King Brothers - 12

17.2K 648 5
                                    

On the way na kami ni IC sa lugar kung saan mangyayari ang picnic, gamit ang pickup car ko. Plano muna naming pumunta sa isang grocery store para bumili ng pwede naming ngatngating chichirya, maliban sa mga niluto ni Lexi na laging binibida ni IC na sobrang sarap daw.

Ang totoo niyan di kasi ako marunong magluto, ang alam ko lang yung pritong itlog, hotdog basta mga prito na natututong pa. Tss.

Nakarating kami sa grocery store at sinimulang mag hanap ng pwedeng bilhing chichirya, habang may bitbit siyang basket.

Ang mga napili naming chichirya ay, Nova, Piatos, Tortillos, Potato Chips and Tempura. All big sizes.

"Bili muna na tayo ng cornetto." Request ko kay IC.

"Tss, umiral na naman pagiging bata mo!"

"Tss, kung ayaw mo di wag." Sasabihan pa kong bata eh kakain lang naman ako ng ice cream. Kung ayaw niya edi wag! Pinipilit ba siya? Kainis talaga tong mokong na to.

Pumila nalang kami ng counter para makapag bayad nalang since ayaw naman niyang kumain kami ng ice cream. Naramdaman ko ang pag sundot ni IC sa tagiliran ko, siguro na sesense niya ang pagtatampo ko. Kaso, di ko siya pinansin. Bahala siya sa buhay niya.

"Hawakan mo muna to, mahaba pa naman yung pila eh." IC said, making me look at him. Inaabot niya sakin yung basket na pinaglalagayan ng mga chichirya. So, ano to assuming lang akong nasense niya pagtatampo ko? Ang ibig palang sabihin ng pag sundot niya sa tagiliran ko ay ipahawak sakin to?

"Napaka gentleman mo!" Sarkastiko kong sabi habang padabog na kinuha yung basket sakanya.

The whole time na naka pila kami, hindi ko siya pinansin. Ni hindi ko nga siya tinignan manlang. Inis pa din ako sakanya, bwiset siya!

Nang finally kami naman ang makakapag bayad sa cashier, inabot ko kay Ate yung basket tsaka isa isa niya tong itinapat sa kung ano man yun para malaman yung presyo.

"Padagdag nito, Ate." I heard IC said at nakita ko nalang na inaabot na niya yung cornetto kay Ate cashier. Napatingin ako sakanya ng gulat na gulat, kailan niya kinuha yan?

"Happy?" He asked not even bothering himself to look at me, i can tell that he's embarrassed.

Inagkla ko yung braso ko sa braso niya. "Thank you, bes." I said grinning like an idiot.

"Tss.."

Nang makapag bayad kami at makalabas sa store, kung siya bitbit yung pinamili namin ako yung corento at unti unti ko na tong kinakain.

Sumakay na ulit kami ni IC sa kotse.

"Haay, kaya ayaw kitang bilhan niyan para kang bata kumain." Pagaangal niya.

"Bakit ba? Ako naman ang kumakain ah!" Pagaangal ko din. Ako naman yung nag mumukhang bata, hindi siya! Tss. Inilapit niya yung kamay niya sa labi ko at ginamit niya ang thumb niya para punasan ang dulo ng labi ko.

"Umayos ka nga sa pagkain!" He scolded again.

"Oo na!"

Sinimulan na ulit namin ang byahe papunta sa.. kung saan man yun habang ineenjoy ko yung cornetto ko.

Finally narating din namin yung venue ng picnic, sa isang parke na may maliit na soccer field. Bakit ba di ko naisip yun? Akala ko sa simpleng parke lang.

Nakita na namin ang lahat na nandito na, sila Lexi, unfamiliar girl ay inaasikaso yung pagkain na nakalatag sa blanket na siguro gagamitin namin para upuan mamaya.

Majah is watching Mario, Sam and... Damon playing soccer. Shocks! Damon is here, akala ko wala siya hindi naman siya binangit kanina ni IC kaya paanong nandito siya? Diyos ko naman paano ko siya haharapin pagkatapos ng halik namin kagabi?

Pambihira naman oh!

"Amber!!" Sam yelled calling me as he notice us, making everyone look at our way. Tumakbo siya papalapit sakin at bigla akong inakbayan. "Buti napilit ka ni Ian."

"Oo nga eh." Anong meron? Bakit may paakbay akbay na tong si Sam? Oo close din naman kami kaya lang sa lahat ng King si IC lang ang umaakbay sakin.

"Ano yan? Bat may paakbay akbay ka, Kuya?" IC said.

"Bakit kayo lang ba close?" Sam said. Wala nang nagawa si IC kundi hayaan ang pagakabay sakin ng Kuya niya. Naglakad kami papalapit kela Lexi na, tila di maipinta yung mukha siguro dahil nakaakbay sakin si Sam.

"Amber, she's Kelly, cousin ni Lex." Pagpapakilala ni Sam dun sa unfamiliar girl.

"Uh.. hi!" I greeted.

"Hi." She greeted nicely. Tinangal ko na yung pagkakaakbay sakin ni Sam kasi naman di ko na nagugustuhan ang awra ni Lexi.

"Uh.. puntahan ko lang si Maj ah." Pagkasabi ko nun tumakbo na ko papalapit kay Majah bago pa sumabog sa.. ewan selos si Lex? Diyos ko naman pati ba naman ako, pagseselosan?

"Maj." I called my friend.

"Bakit ngayon lang kayo?" She asked.

"May binili lang kami sa grocery."

"Sayang wala si Luisa, masaya sana to kung nandito siya."

I laughed. "Baka busy kay Sir Justin." Bulong ko. She burst out of laughing.

"True, hindi padin ako makapaniwala hanggang ngayon." Tumango ako bilang pagsangayon. Sumimple ako ng tingin kay Damon and i caught him staring deeply at me. Umiwas lang siya nung mapansing nakatingin ako sakanya.

Ano kayang iniisip niya? Ano kayang tumatakbo sa utak niya after ng nangyari kagabi? Naiisip padin kaya niya yun? Sakin kasi until now affected parin. Shocks!

"Guys, let's play a game before we eat." Sam yelled to everyone.

"What game?" Mario asked.

"Ano pa nga ba? Football! Sakto tayong walo, kaya apat/apat."

"Papagurin mo lang kami, wag na!" Pagaangal ni Lexi.

"Lex, don't worry ako ang kakampi kaya di ka mapapagod!" Nagkatinginan lang kaming lahat at tila nag dadalawang isip kung papayag ba o hindi sa game na gusto niya. Wala naman akong alam sa football eh, kaya parang ayaw kong sumali.

"C'mon guys, ano kakain lang talaga tayo? Boring yun." Pagpupumilit niya.

"Basta kampi kami ni Amber." Sabi ni IC tsaka inakbayan ako.

"Paano hatian ng team?" Mario asked.

"Pangit kung mag sasama kayo ni Kuya Damon!" Pagpoprotesta ni IC.

"Amber, IC and Majah will be my team." Damon said. Eh?? He wants me to be in his team? Gusto niya atang magpatalo, dahil puro di karunong ng football ang gusto niyang makateam. "Mario, Lex and her cousin will be your team." He added.

"What? But i want Amber as my teammate!" Pagaangal ni Sam. Kung umangal siya para namang ang galing ko.

"Then let's just not play kung di ka papayag!" Damon strictly said.

"Okay, sige yun na." Wala na siyang nagawa.

"Hindi ko kakampi si Mar?" Mahinang pagkadismaya ni Majah. I just tapped her shoulder, saying that's fine.

King BrothersDär berättelser lever. Upptäck nu