King Brothers - 21

17K 772 25
                                    

Nakarating ako sa school na halos kasabay ko lang si IC dahil nga pumunta siya ng bahay para humingi ng tawad sa ginawa niya. The whole time naka buntot lang ang kotse niya sa kotse ko na akala mo security personnel. Haha!

Halos sabay lang kaming bumaba ng kanya kanya naming sasakyan, nang makakababa siya umakbay siya agad sakin. Kaya pinag tinginan kami ng mga schoolmates namin. Siguro dahil sa kiss na ginawa niya at ngayon nakaakbay naman siya.

Tinangal ko yung kamay niyang nakaakbay sakin na ipinag taka niya. "Pinagtitinginan tayo." I explained.

"So?"

"Anong so?? Mailang ka nga!"

"Tss.. para namang bago pa yun." Inakbayan niya ulit ako. Sinubukan ko ulit tangalin ang nakaakbay niyang kamay but this time di na siya pumayag. Haaay!!

Di ko na pinilit pang tangalin yung kamay niya at naglakad nalang papunta sa classroom ko, plano niya kasi akong ihatid hanggang sa makasalubong namin ang dalawang Kings na sina Sam at Damon. Tinitigan ko si Damon sa mata at nakipag titigan naman siya sakin.

"Hi Amber." Sam greeted.

"Hi." I greeted back smiling.

"Pwede ka mamaya?" He asked.

"Bakit ano meron?" Pagtataka ko.

"Oo nga!" Pagtataka din ni IC.

"May naipangako ako sayong cheese ice cream diba? Ngayon na kita ililibre."

"Oh!! Seryoso ka pala dun?" Laking ngiti kong tanong.

"Oo naman!" Tumingin ako kay Damon na nakatitig sakin pero umiwas din naman. Anong problema nito? Di manlang namamansin. Parang kanina lang ang sweet sweet niya, ngayon parang waley lang.

"May practice tayo mamaya, nakalimutan mo na ba?" Damon scolded his brother.

"Oo nga pala." Napakamot sa ulo si Sam.

I chuckled. "Dibale may next time pa naman."

"Sabi mo yan ah!" Tumango lang ako sakanya habang nakangiti.

Nag simula na silang mag lakad palayo ni wala manlang sinasabi o binangit si Damon. Ni hindi nga manalang nag Hi sakin o ngumiti. I pout disappointingly.

"Hoy!!" IC called.

"What?" Irita kong tanong.

"Bakit nakanguso ka dyan?"

"Wala! Ano bang pakialam mo?"

"Ang taray mo naman, halikan ulit kita dyan sige ka." I glared at him. Ngumiti siya ng very sweet at nag pacute pa. "Biro lang."

Nag patuloy na ko sa pag lalakad at di na hinintay si IC, nawalan ako ng mood sa pakikipag kulitan kay IC dahil di manlang ako pinansin ni Damon. Baka naman may explanation kung bakit ganun kinilos niya, sana nga dahil sobrang nakakainis talaga kung walang explanation kung bakit inisnob niya ko.

Nakarating ako ng classroom ko at wala akong ibang ginawa kundi magbasa nalang muna habang wala pang prof. iwas pag iisip din to kahit papaano.

"Class open your module on page 63." Our professor said as he walks enter on oir classroom.

Nang dumating ang break time..

Nag simula na kong pumunta sa canteen at nakasalubong ko yung tatlong bruhang nagkakagusto sa mga Kings. Una kong ginawa ay umiwas pero sila itong papansin na naman at binanga ako kaya napaupo ako sahig, inangat ko yung paningin ko sakanila at sinamaan sila ng tingin. Nakangisi lang sila ng mga nakakaloko tsaka nag lakad palayo.

King BrothersWhere stories live. Discover now