King Brothers - 18

16.2K 734 44
                                    

AMBER SMITH POV

Dumating ang oras ng break time at dumiretso na ko sa school canteen. Until now lutang padin ako sa binalita ni IC sakin na may nagugustuhan ng babae si Damon, siya pa daw ang pinaka maganda sa school. Shocks! Sino yun? Para saan pa at pumupunta siya sa bahay at ang sweet niya sakin kung may nagugustuhan naman pala siyang iba? Nakakainis!

Napakalayo namang maging ako yun dahil hindi naman ako ang pinaka maganda sa school.

Nakarating ako ng canteen at naabutan ko na dun yung dalawa kong kaibigan na si Majah at Luisa.

"Guys, sino sa tingin niyo yung pinaka magandang babae sa school?" Tanong ko pag kalapit ko sakanila at umupo.

"Ako." Pagmamalaki ni Majah. I rolled my eyes.

"Seryoso naman kasi!" I said making her laughed.

"Bakit mo ba kasi tinatanong?" Maj asked laughing.

"Wala lang, naintriga lang ako." Ayoko namang sabihin na dahil yun sa binalita ni IC na nagugustuhan ni Damon.

"Hmm.. i think si Lexi." Luisa said making me and Maj look at her in shocked. Teka kung iisipin mo ngang mabuti maganda talaga si Lexi. Haay, parang mas lalong gumulo ah. Kung si Lexi nga yun, paano si Samie?

Urgh! Ang sakit sa ulo!

"Hi ladies, anong pinaguusapan niyo?" Biglang pag sulpot ni IC.

"Uh.. wala!" Nag salita na ko bago pa sabihin nila Majah at Luisa ang pinaguusapan namin. Tumingin sakin ng makahulugan yung dalawa.

Kumuha nalang ako ng pera sa wallet ko at inabot to kay IC. "Bili ka na ng food, please." Nag puppy eyes ulit ako.

Tumayo siya at di na kinuha yung pera ko."Ako na magbabayad!" Pag kasabi niya nun, nag lakad na siya papunta sa bilihan ng pagkain.

"Bakit di mo sinabi kay Ian yung pinaguusapan natin?" Luisa asked me.

"Wala lang."

"Diba dapat siya tinatanong mo nun kasi siya yung lalake?" Maj said.

"Hindi din naman daw niya alam eh."

"Kung sabagay di naman niya aamining ikaw ang pinaka maganda para sakanya." Luisa teases.

"Sinabi niya kayang paniguradong hindi ako ang pinaka maganda!"

"Naniwala ka naman?" Maj teases too.

"Tigilan niyo na ngang kakapush samin ni IC." I scolded them.

"OhmyGod! Nandyan na ang football team." Laking ngiting sabi ni Maj. Haay! Sa wakas na bago din ang pinaguusapan. Tumingin ako sa direksyon ng way ng football team at si Damon agad ang una kong hinanap. I saw him smiling, talking with Mario.

Tumingin siya sa direksyon namin kaya umiwas na ko ng tingin. Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng inis sakanya, makita ko lang siya naiinis na agad ako.

"Hi, Amber." Sam greeted nang makarating sila sa table na katabi lang namin.

"Hi." Tumingin lang ako sakanya sandali at ngumiti, then kumuha ng libro sa bag ko para kunyaring nag fofocus sa pag babasa para maiwasang pansinin si Damon.

"Dude, ano nandito ba siya sa canteen ngayon?" I heard one of his teammate said.

"Sabi ng tigilan niyo yan eh!" I heard Damon said.

"Kuya sabihin mo na kasi kung sino yun." Sam said. Tungkol ata sa babaeng nagugustuhan ni Damon ang pinag uusapan nila.

"Ikaw ang daldal mo talaga eh." Damon scolded Sam  making his brother laughed.

"Bakit ba kasi ayaw mong sabihin kung sino yung babaeng yun?" Sam asked laughing. Sumimple ako ng tingin kay Damon kasi baka sagutin niya yung tanong ni Sam. Kung si Lexi nga yun, paniguradong mahihirapan siyang aminin.

"Sabihin mo nalang kung nandito siya sa canteen para tumigil na kami." Isa sa mga teammate niya ang nag salita.

"Oo, nandito siya canteen. Ayos na? Tigilan niyo na ko!" Inis na sabi ni Damon.

Nilibot ko ang tingin ko sa paligid pero hindi ko naman nakikita si Lexi. Kung ganun hindi nga si Lexi! Sumimple ulit ako ng tingin kay Damon at nakita kong nakatingin din siya sakin. Nang mag tama yung mga mata namin, pareho kaming umiwas ng tingin.

Bigla kong naramdaman yung pag tibok ng puso ko. Shocks! Ayokong mag assume, kung hindi yun si Lexi.. di kaya ako yun? I mean, aminado akong hindi ako ang pinaka maganda sa school pero malay mo naman. I giggle, secretly.

Naramdaman ko ang pag sipa sa paa ko at tinignan ko si Majah at Luisa para malaman kung sino yun, si Luisa ang nakangiti ng nakakaloko sakin. "Confirm ka girl." She said.

"Ha?" I asked confused. May sinulat siya sa notebook niya at pinabasa niya sakin yun, pati si Majah nakibasa.

You like Damon.

My mouth fell, looking at Luisa in shocked. Paano niya nalaman?

"Oh my god!" Majah said  shockingly. "For real?" Maj asked me.

"Ano yun?" Biglang pag sulpot ni IC, again. Dali dali kong sinarado ko yung notebook ni Luisa at binalik kay Luisa bago pa to makita ni IC.

"Wala yun!" I said. Tumitig siya sakin at mukhang hindi kombinsido.

"Naglilihim ka na!" He sounded, nagtatampo.

"Hindi nu! Sinabi ko lang na ikaw na yung escort ko sa debut." Pagpapalusot ko, sana gumana tutal siya din naman talaga ang plano kong gawing escort sa debut ko. Ngumiti siya ng sobrang laki, inilapag niya yung tray sa lamesa kung saan nandun yung pagkain namin.

"Talaga?" He asked smiling widely. I just nodded my head, forcing a smile. Hinawakan niya yung magkabilang pisnge ko at bigla akong nahalikan sa labi na ikinagulat ko.

Naging mabilis ang lahat kaya hindi ko na namalayang yun pala ang plano niya at nang unti unti na atang pumapasok sa utak ni IC yung ginawa niya, parang nagulat din siya sa nagasa niya.

Bumitaw siya sa pag kakahawak sa mag kabila kong pinsge at napakamot ng ulo. "S'sorry na ano.. uh.. bigla lang ako." Nauutal niyang sabi.

I stand angrily, glaring at him. Sinipa ko siya sa binte niya kaya napaungol siya sakit. Tsaka nag simulang maglakad paalis ng canteen kahit na hindi pa ko nakakakain.

Narinig ko ang pag tawag niya sakin at pag sorry niya ulit pero hindi ko yun pinakingan at nag patuloy lang sa pag lalakad. Nakakainis siya! Sinabihan ko na siyang wag akong gagamitan ng playboy moves niya eh, ginawa pa din niya! Urgh!! Sa harap pa talaga ni Damon.

---

Sorry ngayon lang UD nito, ito na ang two chapters sana makabawi. 😁

Please vote.

King BrothersWhere stories live. Discover now