King Brothers - 31

14.4K 653 19
                                    

I'm at my room, waiting lang sa text ng mahal kong boyfriend dahil sa plano niyang sabihin ang tungkol samin kay IC. I told him kanina na bago umalis ay itext ako kung nagawa ba niya o hindi, kaya halos di ko mabitawan ang cellphone ko sa kamay ko at naghihintay padin until now sa text ni Damon.

Sana naman masabi na niya, ang hirap na kasi talagang mag sinungaling sa best friend ko. I don't want to lie to him, kailangan lang talaga pero sana talaga matapos na to ngayon. Sana talaga, sana masabi niya ng maayos.

Urgh! Bakit ba hindi pa siya nagtetext? Bahala na, ako na nga muna magtetext.

Nag simula na kong mag type ng message para sakanya.

** My love, ano ng nangyari?"

Pagkatext ko, inilapag ko sa kama yung cellphone ko at nakatitig lang dito habang naghihintay ng text mula sakanya.

Inabot din ata ng kinse minutos or more bago siya makareply.

** I'm sorry, hindi pa pwede ngayon. Bigla kasing dumating sila Mama eh. **

Bigla akong nadisappoint sa nabasa ko kahit na di naman niya kasalanan dahil sa biglaang dating nila Tita mula sa mahabang bakasyon/trabaho kasama si Tito.

Nag type ako ng pangreply..

** I understand, may next time pa naman. **

Inilagay ko nalang sa side table ko yung cellphone ko at nagtalukbong nalang ng kumot ko sa sobrang pagkadisappoint. Sayang talaga kung kailan ngayon na niya sasabihin tsaka pa napurnada.

Siguro din talagang hindi pa oras para malaman nila ang tungkol samin.

Ipinikit ko nalang ang mata ko baka sakaling makatulog kahit na ang dami kong iniisip.

Nagising ako mula sa pagkakatulog at ang una ko agad hinanap ay ang cellphone ko. Kinuha ko agad yun sa side table ko at tinignan kung may text mula sa boyfriend ko at meron naman, three messages mula sakanya..

** Sorry my love, alam kong gusto mo ng malaman ni Ian ang tungkol satin hindi lang talaga maganda ang timing ngayon. **

** Tulog ka na ba? **

** Goodnight my love, i love you. **

Inilapag ko sa kama yung cellphone ko after kong mabasa ang mga text niya at tumitig sa kisame. Kagigising ko lang pero yung nangyari agad kagabi ang naisip ko dahil sa text niya. Dahil ayaw ko masyado ng negative vibes today, bumangon nalang ako ng kama ko para mawala tong iniisip ko. Niligpit ko yung pinagtulugan ko then lumabas ng kwarto para mag breakfast.

Dumireto ako ng dining area at dun nakita ko sa lamesa na may tinatakpan na pagkain, ibig sabihin nakagawa na si Mama ng breakfast pero maaga siyang umalis. Inopen ko lang yun tsaka sinimulang kumain.

Yung isip ko medyo lumulutang sa pagiisip sa boyfriend ko habang kumakain. Pero syempre dahil mabilis akong kumain ng breakfast, mabilis ko din naman naavoid yun.

Bumalik na ko ng kwarto ko this time pagpreprare naman sa pagpasok ang gagawin ko. Kumuha agad ako ng towel at sinimulan ang mag shower.

Nang matapos naman ako, nag bihis agad ako. Ripped jeans, red T-shirt na may big white heart na design and rubber shoes. I wear a simple make up, basta may kilay at lipstick keri na.

Lumabas na ko ng kwarto ko, bitbit ang lahat ng kailangan ko tsaka ako dumiretso palabas ng bahay at sumakay sa kotse ko.

Inilapag ko sa passenger seat yung bag ko then inistart yung engine, pero bago ako mag simulang magmaneho tinext ko muna si boyfriend..

King BrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon