King Brothers - 28

16.5K 751 30
                                    

Kakatapos ko lang mag shower..

Kung kanina busy kami sa pagsusukat ngayon naman ang pagaasikaso ko sa date namin ni Damon ang pinagkakabusyhan ko.

Umalis din naman agad si IC nang makapili siya ng ipapartner sa gown ko kasi may gala daw siya kasama yung iba niyang teammates. For sure mag chichick hunting yung mga yun.

I just decided to wear a preppy clothes, then tinirintas ko yung hair ko pero dun lang bandang dulo. Sa make up naman dahil hindi ako masyadong magaling, basta may kilay at lipstick at masccara ay keri na sakin.

Ready na ko sa date, siya kaya?

Kinuha ko yung cellphone ko para alamin kung ano ng balita sakanya.

** My love, bihis na ko. Ikaw? **

I waited for his reply pero biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko, nag bukas ito at si Mama ang nakita ko. Tinitigan niya ko ng nakataas ang kilay mula ulo hangang paa.

"May.. date ka, sweetheart?" She asked. Paano niya nalamang date? Di ba pwedeng gagala lang with friends? Ang instinct talaga ng mother kakaiba.

"Uh.." i don't want to lie to her, hindi naman siya si IC para paglihiman ko ng about samin ni Damon. "..O'opo." Nahihiya kong sabi.

"May i know kung sino?"

I bite my lower lip. "Si Damon po, kuya ni IC."

"Alam ni IC na dinidate mo yung Kuya niya?" She asked.

I shake my head. "Humahanap pa po ng tyempo si Damon para sabihin sakanya, baka po kasi magalit si IC pagnalaman niyang dinidate ako ng Kuya niya. Ang protective po kasi nun ni Panget eh."

"Okaaaay, tell him na sunduin ka dito at magpakilala ng pormal."

Oh Gosh!

"Opo."

"Tawagin mo nalang ako pag nandyan na siya." Tumango nalang ako bilang pag sangayon.

Umupo ako sa kama ko pagkalabas ni Mama at nakahinga ako ng maluwag. Akala ko magagalit siya dahil may dinidate na ko, pero buti nalang at hindi. Hu!

Binaling ko ang tingin konsa cellphone ko nagbaka sakaling may text kay Damon.

** I'm driving now my love. **

Dinial ko yung number niya para tawagan siya, ilang sandali lang naman ay sinagot din niya agad.

"Hi my love, nasaan ka na?" He said from the other line.

"Nasa bahay pa, uh.. my love alam na ni Mama ang about satin. Gusto niyang sunduin mo ko dito at magpakilala ng pormal."

Katahimikan ang bumalot saming dalawa, actually siya lang talaga ang biglang natahimik.

"Nandyan pa ba si Ian?"

"Wala na."

"Okay, pupunta na ko dyan."

"Sige magiingat ka, ibaba ko na to. I love you."

"I love you too, my love."

I ended the call. Haay! Buti naman ayos lang sakanyang malaman na ni Mama ang about samin, ang hirap pa naman mag tago ng secret pag dating kay Mama.

Lumabas na muna ako ng kwarto ko para sa sala na hintayin ang sundo ko. This is my first time na may ipapakilalang boyfriend, medyo kinakabahan ako sa di ko malamang dahilan. Ganito ba ang feeling kapag may ipapakilala ng boyfriend, nakakakaba? Shit!

Inabot din ata ng kalahating oras ang paghihintay ko hangang finally makarinig ako ng doorbell mula sa labas. Dali dali akong tumayo at pinagbuksan yung nag bell at ang gwapo kong boyfriend ang nakita ko na may hawak na flowers.

King BrothersWhere stories live. Discover now