King Brothers - 42

12.2K 469 20
                                    

Nang matapos ang practice nila Damon. Majah and i decided na mag stay pa muna dito sa bench habang hinihintay ang mga boyfriend namin habang busy pa sila sa pag freshen up.

Nag hahanda na rin ako ng pwedeng sabihin sa kanya tungkol dun sa tanong niya kung kumusta pag uusap namin ni IC, pero di nalang yun ang sasabihin ko sa kanya pati na rin yung pag uusap namin ni Sam.

"Ano palang balita dun sa pakikipag away ni Ian?" Tanong ni Majah.

"Naawat naman na bago pa kami makarating."

"Ano ba daw dahilan bakit siya nakipag away?"

"Di niya sinabi. Galit pa din siya sa'kin until now kaya imposibleng sabihin niya."

"Grabe pala magalit yung best friend mo." She comments.

"My love.." Dinig kong tawag sa'kin ng boyfriend ko. Nilingon ko siya at nakita kong kasabay niyang nag lalakad si Mario. Basa pa yung buhok niya at... ang gwapo niya.

Sabay kami ni Majah na tumayo mula sa pagkakaupo at sinalubong na sa paglalakad yung dalawa.

"Natagal ba kayo sa pag hihintay?" Tanong niya sa'kin.

"Hindi naman."

Hinawakan niya ko sa kamay. "Mauna na kami." Pagpapaalam niya dun sa dalawang lovers. Tumango lang sila sa'min bilang tugon. Bumeso muna ako kay Majah bago namin tuluyan sinimulan ni Damon ang paglalakad palayo ng field.

"Nabangit sa'kin ni Sam na nagkausap kayo." He started to speak.

"Nabangit na pala niya sa'yo. Totoo yun at maganda naman ang kinalabasan nang paguusap namin. Sana lang pati si IC, matangap na tayo. Di kasi talaga ako sanay na nasa beast mode lagi siya."

"Speaking of Ian, kumusta pag uusap n'yo?"

"Hindi naman kami totally na nakapag usap, pinilit ko lang siyang pumunta muna ng clinic bago siya tuluyang umuwi after nun hindi na kami nag usap." Ayokong sabihin yung parteng napagtaasan ako ng boses ni IC baka kasi di niya magustuhan at awayin lang si IC.

"Ganun ba, dibale.. magkaayos din kayo. Hindi ko siya titigilan hangga't hindi kayo nag kakaayos. Ayos lang sa'kin na hindi niya 'ko pansinin pero ikaw.." He shakes his head, sighing. "..hindi ako matatahimik hangga't hindi kayo nagkakabati."

"Wag mo nang sisihin sarili mo hindi naman kasi natin mapipilit si IC na pumayag sa relasyon natin nang ganun lang kabilis. Fresh pa ang lahat kaya siguro di pa niya tanggap."

"Tama ka." Mula sa pagkakahawak sa kamay ko inakbayan niya 'ko tsaka ko naramdaman ang pag halik niya sa ulo ko.

Nag patuloy kami sa paglalakad papuntang parking na ang mga mata ng mga schoolmates ay mainit sa'min. Parang kami nga lang ang tao kung pagtinginan nila eh. Gusto ko talagang masanay sa tinginan nila pero parang ang hirap.

Nakarating kami ni Damon sa parking, dahil may kanya kanya kami dalang kotse kaya separate car ang gagamitin namin.

"Magkita nalang tayo sa inyo." He said.

"Okay, drive safe."

"You too." He just kissed me on my cheek tsaka siya nag simulang maglakad papuntang kotse niya. Ako naman sumakay sa kotse ko at inilagay sa muna yung gamit sa passenger seat tsaka ko inistart yung makina.

Sinimulan namin ang byahe nang nakasunod lang ang kotse ni Damon sa'kin. Dahil pareho naman kami way papunta sa bahay kaya nakasunod lang siya.

Nang makarating naman kami ng bahay nakita ko na ang kotse ni Mama na nakapark sa tapat ng bahay. Maaga sigurong umuwi si Mama.

