Chapter 37

4.5K 65 2
                                    

NAVI POV

Hindi ko inaasahan na babalik ulit ako sa lugar na to.

Pandora Bar.

nung isang kagabi lang ay andito ako dahil na rin kay Armie. ngayon naman ay nandito ako dahil pa rin sa kanya. kung iniiisp niyo na dahil andito si Mie ngayon ay nagkakamali kayo. kasama ko ang barkada ko at andito kami para pag-usapan si Mie.

mga 30 minutes na rin kaming andito at umiinom. After duty ay umuwe sila kaagad. nagpaalam sa mga asawa nila sila Llyod at Air at inihatid naman ni Ian si Mareen. Ako ay napagdesisyunang dumiretso na sa Pandora bar. sa katabing restaurant ako kumain habang inaantay ang tatlo.

sanay na kong mag-isa lagi. matagal na rin kasi ng humiwalay ako sa pamilya ko. Ayaw nga ni Mommy na humiwalay ako lalo na nung naaksidente ako 3 years ago. gusto niya sa bahay na lang ako para may kasama daw ako pero tumanggi ako. hindi naman na ako bata at tsaka sanay na ko sa condo ko.

wala naman siyang nagawa kundi pagbigyan ako. sabi nga ni Mareen Mama's boy daw kasi ako. ako daw ang paborito ni mommy kahit na hindi ako ang bunso kaya daw lagi akong napagbibigyan. I'm the middle child but mom treats me as her baby.

Hindi naman siya dating ganyan. ang favorite niya ay si Carlo dahil siya ang bunso nalipat lang sakin 8 years ago. pero okay lang naman. I love my mom to the fullest.

"anong nangyare nung isang kagabi?" tanong ni Ian.

umiling lang naman ako. kahapon pa niya tinatanong yan. gustong-gusto niya atang nauulit para malaman ang totoo. I never kiss and tell okay. i respect my relationship with Mie.

"naka score ka ba?" pang-aasar pa niya "sa itsura lang ni Mie nung isang araw na suot pa ang mga damet mo ay mukhang ganun ang nangyare ayaw mo lang umamin" sabay tawa niya.

napabuntong hininga naman ako dahil na rin sa panghihinayang. bukod sa hindi pa rin alam ni Mie ang nangyare samin ay alam kong galit siya kaninang umalis ako ng bahay nila.

ginusto ko namang bumalik kanina after ng pag-uusap namin nila Mareen ang kaso dumating daw ang mga relatives and friends niya baka hindi daw nila ako maasikaso. If I know ayaw lang ni Mie na bumalik pa ako.

"so pare ano na?" tanong niya.

"ha?"

"naku wala ng to. ano kumusta kayo ni Mie?" 

"ayos lang" sagot ko sa kakulitan ni Ian.

"anong ayos lang? diba galing ka dun kanina?"

"hmmmp"

"nakapagusap kayo? nasabi mo na mahal mo pa"

bakit ko pa kasi naisip na uminom ngayong gabi? mas nagulo ang isip ko ngayon. 

kung di ko lang kailangan sabihin sa kanila ang problema ko magkukulong na lang ako sa kwarto ko.

pero sabi nga ni Ian I need to share all my problems. maliit man o malaki. hindi ko dapat kinikimkim ang lahat ng iyon cause it might trigger my illness. i don't want that to happen again, not now that i'm better. I know i'm better but as a precaution ay ginagawa ko pa rin ang alam kong mas makakabuti.

"everything is so fast" sabi ko.

"fast? pre ilang taon na ang pinalampas mo fast pa rin?" tanong ni Air

"para kasing may problema siya na ayaw niyang sabihin sakin"

"baka naman kasi nakamove on na siya at iniiwasan ka lang"

"no" umiiling na sabi ko. hindi yun ang nararamdaman ko.

"pre ayan ka na naman. baka pinipilit mo na naman ang wala ng pag-asa"

UNBEARABLE DesireWhere stories live. Discover now