King Brothers - 11

16.8K 659 9
                                    

I can't sleep! Siguro dahil late na kong nagising mula sa pag tulog kanina o pwede rin dahil sa halik na ginawa namin kanina ni Damon. Hindi ako makapaniwalang ang Kuya ng matalik kong kaibigan ang makakakuha ng sinasabi kong precious first kiss ko, paano ko namang magagawang sabihin yun kay IC? Nangako pa naman akong sasabihin ko ang tungkol dun.

Nagtakip ako ng unan sa mukha ko.

Nakakaloka! Hanggang ngayon naaalala ko pa kung anong reaksyon naming dalawa nung matapos yung kiss.

Our kiss ended, breathlessly. We were catching our breathe. His hands are still on my both cheeks, still staring down at my lips. It's like he wants more. Damn it!

Finally his stares meet mine, just like before our eyes were like talking and this time alam kong about sa kiss ang pinaguusapan ng mga mata namin.

Ibinaba niya dahan ang mga kamay niya pababa sa mga kamay ko at hinawakan ito.

He softly kissed my forehead, i just closed my eyes and feel it. Then pinagdikit niya yung mga noo namin. "Goodnight, Amber."

"Goodnight, Damon."

I thought magiging awkward yun, pero hindi! Yung reaksyon namin pareho, kalmado lang na parang hindi yun ang unang beses na nag lapat ang mga labi namin, na parang normal nalang samin ang halik, na parang isa kaming couple.

Shocks!!

Ano ba tong pinag iisip ko? Nababaliw na ata ako, kulang lang to sa tulog! Tama, itutulog ko nalang to. Kaya lang.... Paano?!! I can't sleep!

Umupo ako sa pag kakahiga at ginulo gulo ko yung buhok ko. Patulugin mo ko parang awa mo na!

Buti nalang at walang pasok bukas.

Narinig kong may nagtext sa cellphone ko na dahilan para tumungin ako dun. Kinuha ko yun at binagsak ulit ang katawan ko sa kama tsaka binasa yung text..

*** Still awake? *** Damon texted.

*** Yah. *** Matipid kong reply.

*** I can't sleep. (pouting) ***

I grin. I can't imagine him, pouting.

*** You're pouting? ***

*** Yah. 😉 ***

Oh my God! Damon texted me a winky face. Siya ba to o si IC? Hindi ako makapaniwala.

What should i reply next? Uh.. think Amber, think!

*** Bakit hindi ka inaantok? *** Curious ako, baka iniisip din niya yung kiss kaya di siya makatulog tulad ko. Pero atleast ako may idadahilan, siya kaya?

*** Same as you, maybe. ***

*** Ok. ***

Same as me, so.. i knew it he was thinking about our kiss.

I waited fo his reply, pero wala na siyang nireply after nung Ok text ko. Kaya itinabi ko na yung cellphone ko at pinilit na dalawin ng antok.

Nagising ako dahil parang biglang tumama yung sinag ng araw direkta sa mga mata ko na nag mumula sa bintana ng kwarto ko. Paanong masisilayan ako ng araw eh, nakaharang yung kurtina ko.

I slowly open my eyes, adjusting with the sun light. "Waky waky little, Amby." That's IC voice. I saw him on my window, holding my curtain.

"Oh you shitty head, fuck off, leave my room and close that curtain!" I groan, annoyingly. Ayoko pa namang iniistorbo yung tulog ko at alam niya yun!

He laughed. "Don't you want to go with us?"

Nag takip ako ng unan sa mukha ko para hindi na ko masilaw sa araw. "No!"

"Hindi ko pa nga sinasabi kung saan eh."

"Still, no!" Baka sumama si Damon, kaya ayoko! Hindi ko alam kung paano siya haharapin after nung kiss. Urgh! It still on my head.

"We are going on a picnic!" He excitedly. What is he, four years old? Tanda tanda na hilig pang pumiknic. "Lex organized it and Kuya Sam offered us to go, and oh.. Mario asked Majah to come too." He added. He didn't mentioned, Damon. So, hindi siya kasama?

"Fine, fine, since Maj is there." Napilitan kong sabi.

"Okay, tumayo ka na kundi papatungan kita dyan!" Umiral na naman ang kamanyakan niya. Sumunod nalang ako kasi alam kong seryoso siya sa sinabi niya, ito na yung pangalawang beses na winarningan niya ko nun at nung una niya sinabi yun, ginawa niya talaga.

"Lumabas ka na, mag sha'shower na ko." Pagtataboy ko.

"Okay, sa sala nalang kita hihintayin." Lumapit siya sakin at hinalikan ako sa noo. Hindi ko tuloy maiwasang isipin yung ginawa namin ni Damon, paano ko masasabi yun sa best friend ko? Ano kayang magiging reaksyon niya pag nalaman niya?

Magagalit ba siya o pagtatawanan lang ako dahil baka isipin niyang nag jojoke ako. Kung sabagay, sino naman kasing magaakalang hahalikan ni Damon King ang isang tulad lang ni Amber Smith?

Siguradong wala ni isa ang makakaisip o pag hihinalaan manlang na first kiss ko ang Damon na yun.

King BrothersΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα