King Brothers - 16

15.6K 667 15
                                    

I stayed with Damon outside my house. Tahimik lang kami habang nakasandal sa kotse niya, medyo kumalma na ko ng mapaliwanagan niya ko sa kinilos niya kanina. So hindi naman pala balewala sakanya yung kiss namin, di lang talaga niya alam kung paano ako iaapproach. Hmmm.. maski din naman ako di alam kung paano siya approach nun, medyo naiilang nga din ako sakanya kanina eh.

"So.." he speaks breaking our silence. "Was i really your first kiss?" He asked making me look at him. He's smiling, teasingly at me.. i guess.

"B'bakit kailangan mo pang itanong yan?" Nauutal kong tanong.

He laughed softly. "Gusto ko kasing malaman kung ako nga."

"Oo ikaw nga!" Mabilis kong sabi. Sa sobrang bilis parang one word na nga lang yung sinabi ko.

"Ganun ba? Ayos yun." Ayos yun? Ayos sakanya yun? Kung ganun flattered naman pala siya na siya ang first kiss ko. Naramdaman ko ang dahan dahang pag hawak ni Damon sa kamay ko, pinaglapat niya yung nga kamay namin na parang isang couple.

Shocks! Ano ba to? Kagabi nag kiss kami, ngayon magkaholding hands naman. Bakit niya to ginagawa? Samantalang kanina enjoy siyang kausap si si Kelly, tapos ngayon nandito siya at hinahawakan yung kamay ko na para kaming couple.

Nasabi ko na bang mabilis akong ma fall? Well ngayon sasabihin ko na. Mabilis akong mafall!

"Damon.." i called.

"Hmmm?" He just hummed.

"Anong tingin mo kay Kelly? Maganda ba siya para sayo?" Tanong ko.

"Oo." Matipid niyang sagot. Tumingin ako sakanya at nakangiti lang siya habang nakatingin sa kamay naming magkahawak.

"Siya ba yung tipo mong babae?" Inalis niya ang tingin sa kamay ko at tumingin sa mga mata ko.

"Bakit mo natanong?"

"Uh.. wala lang, natanong ko lang."

He chuckled. "Were you jealous?"

"Me?? Jealous? Bakit naman ako magseselos?"

"Ikaw lang makakasagot niyan." He said grinning.

"Hindi nu!" Pagtatangi ko.

"Okay." He said shrugging, not convinced. Bumitaw ako sa pagkakahawak niya sa kamay ko at humarap sakanya ng nakapamewang.

"Maniwala ka man o hindi, hindi. ako. nagseselos!"

He laughed. "Okay, Okay, calm down." I roll my eyes on him.

"Umalis ka na nga lang!" Inis kong sabi, aakma na sana akong mag lakad papasok ng bahay ng bigla niya kong hawakan sa braso at pilit na pinaharap sakanya. Kagat kagat niya lang yung lower lip niya at halatang pinipigilan yung tawa.

"Sorry na." He's not sincere. "Hindi tipo ni Kelly ang gusto ko, hindi ako interesado sakanya. Ngayon nasagot ko na ba tanong mo?" He added. Hindi ako sumagot at nag diwang ng bahagya at palihim sa narinig ko sakanya.

"Pwedeng ako naman magtanong?"

"Ano yun?" Tanong ko.

"Pwede ko bang malaman kung sino na yung escort mo sa debut mo?"

"Uh.. about that, i uh.. honestly haven't decided yet. Pero ineexpect na kasi ni IC na siya at dahil ayaw kong magalit siya at magtampo sakin baka siya ang piliin kong escort."

Biglang sumeryoso yung itsura niya pero pilit padin siyang ngumiti sakin. "Ganun ba? I understand, baka nga naman magulat sila pag ako ang nakita nilang escort mo."

"Can i ask again?" Ako naman.

"Oo naman."

"Bakit gusto mong maging escort ko?"

"Dahil alam kong ikaw ang pinaka maganda sa gabing yun at gusto ko ako ang katabi mo." He said making me blushed. Napahawak ako sa pisnge ko, dahil sa hiya na baka mapansin niya yun. Sana hindi tutal gabi naman at madilim.

"P'paano ka naman nakakasiguradong ako ang pinaka maganda sa gabing yun?"

"Ngayon pa nga lang sa pajama mo, maganda ka na. Dun pa kaya sa gabing nakaayos ka."

"Hindi ko alam na marunong ka palang mangbola."

He laughed. "Hindi naman talaga, nagsasabi lang ng totoo." Bigla niya kong hinawakan sa magkabilang pisnge at inilapit ang mukha sakin kaya di ko maiwasang tignan ang labi niya. "Matulog ka na, may pasok na bukas." He softly said, looking down at my lips. I just nodded my head.

"Goodnight, Amber." He kissed my forehead.

"Goodnight, Damon."

King BrothersWhere stories live. Discover now