King Brothers - 36

12.9K 580 38
                                    

Sinimulan ko na ang byahe pauwi galing sa Cafe. Nag kanya kanya na kaming uwi ni Marcus after niyang pagandahin ulit ang mood ko. Hindi literal na gumanda yung mood ko, medyo nag light lang kesa kanina.

Sa pag dating ko naman ng bahay, nakita ko si Damon na nakasandal sa kotse nito. Dalawa lang ang dahilan kung bakit siya nandito, una.. dahil wala ako sa school, pangalawa dahil nalaman na niya yung ginawa ni Marcus. Ano kaya dun?

Bumaba na 'ko ng kotse ko bitbit ang bag ko tsaka siya nag lakad papalapit sa'kin. "Saan ka galing?" Seryoso niyang tanong.

"Sa Cafe."

"Kasama si Marcus?"

"Oo."

He sighed heavily. "Nalaman ko yung ginawa ni Marcus." I knew it! Alam na niya. Basta may involved na King talagang mabilis na kakalat.

"Ginawa yun ni Marcus para pag takpan tayo." I explained. "Bakit ba kasi hindi pa natin sabihin kay IC? Kung nahihirapan ka sasamahan kita."

"Hindi pa pwede."

"Hindi pa din pwede? Kailan ba magiging pwede ha? Damon umabot na ko sa puntong nag sinungaling ako sa best friend ko, tapos hindi pa din pwede? Umamin ka nga, may plano ka bang sabihin yung tungkol sa'tin o wala?"

"Hindi mo 'ko naiintindihan eh."

"Edi, ipaintindi mo!"

"Parehong may nararamdaman si Ian at Sam sayo."

"What?!" Gulat kong tanong. Okay, maiintindihan ko pa na may feelings sakin si Sam dahil inamin naman niya sa'kin yun pero si IC? Imposible!! "Paanong magkaka gusto sa'kin si IC eh diba nga nafriendzone na 'ko nun?"

"Nakita ko yung dalawa kagabi na nag susuntukan dahil sayo. Ayaw pumayag ni Ian sa sinabi ni Sam na gusto ka niyang ligawan dahil nga gusto ka din ni Ian, kaya di ko magagawang sabihin kay Ian dahil yung dalawa kong kapatid nag sasapakan dahil sa nararamdaman sayo."

No! Imposible yun, hindi ako naniniwalang may gusto sa'kin si IC baka sinabi niya lang yun para hindi ako ligawan ni Sam. Pero bakit yun pa ang gagawin niya? Pwede namang sabihin nalang na hindi pwede. Urgh! Ewan ang gulo.

"So ano ng plano mo? Habang buhay nalang na'tin itatago yung tungkol sa'tin?"

"Hindi ko alam."

I chuckled bitterly. "Hindi mo pa din alam? Wow! Di ko alam kung anong mararamdaman ko dyan sa sinabi mo!"

"Siguro wag nalang muna tayong mag kita o mag usap hangga't hindi-" Hindi na niya natapos yung sasabihin niya dahil sinampal ko siya, mula palang nung sinabi niyang wag nalang muna kaming kita ay kinainis ko na. Hindi ko lang kinainis, nasaktan pa 'ko.

"Bakit ang dating sakin nung sinasabi mo ay nakikipag hiwalay ka?"

"Hindi.. hindi ko alam."

"Hindi mo alam? So iniisip mo ngang makipag hiwalay?!"

Hindi siya makatingin sa mga mata ko, ibig sabihin tama ako ng hinala.

Shocks! Hindi ako makapaniwalang inisip niya talaga yun.

"Kaya ba hindi ka nag paparamdam at nagtetex dahil iniisip mo nalang na tapusin to? Ganun nalang ba yun? Kahit mahal natin isat isa hindi pwede dahil kay IC? Naiintindihan ko naman yung side mo eh, ikaw ang panganay kaya dapat pumagitna ka pero, hinding hindi ko maiintindihan yung puntong kailangan mo pang isipin na mag hiwalay nalang tayo para lang makatakas na wag sabihin kay IC ang tungkol satin." Naramdaman kong tumulo yung mga luha ko at yung pag kirot ng puso ko. Ganitong ganito yung naramdaman ko noong inamin kong gusto ko si IC pero kaibigan lang ang tingin niya sakin. Pero mas nag level up ngayon, dahil sobrang sakit nito. Bakit ang bilis naman niyang sumuko?

King BrothersWhere stories live. Discover now