King Brothers - 2

23.2K 948 21
                                    

Natapos kami sa pagkain sa canteen tsaka naman kami nag kanya kanyang balikan sa mga classroom namin nung marinig namin ang bell. Gustuhin ko mang makasama lang muna yung nga kaibigan ko di pwede, may mamaya pa naman.

Papunta na ko sa classroom ko ng biglang may tatlong nag kiclaim na girlfriends daw sila ng mga Kings. Oo ganun sila kassuming, sila si Trish, Amy and Lucy.

Paano ko sila nakilala? Well tinuturing lang naman nila akong kaaway, o sadyang ingit lang sila dahil close ako sa mga King Brothers.

"Bakit na naman?" Walang gana kong sabi. Wala ba silang klase at ginugulo nila ko?

"Nakaupo ka na naman sa same table kasama si Ian." Malditang sabi ni Amy, bet niya kasi si Ian. Kaso si Ian di siya bet, kahit babaero yung mokong na yun di niya talaga matipuhan tong bruhang to.

"So?" Pagtataray ko din.

"Winarningan ka na namin diba? Wala kang lalapitan kahit na sino sa mga Kings!" Trish said. She's into Damon.

"At wag na wag kang makikipag eye contact sakanila." Lucy said. She's into Sam. Mga bruha na nga, bobo pa. Eh paanong di ko kakausapin ang mga Kings eh kaibigan ko sila? Napuno na ba ng hangin mga utak nito kaya di na nakakapag isip ng matino. Puro lang kasi paganda, mga walang utak.

"Pwede ba wala akong panahon sainyo!" Dumaan ako sa gitna nila, kasi di naman sila pader para humarang sa daan ko.

Bigla ko nalang naramdaman na may humila sa braso ko at para iharap ako sakanila. Nakita kong si Amy ang gumawa nun. Hinila ko yung kamay ko at sinamaan sila ng tingin.

"Ano bang problema niyong mga bruha kayo?" Irita ko kong sabi. Akala ba nila di ko sila papatulan? Pwes makikita nila kung gaano ako kamaldita tulad nila.

"Ay! Bakit lalaban ka girl?" Pag amba sakin ni Trish.

"Matapang ka na! Nakalimutan mo atang wala dito si Ian kaya di kaya niya mapagtatangol!" Lucy said.

"With or without IC, kaya ko kayo!" Pagkasabi ko nun lumanding sa pisnge ko ang palad ni Amy.

Mga bwiset talaga!!

Binitawan ko ang bag ko tsaka sinugod ko si Amy at sinabunutan na ikinagulat nilang tatlo pero mas ikinagulat yun ni Amy, hindi ko siya tinigilan hanggang di ko siya napapatumba. Pinipilit nila Trish at Lucy na pigilan ako pero tinutulak ko lang sila.

Akala nila ah!

"Ano nasaan ang tapang mong bruha ka!" I groan, angrily at Amy. Nasa ibabaw na niya ko at pinagsasasampal siya. Bigla ko nalang naramdaman na sinabunutan ako nung isa na dahilan para mapatayo ako. Nakita ko ang gumawa nun ay si Trish. Isinadal nila ko sa pader tsaka hinintay na makatayo si Amy.

"Ako naman ngayon!" Galit na galit na nitong sabi. Pagkalapit niya sakin, sinampal na naman niya ko.

"BITAWAN NIYO SIYA!" We heard a man voice, echoing the hallway. Napahinto sa pag sampal muli sakin si Amy at binitawan naman na ako ni Lucy at Trish na tila mga nakakita ng multo dahil sa takot.

Tinignan ko kung sino ang dahilan kung bakit sila mas lalong nag mukhang pangit, si Damon ang nakita ko. Isa sa mga Kings.

Naglakad papalapit samin si Damon habang ang mga kamay ay nasa bulsa ng Varsity jacket niya, kalmado siya maglakad pero yung mukha niya parang galit na galit.

"D'Damon, pinagtangol ko lang yung sarili ko." Amy said, shaking.

"Tinulungan lang namin siya kasi, sinampal siya ni Amber." Trish said. Mga sinugaling na pangit!!

"Wala. Akong. Paki. Alam!" Damon said angrily, glaring at those girls. "Umalis na kayo bago ko pa makalimutang mga babae kayo!" He warns.

Dali dali silang nag silalisan na mga parang mga asong nabahag ang buntot. Nakahinga ako ng maluwag, buti naman dahil baka pag nagpatuloy ang pagaaway namin professor na ang makakita sa away namin.

Kinuha ko yung bag ko at humarap kay Damon. "Salamat ah."

"Binubully ka ba ng mga yun?" Tanong niya at mas lalo pa siyang lumapit sakin.

"Galit sila sa sakin dahil close ako sainyong magkakapatid."

"Ganun ba?" Seryoso niyang tanong. Tumango lang ako sakanya. Dahan dahan niyang inangat yung kamay ko at hinaplos ako sa pisnge, sa bandang sinampal ni Amy. "Masakit ba?" He asked, softly.

"Uh.. ayos lang. Malayo sa bituka."

"Sa susunod na guluhin ka nila sabihin mo sakin."

"Kaya ko na yun."

"Amber, alam kong matapang at malakas ka pero sa nakita ko kanina di mo sila kayang tatlo."

"Basta isa isa silang lalaban kaya ko sila." Pagmamalaki ko. I saw a smile on the corner of his lips. I bite my lower lip, smiling. I really want to see his smiles, nakakahawa kasi. Isa pa yan ang pinaka asset niya ang killer smile niyang di masyadong makita ng mga babae.

He runs his fingers to my messy hair. "Magulo yung buhok mo." Bigla akong na conscious kaya dali dali kong inayos yung buhok ko.

"Uh.. sige ah! Babalik na kong klase, late na ko eh." I said, making a fake panicking face.

"Okay, iwasan mo nalang yung mga babae kanina." I just nodded. Gustuhin ko mang iwasan ang mga bruhang yun, sila naman tong lumalapit.

---

King BrothersDonde viven las historias. Descúbrelo ahora