Ako ang unang nakarating sa bahay sa'ming dalawa ni Damon kaya ako ang unang bumaba ng kotse. Hinintay ko muna siya bago ako pumasok ng bahay.

Sa pagbaba niya ng kotse, lumapit siya sa'kin at hinawakan ako sa kamay tsaka kami tuluyang pumasok.

"Ma?" Pag tawag ko sa kanya pagpasok namin. Dumiretso kami sa sala at laking bigla ko nang makita si Daddy at Philip na nakaupo sa couch.

"She's here." Mama said as she saw me. Tumingin sila sa direksyon ko at ngumiti. Bumitaw ako sa pagkakahawak sa kamay ni Damon at tumakbo papalapit sa Tatay kong sobra kong namiss. Niyakap ko agad siya ng sobrang higpit.

"Hello, sweetheart." My Dad greeted as he hugs me back.

"I miss you dad."

"I miss you too, sweetheart." Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya at tumingin naman sa kapatid ko.

"Hey Philip, you're getting taller huh. Are still into basketball?" Sporty din kasi 'tong kapatid ko eh.

"Nah- i switch."

"What do you mean?"

"I'm into football now."

"Oh!!" Speaking of football.. tumingin ako sa boyfriend kong football player na nakatayo lang habang nakatingin samin. "By the way.." Lumapit ako kay Damon, hinawakan ko siya sa kamay at hinila siya papalapit sa kanila. "Guys, i would like you to meet Damon, my boyfriend."

"Good afternoon sir, nice to meet you." Nag offer si Damon ng handshake sa Tatay ko.

Inabot yun ni Daddy at nakipag kamay. "Nice to finally meet you too Damon."

"He's also a football player, a star player.. actually." Pagmamalaki ko kay Philip.

"What's your position?"

"Midfielder, you?"

"Both. Nice to meet you, dude. Let's play some other time."

"Sure."

"Okay, since Amber is here magpi'prepare lang ako ng merienda for everyone. Sweetheart can you help me?" Mama asked.

"Opo, sige." Tumingin ulit ako kay Damon. "Dito ka muna ah."

Tumango lang siya bilang sagot tsaka namin sinimulan ang mag lakad ni Mama papuntang kusina para tulungan siyang mag merienda kahit naman wala akong alam dun.

"Masaya ka na ba sweetheart?" Tanong ni Mama nang makarating kami sa kusina.

"Sobra Ma, bakit di mo po sinabi na ngayon pala ang dating nila?"

"Gusto ka kasi nilang surpresahin and kahit gusto kong sabihin sa'yo kaso ang lalim ng iniisip mo nitong mga nakaraan na araw. Ayos na ba kayo ni Ian?"

"Sa ngayon hindi pa po but don't worry inaayos na po namin." Sana nga maayos na.

"Kung ganun, ayos lang bang ibigay ko na sa'yo yung mga invitation cards mo para sa debut?"

May invitation na pala, talaga ngang mag dedebut na 'ko. Sana talag bago ang birthday ko ayos na lahat. Sana maging ayos na kami ng escort ko.

"Uh.. sige po, ipamimigay ko nalang bukas." Ngiti lang ang sagot ni Mama sa sinabi ko.

Nang matapos si Mama sa pag gawa ng meryenda, ako na ang tumawag sa boys para sabihing kakain na. Pag dating ko ng sala, naguusap usap lang sila tungkol sa football at kay Ronaldo daw. Ewan ko kung sino yun.

"Guys, food is ready." I speak making them all looked at me.

Sabay sabay silag tumayo tsaka nag simulang mag lakad papuntang dining. Si Damon naman huminto sa harap ko.

"Sino si Ronaldo?"

He chuckled. "Sikat na football player."

"Ah.. i see. Mag re-reseach na 'ko about football tulad ni Majah para may alam ako." Pabiro kong sabi na may halong seryoso din.

"Ikaw ang bahala." He kissed my forehead. "Napapalaban ako ng english-an my love." He confessed making me laughed.

"Kaya mo yan." I said tapping his shoulder.

--

Sorry maiksi. ✌

King BrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon