, malakas, matapang, minsan matigas ang ulo pero yun na ata ang charm niya. Swerte ng lalakeng magugustuhan niya, ay oo nga pala si Ian yun. Pero matagal na din yun, ganun padin kaya ngayon? I wonder kung nay chance na magkagusto siya sakin, tutal sabi naman ni Ian wala siyang gusto kay Amber.

"Hindi ka parin papasok?" Tanong niya, habang tila may idinadial sa cellphone niya.

"Hihintayin na kita." Itinapat niya sa tenga niya yung cellphone.

"Hi Manong si Amber to, uh.. pwede niyo bang itow yung kotse ko papunta dyan sa shop niyo?.... Opo, nasiraan kasi ako.... Mga anong oras po kaya kayo makakarating kasi may pasok pa ko ng school eh.... thirty minutes lang? Sige po salamat. Hihintayin ko nalang kayo dito." Paano niyang nagagawang maging maganda sa paningin ko kahit nag sasalita lang siya?

She ended the call.

"Sige na mauna ka na, matagal pa to. May 10am class ka diba?" She said looking at her wrist watch.

"Ayos lang boring naman yun eh, tsaka baka awayin ako ni Ian pag hinayaan ko ang maganda niyang best friend sa kalsada."

She chuckled. "Are you sure?"

"Yup, very sure!" It means makakasama ko pa siya ng kalahating oras o pwedeng mas mahaba pa.

Sumandal nalang muna kami sa kotse niya habang hinihintay yung tinawagan niyang mag aayos, sana lang matagal pa sila. Oo, selfish alam ko.. gusto ko lang kasing subukang dumamoves.

Tahimik lang kami sa paghihintay habang busy si Amber sa kakakalikot niya sa cellphone niya, na tila may tinitext.

"Boyfriend mo?" Tanong ko.

"Ha?" She asked confused.

"Yang katext mo." I said pointing her cellphone using my lips.

"No, si Ian yung tinext ko. Baka kasi magtaka at wala pa sa parking yung kotse ko." Ah.. inaupdate pala niya lagi si Ian kung nasaan siya. Siguro wala nga kong chance dahil baka may gusto pa din siya kay Ian.

"You still like my brother?" I joke half serious.

"What?" She asked laughing. "Saan naman nanggaling yan?"

"Eh kasi, inaupdate mo siya sa bawat kilos mo. It means, gusto mo pa."

"Sira! Kilala mo naman yung kapatid mo eh, matampuhin. Pareho kami kaya nagkasundo kami. Pero yung tungkol sa pagkakaroon ko ng feelings kay Ian dati, matagal ng wala yun."

"Talaga?" I souded so.. happy. She nods not even bothering herself to looked at me. Ayos din!! Pwede na pala. Pero kailangan ko munang mag ipon ng lakas ng loob na sabihin kay Ian na gusto kong pormahan kaibigan niya.

Speaking of Ian.. bigla kong naalala yung usapan namin kaninang umaga tungkol sa debut ni Amber.

"Nag offer na ba si Ian na maging escort mo sa birthday mo?" Tanong ko kahit alam ko naman na ang sagot.

"Uh.. no, we actually never talk about it yet. Why?"

"It's because, i wanted to apply as your escort." I seriously said.

"Y'you, what?!" She shockingly asked. I understand kasi naman, biglaan tong sinasabi ko.

"Sana iconsider mo, kahit na alam kong si Ian ang may chance na maging escort mo."

"Uh.. okay, pagiisipan ko." She said, halata padin sa mukha niya ang pagkabigla. Atleast pag iisipan kesa ang tangihan agad. Mas okay na yun.

---

End of Samuel King, POV. ✌😁

my_❤_📩

King BrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon