King Brothers - 34

12.6K 601 39
                                    

On the way na kami ni Damon pauwi ng bahay, dahil malapit ng matapos ang curfew na binigay samin ni Mama. Baka kapag sinira namin yun ay hindi na kami makaulit kaya mas mabuti nang sumunod kesa mapagalitan.

Tahimik lang kami habang on the way pauwi, napagod na ata ako kakasalita kanina dahil sa madadaldal kong kaibigan kaya ngayon naubusan na ko ng sasabihin para may mapagusapan kami.

Wala naman akong ibang pwedeng maisip na itanong maliban sa kung kailan niya sasabihin ang about samin kay IC. Baka makulitan na siya sakin dahil lagi nalang yun ang maiopen kong topic.

Nakarating kami finally sa bahay, base sa nagiisang kotseng nakapark sa tapat ng bahay wala pa si Mama. Di ko na hinintay na pag buksan niya ko pinto, bumaba na ko ng kusa. Lumapit din naman agad siya sakin at hinawakan ako sa kamay.

"Nandyan na kaya si Tita? Para makapag paalam muna ako." He said.

"Wala pa siya, wala pa yung kotse niya eh."

"Hmm.. kung ganun, hindi na ko papasok." Dahan dahan niyang nilalapit ang labi sa labi ko para halikan ako.

"Itext mo ko kapag nakauwi ka na." I said after magtama ng labi namin.

"I will, my love." Hinalikan niya ulit ako ng mabilis sa labi tsaka siya sumakay ulit ng kotse, habang ako naglakad na papunta ng pinto pero plano ko munang hintayin siyang makaalis bago ako pumasok.

As the engine started, ibinaba niya muna yung window shield niya at kumaway sakin bilang pagpapaalam. Ganun din ang ginawa ko habang nakangiti.

Sa pagsisimula niyang mag maneho, sinimulan ko na din pumasok ng bahay.

Binuksan ko lang yung mga ilaw sa pag pasok ko tsaka ako dumiretso sa kwarto ko, tutal kumain naman na ko kanina kaya di na ko nag abalang pumunta sa kusina.

Sa pag pasok ko ng kwarto, hinubad ko lang yung sapatos ko at dumiretso sa pag kuha nang tuwalya. Pumasok ako ng bathroom para masinimulan ang mag shower.

Nang matapos naman ako, dumiretso naman agad ako sa pag bibihis ng pajama dress then humarap ako sa salamin para mag patuyo naman ng buhok gamit ang blower ko.

Sa pagtapos ko naman magpatuyo, kinuha ko lang yung cellphone ko para malaman kung nakauwi na ang mahal ko pero wala naman akong nakitang text mula sakanya siguro nasa byahe pa yun.

Ako nalang ang nag simulang mag text..

** My love, ingat ka pauwi. Mahal kita. 😚**

Dahil di pa naman ako nakakaramdam ng antok at maaga pa din naman, kaya naisipan kong magbasa nalang muna habang naghihintay na din ng text mula kay Damon.

I don't know kung ilang minuto o oras ba na nagbabasa ako ng novel, itinigil ko lang dahil nakaramdam ako ng antok.

Pero until now, wala pa rin akong narerecieved na text mula kay Damon. Tsk.

Nag type ulit ako ng pangtext niya..

** My love, nasaan ka na? **

Inilapag ko lang yung cellphone ko sa kama ko at humiga, sana hindi ako antukin sa pag hihintay sa text niya hanggang sa finally maka received na ko ng text mula sakanya.

** Nakauwi na ko. **

Ngayon, makakatulog na 'ko. Mokong na 'to kailangang itext pa ulit para lang magtext, kaya lang wala manlang kalambing lambing sa text. Tss.

Itinabi ko na sa side table ko yung cellphone ko, para makatulog na din kasi talaga namang inaantok na 'ko.

Nagising ako mula sa pag kakatulog at cellphone ko agad ang una kong kinuha kahit pikit pa yung isa kong mata.

King BrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon