King Brothers - 30

14.7K 657 21
                                    

Papunta na ako ng ngayon ng Parking kasama ang new classmate/new friend kong si Marcus. Medyo may pagka IC din naman ang ugali kaya siguro nagkakasundo kami, maliban nga lang siguro sa si IC playboy at siya.. well i dont know di ko pa naman masyadong kilala siya ng malaliman.

Plano ko ng umuwi kasi pupunta daw ng bahay mamaya si Damon kasi di pa naman daw siya makakapag practice dahil sa injured niya inadvice daw nung PT nila na next week na mag practice para makapag rest talaga pa siya. Paano niya nasabi sakin yun lahat? Sa text syempre, hindi naman kami bawal mag chikachika ng personal kaya lang baka mawirduhan yung iba pag nag chikahan kami ng bongga.

So.. mahaba haba ang tinawatawag nilang Babe Time namin mamaya. Hihi!

"Paano bukas ulit?" Marcus said habang papunta na kami sa magkaibang way dahil nasa magka ibang way namin na park ang sasakyan namin.

"Ha?" I asked confused.

"What i mean is kitakits bukas, classmate."

"Oh! Yah, kitakits." I said chuckling. Dumiretso na ko sa kotse pagkatapos namin magpaalam sa isat isa.

Pero bago pa ko makasakay ng kotse narinig kong may tumawag sakin kaya nilingon ko muna yun and si Sam ang nakita ko na tumatakbo papalapit sakin.

"Buti naabutan kita." Hingal na hingal niyang sabi.

"Uh.. bakit?"

"Kanina ko pa kasi tong gustong itanong eh manliligaw mo ba yung kasama niyong lalake sa table kanina sa canteen?"

"Si Marcus ba? Hindi bago ko lang siyang classmate."

"I see.." Huminga siya ng malalim. "..akala ko naunahan na niya kong manligaw eh."

"Uh.." I don't know what to say. Shit! Siguro dapat sabihin ko na yung about sa pagkakaroon ko ng boyfriend para itigil na niya ang pagiging showie sa nararamdaman niya. Ay di din pala siya showie, para lang pala siyang si Damon na di magawa yung pag kasama si IC.

"Yun lang itatanong ko, ingat ka sa paguwi."

"Sam-" Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko dahil nag ring yung cellphone niya. Damn it!

"Hello?" He answered it. "Oo na, eto na papunta na." Pinatay niya agad yung tawag.

"Pasensya na tinatawag na ko sa practice, may sasabihin ka ba?" Tanong niya.

"Uh.. wala, sige punta ka na sa practice."

"Okay." Kinaway niya yung kamay niya sakin tsaka tumakbo palayo. Haay! Kung kailan kakausapin ko na siya tsaka pa napurnada.

Sumakay nalang ako ng kotse ko para masimulan na ang byahe pauwi. Inabot na ko ng traffic kaya halos abutin ako ng isang oras bago tuluyang makauwi.

Nang makauwi naman ako dumiretso na ko sa kwarto ko at umupo muna sa kama ko at tinext si Damon..

** What time ka pupunta my love? **

Inilapag ko muna yung cellphone ko sa kama ko at nag bihis muna dahil di ko naman ineexpect na mabilis siyang makakapag reply ngayon dahil baka nag pakita pa yun sa practice bago maisipang pumunta dito.

Nang makapag bihis na ko, kinuha ko na yung cellphone ko sa kama tinignan kung may text kay Damon and meron naman..

** Papunta na ko my love, may gusto ka bang pasalubong? **

I grinned, excitedly.

** Cheese flavored ice cream.🍦**

** Ok wait me there, im coming. **

King BrothersWhere stories live. Discover now