King Brothers - 41

13.1K 553 31
                                    

Nag madali kami ni Damon para puntahan si IC na napapaaway ngayon. Ano na naman kayang pumasok sa isip niya at nakikipag basag ulo siya? Di naman siya mahilig dun pwera nalang kung may nangbubwiset sa'king lalake.

Nakarating kami sa open space at nakita dun yung mga taong umaawat sa away isa dun si Lexi. Nasa pagitan siya nung dalawa si IC  at yung isang lalakeng kasuntukan niya sa tingin ko dahil yun ang may dugo sa lower lip nito. Naabutan niya siguro 'tong away kaya inawat niya si IC.

"Anong nangyayari dito?" Tanong ni Damon.

"Pag sabihan mo yang utol mo ah! Bigla nalang na nunugod ng suntok." Inis na sabi nung kaaway ni IC.

"Ganun ba pasensya na sa ginawa niya." Damon said.

"Bakit ka humingi ng tawad sa gag*ng yan? Wag ka ngang makialam dito!" Inis na sabi ni IC sa Kuya niya.

"Inaayos ko lang 'tong gusot na pinasukan mo!"

"So nag papaka Kuya ka ngayon, sana ginawa mo yan bago mo pinatos yung best friend ko!" Pagkasabi niya nun pilit siyang bumitaw sa mga umawat sa kanya at nag lakad paalis.

"Ian sandali-"

"Damon ako na.." Pagpipigil ko sa plano niyang sundan yung kapatid niya. "Hindi kayo mag kakausap ng maayos dahil parehong mainit ang ulo niyo, lalo lang kayong mag aaway." Tumitig lang siya sa'kin at parang hindi sangayon sa gusto ko pero syempre hindi ako nag papigil at sinimulan nang sundan si IC.

Papunta siya sa direksyon ng parking kaya hula ko uuwi 'to.

"IC!!" I called. Huminto siya sa paglalakad at humarap sa'kin. Minadali ko ang pag lalakad papalapit sa kanya. "Saan ka pupunta?" Tanong ko.

"Uuwi!" Aakma sana siyang tumalikod para maglakad pero pinigilan ko.

"Sandali lang, pumunta muna tayong clinic."

"Ayoko!" Tumalikod na ulit siya at nag simulang mag lakad, this time hindi ko siya napigilan kaya ang ginawa ko sinundan ko nalang siya hanggang sa makarating kami ng parking.

Pasakay na sana siya ng kotse pero bigla ko siyang pinigilan sa pamamagitan ng pag hawak sa braso niya. "Please IC pumunta muna tayo ng Clinic bago ka umuwi." I begged.

He sighed, showing of his giving up. "Fine." Haay! Sa wakas nakinig din. Hinawakan ko siya sa kamay para masimulan na ang mag lakad papunta sa Clinic bago pa man mag bago ang isip niya. Bigla niyang hinila yung kamay niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Kaya kong maglakad." He coldly said. Binilisan niya yung pag lalakad kaya halos patakbo ko na siyang sinundan.

Nakarating kami ng clinic nang hindi manlang niya 'ko pinapansin. Sinimulan siyang gamutin ng nurse yung sugat nito sa labi kaya kahit gusto kong magtanong kung bakit siya napaaway hindi ko muna ginawa hanggang sa matapos sa kanya yung nurse.

"Ano bang dahilan bakit mo sinugod yung lalake kanina?" Tanong ko. Tumitig lang siya sa'kin at hindi sumagot tsaka niya sinimulang maglakad palabas ng Clinic.

"IC!" Tawag ko sa kanya habang hinahabol siya.

Humarap siya sa'kin na hindi maipinta yung mukha. "Sinunod ko na yung sinabi mong pumunta ng clinic diba? Ano pa bang kailangan mo?" Inis niyang sabi at sa sobrang inis niya napag taasan na niya 'ko ng boses.

I looked down. "Sorry."

"S'sorry, i didn't mean to yell at you." He quickly apologized.

"Ayos lang, naging makulit din kasi ako." Nag simula nalang akong mag lakad hanggang malampasan ko siya. Alam ko naman talagang hindi niya sadyang masigawan ako, sadyang badtrip lang siya dahil sa away kanina. Nakadagdag nalang siguro yung inis niya sa'min ng Kuya niya.

King BrothersWhere stories live. Discover now