King Bothers - 5

19.1K 714 4
                                    

IC requested me to wait na matapos sa pag bibihis ang mga Kuya niya, para dun na siya sumabay pauwi. Dahil pinilit ko daw siyang sumama dito kaya, pinilit din niya kong paghintayin. Actually hindi lang siya, pati si Majah gusto daw niya kasing masilayan sandali si Mario. So sino ako para tumangi kung dalawang kaibigan ko na ang nag request.

Finally, natapos na sa pag freshen up ang players kaya nag kanya kanya na sila ng punta sa kotse nila at, nag plano kung anong oras pupunta sa bahay ng mga King.

Lumapit sa direksyon namin ang dalawang King at si Mario, kaya itong kaibigan ko sa likod parang gusto na kong hawiin makalapit lang pero syempre marunong siyang mag pigil.

"Oh, Ian di pa kayo umuuwi?" Sam asked his brother.

"Actually plano kong sumabay sainyo pauwi." IC answered.

"Kay Sam ka na sumabay, sasakay ng kotse ko si Mar." Damon said.

Tumango lang sakanya si IC. "Tsaka nga pala, Mar.." IC called. Napatingin ako sakanya. "Meet my friend Majah." Oh my God!

Okay, ako ang kinikilig para sa kaibigan ko sa wakas makikilala din siya ni Mario. Bakit ba ngayon niya lang to naisip?

"Hi, Majah." Mario offered a shake hands on Majah. Tumitig lang ang kaibigan ko sa kamay ni Mario at halata padin sa mukha nito ang pagkabigla sa biglaang pagpapakilala ni IC sa long time crush niya.

Feeling ko may ginawa si Luisa para bumalik sa katinuan niya si Maj.

"H'hi." nauutal nitong bati at nanginginig pa yung kamay ng makipag shake hands kay Mario. She cleared her throat. "Hi din, Mario." Buti naman at di na siya nautal this time. Pangit naman kung nag mumukha siyang ewan sa crush niya.

I smile, lightly. Masaya ako para sakanya dahil finally napansin siya ni Mar. I noticed na nakatingin sakin si Damon kaya ngumiti ako sakanya, pero umiwas lang siya ng tingin at tila nailang sa ginawa ko.

Minsan talaga iniisip kong weird siya. Minsan kasi parang sobrang close kami, then next semi nalang, then next parang hindi na talaga. Siguro ganyan lang talaga siya.

"Bakit di kayo sumama sa celebration ng team mamaya?" Sam asked, us. Woe! Iniimbita niya kami sa Party ng mga football players?

"Are you sure? Wala na ba sa rules niyo ang No Minors Allowed?" I asked emphasizing the word No Minors Allowed.

Sam laughed. "Basta di kayo iinum ayos lang." Nagkatinginan kaming tatlo nila Majah at Luisa. Majah is obviously willing to go because of Mario but Luisa.. i don't know, it's hard to tell.

"Do you want to go guys?" I asked.

"Yah, sure." Majah said without any second thought.

"Uh.. baka di ako payagan nung boyfriend ko." Napatingin kaming dalawa sakanya ni Majah.

"May boyfriend ka na?" Sabay naming tanong ni Maj.

"Woe, ang lihim mo ah!" IC said.

"Actually, uh.. kahapon lang kasi naging kami."

"Sino?"

"Uh..let's not talk about it now.." Tumingin siya sa dalawang King at kay Mar, na parang naiilang. Tama nga naman, di naman siya close dun sa tatlo kaya bakit niya sasabihin. "So, pass muna ko ngayon." She added.

"Okay, kami ni Maj ang sasama." Gustuhin ko man o hindi ayaw kong maiwan mag isa si Maj, dahil paniguradong sasama to.

"Okay, sa bahay nalang?" IC asked me and Majah. We just nodded our heads. Hinalikan lang ako sa noo ni IC tsaka siya sumama na dun sa tatlo para pumunta sa bahay nila.

Sabay kaming tumingin ni Majah kay Luisa, ako naka cross arms, si Maj naka pamewang. "Bakit di namin alam ang tungkol sa boyfriend mo?" Maj said.

"Ni di mo nga nabangit na may manliligaw ka." I said.

"Complicated kasi, tsaka ko na sasabihin pumunta na kayo dun sa bahay ng Kings."

"Are you sure di ka sasama?" Maj asked. She shakes her head.

"Okay, mag iingat ka." I said. Bumeso lang kami sakanya ni Majah tsaka nag kanya kanya narin kami ng punta sa kotse namin.

Sinimulan ko na ang byahe papunta sa bahay nila IC nang makarecieved ako ng text mula kay IC..

*** Magingat ka. *** Tss.. kala ko naman kung anong laman, ingat lang pala ang sasabihin.

Inabot ako ng traffic na for sure nararanasan ng iba, badtrip talaga tong minsan na traffic.. nakakantok kaya.

Nang finally nakarating ako sa bahay ng Kings, ang dami ng nakapark na kotse sa tapat kaya di ko alam kung saan ipapark yung kotse ko pero buti nalang may nahanap din naman agad ako.

Bago ako bumaba ng kotse tinawagan ko muna si Majah, ilang sandali lang sinagot na niya. "Nasaan ka na?" Tanong ko.

"Malapit na, ikaw?"

"Dito na, hitayin na kita para sabay na tayong pumasok."

"Okay, Okay." I ended the call. So just like what i said, hinintay ko muna siya pero habang nag hihintay tinext ko si IC na nasa labas na ko at hihintayin muna si Majah, baka sakaling puntahan niya ko dito ng may makausap naman ako. Pero dumating na lahat lahat si Maj, walang IC na nagparamdam.

Bwiset talaga, siguro busy na yun sa chicks. "Nag sisimula na kaya?" Maj asked, nervously.

"Siguro, medyo maingay na eh." Nag doorbell na ko para naman malaman nilang may tao dito sa labas, sana lang marinig nila.

Ilang sandali lang din naman, pinag buksan na kami ng magaling kong best friend. "Oh, buti naman nandito na kayo." He said. I raised my right eyebrow. Hindi niya alam? Eh nagtext kaya ako!!!

Sinipa ko siya sa binte niya. "Aww! Para saan na naman yun?" Pagaangal niya.

"Kanina pa po ako nag text sayo!" Irita kong sabi.

"Malay ko ba nasa kwarto yung cellphone ko, naka charge." I roll my eyes on him. Ayaw pa kasing sabihin na busy siya sa babae. Binanga ko nalang siya papasok ng gate habang hila hila yung kamay ni Majah.

King BrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon